Kawaii three!

6K 158 16
                                    

LEER ~

"Chacha?" ang tanging nasabi ko at nanlaki ang mga mata.

"Napaka daya mo talaga! Kung alam ko lang hindi kayo magkaka tuluyan ni Winji dapat hindi na ako pumayag!" mataray na sabi nito. Ramdam kong napa kislot si Kii sa likuran ko.

"She's scary! Lets go home! I dont want to be eaten alive by that monster,daijobu Leer-san?"

"Monster? Tinawag akong monster ng cartoons na yan?!" gulat at galit na sabi ni Chacha at humakbang palapit. Napa atras kami ni Kii. Panong hindi? Si Chacha ay isang napaka taba at hmmm ayokong manliit,para syang yung classmate kong bading. Bata pa lang kami ay gusto na ako nito at lahat ng nagkakagusto sa akin ay inaaway nya.

"Ah eh,hindi ikaw yon Cha. Uhm pwedeng maiwan ka na namin? Hinihintay na kami ni Papa sa loob eh.P" pilit ang ngiting sabi ko,medyo natakot ako baka kasi saktan nya si Kii eh sa payat nitong my labs ko,kawawa sya kay Chacha.

Nakanang! My labs talaga?!

"Hmp! Bakit ba hindi mo ako magustuhan Leer?" ani Chacha,nag pout pa,lalong nahalata ang maitim nyang labi.

"Ah eh,ano.. Uhm.."

"Leer? Anak?" boses ni Papa! Yes! Save by the bell. Agad ko ng hinila si Kii at nilampasan namin si Chacha.

"May kasama ka pala. Pasok kayo." ani Papa matapos ko syang yakapin. Pumasok kami at dumiretso sa living room.

"Pa,sya nga pala si Kii Aino,half japanese halfp pinoy,bagong kapitbahay namin dun kina kuya Uriel, Kii sya ang gwapo kong ama."

"Mosh mosh! Nice meeting you po!" magiliw na sabi ni Kii at nag bow. Talagang ganyan ba sila?

"Haha! Ang cute na bata,by the way kamusta ang pagtira mo dun?" ani Papa. "Tara sa kusina,nagpaluto ako ng meryenda."

"Domo arigato!" ang sabi ni Kii. Napaka cute talaga. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng nasabi na cute sya.

"Ayos naman po Pa. Alam mo naman si kuya Uriel,he's like a real big brother to me." sagot ko ng makarating kami sa kusina. Banana que pala ang pinaluto ni Papa. Nakita ko pang parang natakam si Kii,he really loves eating.

"That's good to know. Maaasahan talaga ang kaibigan kong yon." naka ngiting sabi ni Papa habang pinagsisilbihan kami ng katulong.

"And I think,he is settling down. Nahanap na nya ang makakatuwang nya." ani ko at hiniwa ang saging na para kay Kii.

"Really? Sa bagay,nasa tamang edad na sya. At sino ang swerteng babae?"

"Arigato Leer-san." pasasalamat ni Kii ng ilagay ko na sa harapan nya ang banana que na hiniwa hiwa ko.

"Yup. Pero hindi babae. Si Winji po."

"What?"

"Believe it or not Pa." nakangisi kong sabi saka ako bumaling kay Kii. "ubusin mo yan,para madagdagan ang mga pagkaing pinoy na nakakain mo."

"Daijobu! Arigato!" at kumain na si Kii. Si Papa naman ay tinitingnan kaming dalawa.

"Ang bata pa ni Winji. Pero kung mahal talaga nila isa't isa,wala tayong magagawa,at mukhang aalagaan naman sya ni Uriel. Eh ikaw,what's your relationship with Kii?"

Sabay kaming napatigil ni Kii sa pag nguya at nagkatinginan. He's blushing! And I find it.. Uhm.. Sexy.

"M-magkaibigan lang po Pa."

-----

Kii ~

Grabe talaga kanina! Pinakilala ako ni Leer-san sa Papa nya,ang gwapo din,pero bakit itim buhok ng papa nya? Feeling ko nga kanina girlfriend nya ako hihi! Nakalimutan ko bigla si Fibo dahil dun,tapos tinanong pa kami kung anong relasyon namin,nagulat na lang ako sa sagot nya na he is still knowing me at gusto nya ako. Kyaaah!! Fibo and Leer,they like me!

Kawaii Love ♥♥ (boyxboy) - COMPLETED!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt