“Ha? Um…” Tumingin ako doon sa may shelf kung saan nakalagay ‘yung prizes. “‘YungStitch.”

Tumingin silang lahat doon.

      “Ah. Sige. Ano ba kailangang target-in para doon sa Stitch?” tanong ni Justin.

     “Iyon pong blue na balloon,” sabi noong tagabantay.

     Maliit lang ‘yung balloon na ‘yon kaya mahirap paputukin. Tsk, mahihirapan pa yata si Justin.

      “I also want that one, baby,” sabi ni Sarah kay Jessie.

     “Huwag na.‘Yung pink na bear nalang. ‘Yun naman ‘yung Grand Prize e.”

     “But I want that!” pilit ni Sarah.

     Tumalikod na si Jessie at naglaro. Si Justin din ay nagsimula nang maglaro. Maya-maya lang, kinamot ni Justin ‘yung ulo niya. May ibinigay sa kanya ‘yung tagabantay at pagkatapos ay lumapit  sa akin.

     “Sorry, Luna. Ito lang kinaya ko e.” Ibinigay niya ‘yung isang Spongebob na stuff toy sa akin.

     Ngumiti ako. “Okay lang. At least, sinubukan mo,‘di ba? Cute naman siya e.”

     Si Sarah naman natuwa na rin kasi nakuha ni Jessie ‘yung pink bear. Tsk. Pati ‘yung gusto kong stuff toy aagawin pa niya. Buti nalang hindi napaputok ni Jessie ‘yung balloon ni Stitch.

    Ngayong hapon ay magsisimula na ‘yung booth ng section namin. Pagdating namin ni Steff sa room, naabutan naming nag-aayos‘yung mga classmate namin. Horror booth kasi ‘yung sa section namin. Actually, nakakatuwa ‘yung naisip naming horror booth. Hindi lang siya ‘yung bastang hahabulin ng multo, mayroon pang kailangang hanapin na susi ‘yung gamer para makalabas.

     Ako ‘yung naka-assign sa sounds kaya hindi ko na kailangan pang magmake-up. Pero si Steff, siya ‘yung isa sa mga white lady! Haha. Kaya ayon, heavy make-up ang kailangan niya.

     Pero kung si Sarah ‘yun ay hindi na kailanganpa ng make-up. Tsk.

     When everything’s set, pinatay na namin ‘yung ilaw at pinaandar ‘yung sounds.

    “WOW!” sigaw naming lahat. After a few minutes, nagsimula na ‘yung horror booth. Ang dami daw nakapila sa labas. Nakaka-twelve batches na kami. Napagdesisyunan naming last batch na ‘yung susunod para makapag-break kami ng sandali.

     Enter the last batch.

     Mula dito sa kinalalagyan ko ay rinig na rinig ko ‘yung tilian at sigawan. Lalo ko pang nilakasan ‘yung volume para lalo silang matakot.

     Nagulat ako noong biglang may humila sa akin patayo. Napasandal ako sa may kurtina. Hindi ko maaninag ‘yung mukha kung sino man iyon kasi madilim ang paligid. Kaya naman nangapa ako. ‘Yung una kong nahawakan ay‘yung leeg niya, papataas hanggang sa nakalagay na ‘yung kamay ko sa pisngi niya.

     Lumakas ‘yung tibok ng puso ko noong bigla nalang din niya akong hawakan sa pisngi. “Sino ka ba?” tanong ko.

     Hindi siya sumagot.Hinawakan niya ‘yung kamay ko at may inilagay doon na malambot. Ano ba ‘to, unan? “Sino ka?” tanong ko ulit.

      “Luna.”

      Lumakas ‘yung tibok ng puso ko. Kilala ko ‘yung boses na ‘yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga ito. Siya ‘to. “Jessie?” mahinang banggit ko sa pangalan niya.

     Hinawakan niya ulit ‘yung pisngi ko at hinalikan ako sa mga labi. Nagulat ako kaya nabitawan ko ‘yungibinigay niya sa akin. Hindi ko man siya nakikita ngayon, alam ko pa rin kung ano ‘yung itsura niya.

     Ramdam ko ang init at lambot ng mga labi niya. Para na kong mababaliw sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ayaw kumilos ng katawan ko. Para akong inaapoy ng lagnat dahil sa init na nararamdaman ko.

     Lumayo si Jessie ng kaunti at ipinatong ‘yung noo niya sa noo ko habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko. “Nami-miss na kita,” sabi niya sa akin ng mahina.

    Lalong bumilis‘yung tibok ng puso ko. Patuloy ako sa paghinga ng malalim kasi parang natutunaw pa rin ako sa nangyari kanina. “Jessie.”

     “Shh...”

     Narinig ko ‘yung mga yapak niya paalis. Kinapa ko siya sa dilim pero puro hangin nalang ‘yung nahahawakan ng kamay ko.Bakit niya ginawa ‘yon? Lalo akong naguluhan kasi, ‘di ba, galit siya sa akin? Si Sarah ‘yung kinampihan niya, ‘di ba? Kaya bakit?

     Yumuko ako at kinuha ‘yung binigay niya sa akin. Ang lambot nga talaga nito, ano kaya ‘to?

      Maya-maya langay may narinig akong nagsarado ng pinto. Pagkaraan ng ilang segundo ay bumukas na ‘yung ilaw. Nasilaw ako kaya naman medyo napapikit ‘yung mga mata ko. Pagbaba ng tingin ko doon sa kahawako ko ay nagulat ako. Kasi ang hawak-hawak ko ngayon ay walang iba kung hindi‘yung stuff toy na nagustuhan ko kahapon.

     Si Stitch.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon