Kawaii eleven!

3.6K 119 12
                                    

LEER --

Pakiramdam ko naglapat ang lupa dahil sa sinabi ni Chibikii. Nanlaki ang mga singkit na mata ni Kii at seryoso naman yung Mamoru.

"Im glad that youre back. And congrats. Sige na,pasok na ako walang bantay si Ujie eh." sabi ko at tumalikod. Kumikirot ang dibdib ko,hindi ko maiwasang magtampo kay Kii. Bakit naman ganon? Umpisa pa lang alam na nyang mahal ko sya.

"Who's Ujie Leechan?" ang biglang sulpot ni Chibikii sa tabi ko. Sinundan nya pala ako.

"Anak nina kuya Uriel at Winji." sabi ko at pinilit ngumiti. Malaki na din si Chibikii at halos kamukhang kamukha ni Kii.

"Omo! A baby? I want to see! I want to see!" aniya at naglambitin sa braso ko.

"Sige tara,sigurado akong magugustuhan nyo ang isa't isa." ani ko at nagtuloy tuloy na kami sa loob.

"Kyaaahhhh kawaii!" at nagtatakbo si Chibikii papunta kay Jewel na kalong si Ujie.

"Chibikii! Ang laki mo na!" masayang sabi ni Jewel.

"Ofcourse! Im not like Kii." anito. "Can I play with Ujie? Please?"

Tiningnan ako ni Jewel,tinanguan ko sya bilang pagpayag. Nilaro at kinausap ni Chibikii si Ujie. Panay tawa ang bata,nawiwirduhan siguro sa kalaro nya.

"Youre like Papa Winji. Do you play Dolls or car?" tanong ni Ujie kay Chibikii,ako ay naupo sa couch at pinanood sila.

"Were beautiful! I know right? And I don't play dolls or car! I just want to eat!"

Nanlaki ang mga mata ni Ujie,tumingin sakin bago tumingin ulit kay Chibikii.

"You eat a lot? Why are you not fat? Me too I want to eat!" ani Ujie at tumingin ulit sa akin. "Papa Leer Im hungry!"

"Lets go Ujie,kain ka muna,mamaya pa dadating mga magulang mong baliw." natatawang sabi ni Jewel at lumapit sa dalawa.

"Jewelchan I will eat also! I want to see Manang and Mang Tony!" sabi ni Chibikii.

"Edi tara na sa kusina." at tinungo na nila ang kusina. Naiwan ako sa living room mag isa. Naisip ko na naman si Kii.

Ito ba yung sinasabi nya na masosorpresa ako? Nasorpresa nga ako na nasaktan. Ako ang tagal kong naghintay,umaasa ako na pagbalik nya ay pwede na kami. Pero ano ito? May boyfriend na sya at isinama pa nya talaga dito sa Pilipinas. Alam naman nyang masasaktan ako. O baka naman,umpisa pa lang hindi na nya pinahalagahan ang nararamdaman ko?

Susuko na ba ako o ipaglalaban ko ang nararamdaman ko?

Tumayo na ako at minabuting umakyat na lang at magkulong sa kwarto. Padating na naman yung mag asawa,sila na ang bahala kay Ujie.

Pagpasok ko sa kwarto ay binuksan ko ang bintana. At sana hindi ko na lang pala binuksan. Kitang kita kasi mula dito sa kwarto ko ang beranda nina Kii. Nandun silang dalawa ni Mamoru at sweet na sweet.

May pag asa pa ba ako? Ayokong madipress,I need divertion. Kailangan huwag ko silang maisip,I dont need to act like a love sick moron. Madami pa akong pwedeng pagka abalahan kesa sa pag ibig.

"Sinayang mo Kii. Akala ko ikaw na talaga ang para sa akin." ang bulong ko at naupo sa kama at iniscroll sa phone ang mga contacts ko at ng makita ko ang pakay ko ay agad ko itong tinawagan.

"Just in time agent Leer. I was about to call you. Uriel,Winji and the rest of the gang will have a vacation trip." ang agad na pagsalubong ni Mister M.

"Wow! Talaga? Kailan po?"

"This end of the Month. Sabihan mo na sila at ang lahat ng gusto nyong isama. Ibigay mo sa akin next week ang listahan at ako na ang bahala."

Kawaii Love ♥♥ (boyxboy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now