“Anong ginagawa mo?” tanong niya bigla sa akin na nakatingin sa kamay kong nakahawak sa pisngi.

“Wala. Nanaginip lang ako kagabi.”

“Ano?”

Ops. Interesado na siya??

“Hinalikan daw ako ni Zirk! Siya ang first kiss ko! Ang saya!!”

Nagulat ako nang sipain ni Jave ang paa ng table, kumalansing lahat ng nakapatong doon. Magrereact sana ako kaso inilapit niya ang mukha niya sa akin, one inch ang pagitan. Halos dumikit na ang tungki ng ilong niya sa akin. “Ha! First kiss mo? Si Zirk? Dream on….” bulong niya sa tainga ko. Umangat ang gilid ng labi niya nang ngumisi siya pagkatapos. Nagkaroon ako bigla ng goosebumps sa buong katawan.

Iniwan niya ako sa mesa na hindi makagalaw sa pagkagulat.

“By the way. I don’t think you’ve dreamed of Zirk last night. Coz I heard you calling my name several times in your sleep when I carried you to your room, dam-dam.” dagdag pa niya bago ako tuluyang iwanan sa kitchen.

Dam-dam. Like Dumb-dumb.

Nanlaki lalo ang mga mata ko. Napainom ako ng tubig ng wala sa oras nang biglang mag-init ang pisngi ko pati buong katawan. Ano ang sinabi niya? Nagsleeptalk na naman ako?? At binanggit ko ang pangalan niya? Shit!

Si Jave ang laman ng panaginip ko buong gabi kaya hindi imposibleng binanggit ko nga ang pangalan niya. I also had this weirdest feeling when I woke up that he kissed me for real last night!

Dream on.. sabi niya kanina nang sinabi kong si Zirk ang first kiss ko. Napalunok ako.

Binuhat niya ako kagabi?? Jusko, ang puso ko..




Para akong zombie nang makarating sa classroom ko. Wala akong imik, punong-puno ang utak ko ng mga sinabi ni Jave kaninang umaga. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya sa mga pinagsasabi niya eh alam ko naman na ayaw niya lang magpatalo. Isa pa, ang pangit ng tingin niya sa akin feeling niya hindi ko deserve na magkagusto sa akin si Zirk Alcantara kaya lahat sasabihin niya para lang barahin ako. Tama, hindi totoo yun, nagsisinungaling lang siya.

Ang pinag aalala ko ay kung totoong narinig niyang binanggit ko ang pangalan niya kagabi. Nakakahiya!

“Ready ka na mamaya, Sofia?” nakatawang salubong sa akin ni Kayla nang maupo ako sa tabi niya.

“Ha? Saan?” lutang pa rin ako.

“Sa Dance and Drama Club! We made it Sofia!! Pagkatapos ng first class natin pinapapunta tayo ni Ms. Zandra sa theatre para sa schecule ng practice at para mameet natin lahat ng mga junior and senior members ng club! I am super excited!”

“Kayla, deserve ko ba yun? Para kasing nagi-guilty ako para doon sa mga hindi pumasa. Wala naman akong naipakitang talent…”

“It’s the demon rex’s decision. Nobody will dare to contest that, not even the Professors. Sofia Althea Perez, don’t you realized that officially starting yesterday, you are the bad boy’s princess honored by the whole population of Westside University??”

I’m not Jave’s Princess. I’m his dam-dam baby sitter-slash-clown-slash-shock absorber. Naiiritang sagot ng utak ko. Dahil sa kasamaang palad yun naman talaga ang totoo. At ang pagiging stage-princess niya sa University na ito mukhang hindi magdudulot ng maganda, mukhang marami akong pagdadaang pagsubok sa mga susunod na araw dahil sa Paniking yun.

Halos hilahin ako ni Kayla papuntang theatre, halata sa kanya ang excitement na mapabilang sa sikat na club na iyon ng school. Ayon sa mga narinig ko, hindi basta-bastang mga studyante ang kabilang sa club. Sinasala ng husto lahat ng members kaya naman para makapasa dapat meron ka ng dalawang importanteng bagay: all around theatre talent and stunning looks.

Napatunayan kong totoo ang tsismis nang isa-isa ko nang makita ang lahat ng members. Kung hindi ako nagkakamali, halos lahat ng mukha pamilyar sa akin, nakita ko na sa website ng Westside. Mga sikat silang estudyante, kalimitang kasali sa mga beauty contest, sa cheering squad, at sa halos lahat ng events ng Westside. Kumbaga, sila ang mga celebrity sa school na ito.Sa halos dalawang daan na nag audition hindi lalampas sa sampu ang nakapasok. Kabilang ako doon, of course, courtesy of the great and the almighty demon rex of all Westside.

“Sofia Althea? It’s your turn to introduce yourself to everyone..” hindi ko namalayang sabi ni Ms. Zandra. Nakatingin na pala sila sa akin at hinihintay na magsalita ako.

“She thinks, there’s no need to introduce herself. Sino ba ang hindi makakakilala sa kanya sa club na ito when the demon rex himself brand her as his princess yesterday.” sabat ng isang babaeng may blond na buhok bago pa man ako makapagsalita. I bet she’s one of the seniors. “Hello Sofia, darling. My name is Robie. Let’s just all welcome her!”

Tumawa silang lahat sa akin at pumalakpak. Pero ramdam ko ang indifference nila sa akin at alam kong hindi nila ako gusto. Mahihirapan akong makibagay sa mga plastic na ito, higit sa lahat, mahihirapan akong patunayan ang sarili ko kung wala naman talaga akong talent at beauty na maipagmamalaki kagaya ng sa kanila.

Lahat ng mga bago, isinama ni Ms. Zandra sa isang malaking dance room sa loob ng theatre. Lahat ng bagong member mamimili ng partner para sumayaw. Iyon ang unang activity, kailangang makita ng mga senior members kung paano kami gumalaw at kung ano ang kailangang I-improve sa amin. Assessment kumbaga. Binigyan kami ng tig isang mga papel, nakasulat doon kung ano ang sasayawin.

Pagbukas ko ng papel na inabot sa akin ni Ms. Zandra, ang nakasulat: Despacito. A Puerto Rican Song by Luis Fonsi.

Bumilog ang mga mata ko. I need to wear a sexy dress and I need a sexy guy partner for the song.

It’s the end of the world. I’m doomed.

 I’m doomed

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Photo Credits: Love Geunshin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Photo Credits: Love Geunshin

A/N: FB Updates:

Despacito is Real!!!

Next Page Please.....

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now