Confession 04: Oz Bezarius; the Wrecker

Mulai dari awal
                                    

I even hurt Grandpa’s feelings sa sobrang pagtanggi ko sakanya sa kagustuhan niyang ipamana sakin ang naiwang BRTG ni mama, kaya hindi ko hahayaang mawasak ang pader na binuo ko sa loob ng mahabang panahon. Masyado ng malaki ang ipinuhunan ko rito. Isang beses nila akong tinawag sa pangalang 'yon matapos mawala ni Grandpa at hindi na iyon naulit pa.

Naramdaman ko ang marahang paggalaw ng bakanteng upuan sa tabi ko pero hindi na ako nag-abalang lingunin kung sino man siya. Nanatili ako sa pwesto ko hanggang sa naramdaman ko ang marahan na paghaplos sa buhok ko.

“Sorry if I call you that name,” he said almost whispering. Kahit hindi ko siya lingunin ay kilala ko kung sino ang may-ari ng boses na 'yon. “But you’re my princess, Alice.”

 

 

Napatigil ako sa pag-iisip nang muli niyang banggitin ang pangalan ko. Mas dumoble ang bilis ng kabog ng dibdib ko na sa sobrang rahas nito, pakiramdam ko ay lalabas ito mula sa ribcage ko. Nakakahingal, daig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro.

“This is the last time I’m going to tell you this,” I said still pinning my head on the table. “Don’t call me that name again, Oz. You’ll never wish to know her,” dugtong ko pa. Hindi naman ako nakatanggap ng kahit anong sagot mula sakanya matapos ng sinabi ko. Nanatili ako sa pwesto ko habang ikinakalma ang kaba na nasa puso ko.

Inangat ko na ang ulo ko mula sa pagkakayuko habang ramdam ko naman ang matiim na titig sakin ng lalaking katabi ko. Pinagmasdan ko ang paligid at nakitang wala namang pakialam ang mga lalaki samin samantalang kabaligtaran naman ang mga babae. Ang ilan sa kanila'y matalim akong tinitingnan, kung nakakasugat nga lang ang mga tingin na 'yan malamang ay duguan na ako rito habang ang iba naman sakanila ay titig na titig at kinikilig na nakatingin sa lalaking katabi ko.

I wonder what he is doin 'here.

Nilingon ko siya at sumalubong sakin ang nagtataka nitong mukha. “Kung hindi ikaw ang substitute professor namin, pwede ka ng umalis dito. Malayo pa ang room mo,” salubong na kilay kong tugon rito.

Umiling lamang ito. “From now on, blockmates na tayo Alice.” Tulad kanina ay lumakas at naging marahas ang bawat tibok ng puso ko. Nakita ko na lamang ang sarili kong kinukwelyuhan si Oz.

I heard them gasp in shock. Nilingon ko ang paligid, nakita ko ang mga mukha nilang takot at gulat. Ang mga babaeng napasiksik sa isang tabi, hawak-hawak ang isa’t-isa habang tulala naman ang mga lalaki. Ibinaling ko ang tingin sa lalaking kaharap ko, tanging gulat at pagtataka ang rumehistro sa mukha niya.

Naririnig ko ang mga bulungan nila pero hindi ko sila maintindihan.

“Alice...”

 

 

Para bang may sariling pag-iisip ang katawan ko at mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya na halos masakal na siya. Dahan-dahang nagdidilim ang mga paningin ko. Nakita kong napangiwi na ito pero hindi ko siya magawang bitawan. Puno ng pagtatanong ang mga mata niya, but I can’t say anything. I don’t know what to say.

BOOK 2: Confession of a Gangster (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang