kawaii eight!

4K 121 3
                                    

LEER --

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nalusutan ko ang tanong ng Otosan ni Kii. Bigla kasing nag ring ang phone ko nun,at laking gulat ko ng makita sa screen na tumatawag si Winji kaya agad akong nag excuse. At ngayon nga,masaya ako na nagkabalikan na sina kuya Uriel at Winji,kaya nga lang may mga hindi pa nasasabi si kuya Uriel kay Winji.

At tungkol naman sa akin,kung natuloy ko ang pagsagot sa tanong ng Otosan ni Kii,I would probably say YES. Hindi ko itatago na nililigawan ko si Kii at hindi ko din itatago na mahal ko ang anak nila.

At ngayon nga,nandito kami sa bahay,ako,si Kii,Chibikii,Ross,Eros,Kray at Maru. Nandito kami sa kusina at nag be-bake ng cookies,napagtripan lang namin,gusto namin ipatikim kina Kuya Uriel,Winji,Manang,Mang Tony at Ate Jewel na nasa living room at panay ang kwentuhan.

"Tama na ang kakakain ng chocolate chip Kray!" ang suway dito ni Maru.

"Hindi ko mapigilan ang sarili ko,ang sarap kasi eh!" sagot naman ni Kray.

"Tataba ka,wala ng magkaka gusto sayong babae." ang pagsabat din ni Ross.

"Kahit hindi sya tumaba,wala pa din magkaka gusto sa kanya!" ang pangbubuska naman ni Eros na tinawanan naming lahat.

"Sige! Ako pagtripan nyo!" nakangusong sabi ni Kray.

"Masarap talaga ang cookies,lalo na pag ako ang may gawa." ang maligalig na pagsingit ni Chibikii,napangiti ako kaya ginulo ko ang buhok nya.

"Talaga? Sige hintayin natin maluto." ang nakangiti kong sabi dito.

"Tingnan lang natin! Hmp!" ani Kii at lumapit na sa oven.

TING!!

"Luto na! Luto na! Luto na!" ang nagtatatalong sabi ni Chibikii.

"Huwag ka ngang magulo? Baka masubsob ako sa oven!" ang sita dito ni Kii na ikinatawa namin. Gustong gusto ko talaga si Kii pag ganito,kahit ang pinsan ay pinagseselosan,ang cute lang.

"Nakakatuwa talaga kayong dalawa. O tabi,kukunin ko na." ang sabi ni Ross at kinuha na ang dalawang tray sa oven at nilapag sa mesa.

"HAHAHAHAHAHA ano yang cookies mo Chibikii? Parang natunaw na na puding!" ang biglang tawa ni Kii,tiningnan namin ang cookies ni Chibikii,na deformed nga ito,kawawang bata. "Tingnan mo ang akin,rabbit pa din at cute,tulad ko!"

"Ang yabang mong anime ka! Kahit ganyan itsura ng cookies ko,mas masarap naman yan,pustahan pa tayo!" ang sagot naman ni Chibikii. Nagkatinginan na lang kami ng mga tropa at nag ngisihan.

"Oh talaga? We'll see! Leer-chan,tikman mo ang cute na cookies ko." ani Kii at lumapit sa akin,saka din nya binigyan isa-isa ang tropa.

"Okay,ako una." at kumagat ako. Hindi ko na ito nginuya dahil hindi ko maintindihan ang lasa. Ano ba ang nilagay dito ni Kii? Pakiramdam ko ay nagkulay blue ang mukha ko.

"Mukhang hindi maganda ang resulta." ani Ross at pumalatak.

"Hindi totoo yan!" ang gulat na sabi ni Kii.

"HAHAHAHAHAHA I told you! Oh yung akin naman mga kuya!" at binigyan kami nito isa-isa. At aminin ko man o hindi,masarap sya.

"Ang sarap nito." ani Kray at kumuha ulit.

"Wala naman kasi yan sa itsura." ang pasaring ni Chibikii.

"Hindi ako makakapayag! Papatikim ko ito kina kuya Uriel pati kay Fibo! Pinagtitripan nyo lang ako!" aniya at nilagay sa plato ang mga cookies nya at nagpunta sa living room.

"Patay!" sabay na sabi ng apat.

"Leechan can you give my cookies to them? Aalis lang ako,may pagbibigyan din ako." ani Chibikii at naglagay ng ilang cookies sa plastic. Tumango ako at patalon talon pa syang umalis,nagkatinginan kami ng tropa.

Kawaii Love ♥♥ (boyxboy) - COMPLETED!Where stories live. Discover now