18: Te adoro, Jai. (I adore you, Jai.)

Martes na at pumasok si Jai sa room. May tulips na naman sa desk niya, as always. May sulat na namang kasama ito. Binasa niya ito.

Dear Jai,

I know that you've been wanting to see me. I'm sorry but I'm not yet prepared because you might dump me or something. To be honest, I've been around you since then. I don't know if you may notice but I'm the man who is willing to share my life with you. It's been a long since I saw you smile. Please, wait for me because I am worth it. I will offer you the biggest hug you will ever feel in your life – just wait for me.

Your biggest secret,

Big Hugs.

Napangiti na lang si Jai sa nabasa niya at napansin niyang umupo na sa tabi niya si Sandi. Bigla na lang siyang kiniliti nito.

"Oy! May pa-tulips na naman ang Tulipsman ng buhay mo."

"Tulipsman ng buhay ko talaga, beks?"

"Oo naman! Sa totoo lang, kamakailan lang kita nakitang masaya. I'm happy that there is somebody who is still willing to pursue you. Kinaganda mo 'yan."

"Anyway, kumusta naman kayo ni Sander? Buti naman at masaya rin kayong dalawa."

"Siyempre naman. Pero sa totoo lang, sobrang sweet niya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit pero si Sander na yata ang lalakeng para sa akin. Aaminin ko, kahit kay Javi, hindi ko ito naramdaman."

"Karma ka kasi niya, 'yon lang 'yon."

"You think so?"

"Oo. He has changed a lot since you two have known each other."

"Takot niya lang sa akin. Alam mo naman ang nangyari last time. Naku! That woman."

"As always, selosa ka pa rin."

"I know. Pero niluluwagan ko naman ang sarili ko para naman hindi niya maramdamang nasasakal siya."

"You really know how to work things out, aren't you?"

"Do I?"

"Yes, you do."

"Pero sa totoo lang, ikaw na lang ang hinihintay naming magkaroon ng jowa."

"Thanks, beks! By the way, darating ang mga kamag-anak ko galing Portugal this coming December. Sana makapunta ka sa bahay namin."

"Oy! Sige!"

"Anyway, para naman sa OTP mo. Nagkasakit ako last time, 'di ba?"

"Yes, nakakaawa ka that time. Parang nabigla ang katawan mo."

"And... the whole Saturday, si Javi ang nag-alaga sa akin."

Napangisi na lang ang dalaga sa kuwento ni Jai.

"Ikaw! You bastard!"

"Hindi! Walang gano'n! Sa totoo lang, doon ko nakita ang soft spot ni Javi. He never did such a thing to his past girlfriends. I don't know."

"Yes, I was the last witness. Anyway, what happened?"

"Dinala niya ako sa doktor ko, tapos siya rin ang bumili ng mga gamot ko, at tapos no'n siya pa ang nagpapakain sa akin."

Kinilig ng todo si Sandi at napatili na lang siya. Dahil doon ay natahimik ang buong klase. Bigla na lang nagsalita ang president nila.

"Sandi! Get a hold of yourself."

TulipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon