“Thank you.”

     Nandiro kami ngayon sa isang massage center. One hour kasi ‘yung massage ni Steff pero kasi nagugutom na ko. Lumabas ako ng massage center at humanap ng pinakamalapit na restaurant. Buti nalang at may malapit dito. Pumasok ako doon at naghanap ng upuan.

     Pag-upo ko, tiningnan ko kaagad ‘yung menu. May lumapit sa akin na waitress. “What can I get you, ma’am?”

     “Um. Isang lasagna.”

     Nagsulat siya doon sa isang maliit na booklet. “Drinks, ma’am?”

     “Water lang.”

      “Please wait ma’am while I get your order.” Lumakad nang paalis ‘yung waitress para kuhanin ‘yung order ko. Pagkatapos ng labinlimang minuto ay bumalik siya at ibinigay sa akin ‘yung lasagna.

Nagsisimula na akong kumain noong biglang may pumasok na isang babae. Mas matangkad siya sa akin ng kaunti at nakasuot ng skirt at black jacket. Para siyang manager ng restaurant na ‘to dahil sa suot niya. Lalo pa tuloy siyang nag-mukhang matangkad dahil doon sa high heels niya.

     Pumunta siya doon sa cashier at nakipag-usap. Umalis ‘yung cashier at may kinuha. Naghihintay siya doon nang biglang mapatingin siya sa direksyon ko.Nginitian niya ko at lumakad papunta sakin.

     “Hey.” Umupo si Sarah sa harapan ko. “Long time no see.”

     Pinilit kong ngumiti. “Oo nga e.”

     “Masarap ba?”

     “Um, oo.”

    “Of course! Dapat lang.‘Yung restaurant namin ang number dito sa lugar natin,” pagmamalaki niya.

     Biglang pumait ‘yung lasa nung lasagna sa bibig ko. Tsk. Ang yabang talaga niya. Ibinaba ko na ‘yungtinidor ko at nagpahid ng napkin.

     “Oh, ayaw mo na?”

     “Busog na ko. Salamat sa food.”Tumayo na ko para umalis pero humarang siya sa daan.“Excuse me,” sabi ko sa kanya at tiningnan siya sa mga mata.

     “Can I talk to you for a minute? Doon tayo sa office ko.”

     Nagbuntung-hininga nalang ako at sumunod sa kanya. Ano naman kaya trip nito? Bakit kakausapin niya ko? Pagpasok namin ng office, sumandal siya doon sa may office table at humarap sa akin. “I have a question for you Luna.” She tilted her head to one side. “Do you like Jessie?”

     “H-Ha?” gulat na tanong.Biglang bumilis ‘yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ‘yung tungkol sa bagay na ‘yon.

     “Don’t worry, hindi naman ako magagalit,” nakangiti niyang sabi sa akin.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Where stories live. Discover now