Chapter One: He Saved Me

632 45 14
                                    

"YOU!"

"You have deeply hurt my feelings! I wish I could erase you and cast you out of my life!"

Tinapon niya lahat ng gamit na malapit sa hinihigaan niya. Galit na galit ito sa akin. "I wish you were dead." pabulong niya pang sabi habang nakaturo sa posisyon ko. Sa akin.

I couldn't agree more. I've said I wish I was dead to myself so many times that the words have lost all meaning.

Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti sa harap niya. "I'm so sorry. It will not happen again, Sir. I'm sorry for upsetting you." ang tangi kong nasabi.

Lumabas na ako ng silid. Muntik na akong sumabog kanina. Gusto ko sana siyang sagutin pero pag ginawa ko naman 'yon ay siguradong mawawalan na naman ako ng trabaho. Pagod na akong maghanap ng ibang trabaho kaya pipilitin ko na lang na maging maayos ang bawat galaw ko rito. Siguro nga ay ito na talaga ang kapalaran ko. Trabahuin ang problema ng iba na hindi ko naman talaga gustong gawin. Napipilitan lang talaga ako. Ito na yun e. Suffering is a choice and so is letting it go.

"INTINDIHIN mo na lang Nurse Hannah. Kailangan natin maging marespeto at maunawain sa mga pasyente natin. Tandaan mo yan."

Ito ang sabi sa akin nang head namin na si Miss K. Ilang taon na siya sa Psychiatry for All hospital. Kaya alam niya na mga gagawin at kung paano papakalmahin ang kanyang sarili. Samantalang ako kanina konti na lang ay talagang sasabog na ako sa inis. Buti nga nakapagtimpi pa ako.

"One week ka pa lang naman dito. Madami ka pang matututunan. Mauunawaan mo din sila. Di magtatagal at magiging maayos din ang pag tatrabaho mo dito."

Hanggang kailan nga ba ako dito? At hanggang kailan ba ako magtitiis sa ganitong trabaho? I don't like my job. I fucking hate it!

"Pansin kong napapadalas ang pag sagot mo sa mga pasyente natin. Lalo na yung mga bagong na admit kanina. Ano bang problema mo? Kung ayaw mo sa trabahong ito bakit psychology ang kinuha mong kurso sa college?"

Wala. Trip ko lang.

Joke. Ang dami naman niyang tanong. Pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya kasi masyado na itong personal. Ayoko sabihin. Wala akong pagsasabihan. Bahala na siya kung ano ang isipin niya sa akin.

Alam ko na.. Magrarason na lang ako kahit walang kwenta. Halata naman kasing nag aabang ito nang sagot mula sa akin.

"Kasi wala akong choice. Ito lang naman pinakamaayos na course sa pinasukan ko noon kaya kinuha ko na." confident ko pang sabi sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. Ang creepy. For sure nag dadalawang isip ito kung totoo ba ang sinabi ko. Pero wala na akong pakialam. Basta hindi ko sasabihin ang tunay na rason kahit kanino.

"Naiintindihan ko naman kung ayaw mo ang trabahong ito. Pero ang akin lang naman bawasan mo naman kaartehan mong 'yan. Wala ka sa lugar. Lahat naman tayo dito nahihirapan. Kaya huwag kang feeling entitled."

And then she walked away.

Literal na bumuka ang bibig ko sa narinig. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Nalaman kong nagkaroon siya nung Kindness Award noon! Ano nangyari ngayon? Ano yun, for clout? Kabaliktaran naman pala e. Sabi na nga ba, unang araw ko pa lang nga dito iba na talaga pakiramdam ko sa kanya. At hindi nga ako nagkamali.

"HANNAH MITZI!!"

Ano na naman ba? Hindi pa ba tapos 'tong kamalasan na nangyayari sa akin ngayon?!

Siya lang naman tumatawag sa buong pangalan ko dito. Walang iba kung 'di si Nurse Patricia, siya lang din ang close ko sa department namin. Yung iba kasi sa sobrang busy sa trabaho wala na din pakialam sa social life. Wala ng oras para makipag kaibigan. Para na din kaming mag best friend na dalawa.

WHOLE AGAINWhere stories live. Discover now