Kawaii five!

5.6K 132 13
                                    

KII ~

"Okay class,magkakaroon tayo ng activity na makakatulong sa character development ninyo as individual. Ito ay getting to know my seatmate." sabi ng English Teacher namin. Medyo kinabahan ako,dahil nga bago lang ako eh baka wala akong makapartner.

"Maam!" ani Fibo at nagtaas ng kamay. Nagtinginan sa kanya ang mga classmates namin.

"Yes Fibo?"

"Uhm,pwede po bang ako na lang ang partner ni Kii? Since bago pa lang naman sya dito." ani Fibo. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kinikilig ako,gusto akong makapartner ng crush ko! Ang swerte ko talaga.

"Sure." ani Maam. "Basta,dapat by monday ay tapos na yan class,at isa-isa nyong sasabihin sa harapan ng mga classmates nyo ang mga nalaman nyo sa kapartner nyo." ang pagpapatuloy ni Maam.

Tiningnan ko si Fibo,sakto nakatingin sya sa akin at bigla nya akong kinindatan. Syempre,kinilig na naman ako. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay magkaroon na lang ako ng epilepsy dahil sa sobrang kilig.

Nang matapos na ang lahat ng klase ay sabay na kami ni Fibo lumabas ng room.

"Ngayon na natin simulan ang getting to know,dun muna tayo sa inyo." nakangiti nyang sabi habang naglalakad na kami sa hallway.

"Sa amin? Diba nanggaling ka na sa amin? Tinuruan mo pa nga ako mag bake ng cookies?" ang sabi ko naman at umakbay sya sa akin,I swear,gusto ko ng maglulundag sa tuwa. Hindi naman siguro masamang maglumandi ang isang second year high school diba?

"Oo nga,pero syempre iba yon. Ito may purpose,dapat malaman ko ang mga gusto,ayaw,hilig mo ng hindi ako nagtatanong,ganun ka din sa akin,at magsisimula tayo sa bahay nyo,dahil dun mo nailalabas ang totoong ikaw diba?" aniya.

"Ganun? Bakit? Mukha ba akong hindi totoo? Mukha ba akong peke?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ikaw talaga! Kaya gusto kita eh. Tara na nga!"

Haay! Parang ang sarap tuloy mag slide pababa ng hagdan dahil sa sinabi nya. Kahit pangalawang beses na nyang sinabi na gusto nya ako,ganun pa din ang impact sa akin,ang lakas! Nakakayanig.

Habang sakay kami ng taxi papunta sa amin ay tinawagan nya muna ang parents nya. Dun ko lang naalalang tingnan ang phone ko.

From: Leer

Nasan ka? Bakit wala ka na dito sa school? :/

Aw! Hindi ko sya nasabihang hindi kami sabay. Nako,baka magalit sa akin yon,hindi pa naman ako sanay na may galit sa akin. Pero kasi naman,nahihiya ako sa kanya,lalo na nung last na magkasama kami,para akong hihimatayin sa sinabi nya na gusto daw nyang ulitin yung kiss,hindi tuloy ako nakatulog nun ng maayos kinagabihan,mabuti na lamang at hindi ako nagka eyebags.

Agad ko na syang nireplyan na pauwi na ako at kasama ko si Fibo,pero nakarating na lang kami ni Fibo sa amin ay hindi na sya nag reply. Naisip ko,baka nagalit nga yon,dadalhan ko na lang sya mamayang gabi ng peace offering,idadamay ko na si kuya Uriel at kawaii Winji.

"Wow! Ito pala itsura ng room mo,parang pambata pero ang cute." ani Fibo habang nililibot ng kanyang paningin ang kwarto ko. "mahilig ka pala talaga sa anime." dagdag pa nya ng makita ang mga anime posters at kung anu-ano pang may kinalaman sa anime na mga gamit ko.

"Yes,Im an otaku. Kinahiligan ko na yan. Alam mo naman sa japan,hindi ka in pag hindi ka mahilig sa anime." ang sagot ko habang nagkakalkal sa closet ko ng damit pamalit. "Oy! Talikod ka muna,magbibihis ako."

"Ayoko nga." nakangisi nyang sabi. "Gusto kitang makitang hubad!"

"Oh my geez! Pervert!" nanlalaki ang mga matang sabi ko. Tumawa lang naman sya kaya dun na lang ako sa banyo nagbihis. At paglabas ko ng banyo nakita ko syang nakatingin sa labas ng bintana.

Kawaii Love ♥♥ (boyxboy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now