Chapter 13~Masquerade Ball

473 20 16
                                    

[Zyna's POV]

Hello, mga kabataan! Nandito kami ngayon sa isang silid kung saan magsayaw. Eh? Ano pa ba? Edi Dance Room!

HAHAHAHAHA--ha. Ha. Ha.

Tawa naman kayo diyan oh. Ito nga ang dahilan kung bakit ginawang humor ang librong 'to. Para mapatawa kayo ni Ms. A. Kasi daw, kapag hindi ka tatawa, huwag na lang basahin ang librong 'to dahil you find it boring daw. Kaya layas na! Shoo, chupi!

Haha, joke lang. Eto naman oh, nagbibiro lang ako.

Okay, so as I said, nandito kami ngayon sa dance room. Anong ginagawa namin dito? Eh, nagpahinga. Katatapos lang naming magrehearse sa cotillion namin para ngayong gabi.

Oo nga. Nakalimutan ko! Ngayong gabi na pala ang Masquerade Ball. Excited na excited ako hindi dahil makilala o makikita ko na ang forever ko. Bakit naman gusto kong makita ang forever ko, kung may PAGKAIN naman. Kaya nga walang forever! *kris aquino laugh*

Walang forever para sa mga taong laging bitter-- este, patay gutom! Kaya nga excited na excited ako dahil makakain na ulit ako ng FOOOOOOOOOOOOOOD!

LISTEN PEOPLE, I ONLY COME FOR THE FOOD!

Anu-ano kaya ang mga pagkaing ihahanda ngayong gabi?

Leche Flan?

Lasagna?

Beef Steak?

Kare-kare?

Cupcake?

Itigil na nga yang pagdeday dream mo, Zyna. Paano kapag yang binanggit ko ay hindi pala yun ang ihahanda. In the end, you'll be disappointed. Expecting doesn't hurt. Assuming does.

T_T

Ay, himala. Humugot ang patay gutom.

Okay, okay. Balik tayo sa present time.

So eto pa rin ako. Nakatayo. Hands crossed over my chest. Naiinis. Napagod. At Gutom.

NASAAN NA ANG PAGKAIN, PEOPLE?!

Naiinis ako dahil pinasuot ako ng bwisit na heels. 5 inches pa yung bwisit. Kung pwede lang itong sunugin, maging masaya pa ako. Limang oras akong nagsuot nito. Oo, limang oras! Namamaga tuloy ang precious feet ko. Tas susuotin ko pa ito ngayong gabi. Hay, the struggle is real talaga. Okay lang kay Cathliene, Eloisa at Phoebe na magsuot ng heels. Sanay naman sila sa ganon, eh.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may pumitik sa noo ko. Lumignon ako para makita kung sino ang pumitik sa precious noo ko.

"Ba't ka nakaganyan?" Tanong ni Domex. Yep, si Domex. Sali din siya sa bucketlist ko kung bakit ako naiinis. Siya ang partner ko eh. Bago pa akong magsalita, inabutan niya ako ng bottled water at meat bread. Tinignan ko lang iyon.

"Ayaw mo?" Tanong niya. Umiling lang ako. Baka kung anu-ano pa yung nilagay diyan. "Well then. I'll just leave it here. Kung gusto mo mang kumain, just feel free to eat this." Pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis na siya.

Tinignan ko ito. Nagdebate pa yung utak ko kung kakainin ko ba ito o hindi ko lang ito pansinin. Hay, malamig pa yung tubig at mukhang mainit-init pa yung meat bread. Biglang nag-grumble ang tiyan ko. Oh, mukhang gutom na si stomach.

Without any second thought, nilantakan ko agad iyon. Pagkatapos kong kumain, naglaro ako ng Candy Crush.

Nasa level 86 na ako pero nabored ako so pinatay ko muna ang phone ko.

Nakita kong naglakad ang tatlong besprens ko patungo sa'kin. Kitang-kita ko silang pawis na pawis.

"Grabe ang baklang trainer natin! Napakahirap ang steps ng sayaw." Iritadong saad ni Phoebe.

Don't Mess With the Nerd Where stories live. Discover now