14. Bangungot

6 4 0
                                    

"Anong ginagawa ng isang estranghero sa ating tahanan, mahal na prinsesa?" Malayo pa lamang mula sa pintuan ay narinig ko na ang maanghang na pananalita ni Grumpy.

Bumuntong-hininga ako't nagsalita, "Naaalala niyo pa ba ang kinukwento noong nakilala kong lalaki rito sa kaguban? Siya ang aking tinutukoy," Inayos ko ang kumot na bumabalot sa kalahating bahagi ng hubad niyang dibdib, "Kaya sana'y maaging mabait kayo sa kanya pansamantala at tulungan niyo na lamang akong gamutin ang kanyang sugat." Pagpapatuloy ko. 

Nang dahil sa wala na akong malamang patutunguhan upang gamutin si Eric ay naisipan kong dito na lamang sa bahay ng pitong dwende na lamang siya gamutin. Naliligo siya ng pawis kanina pa lamang. Danak pa rin ang matitingkad na tuldok na pula sa maputing bendang kakabalot ko pa lamang sa kanyang braso. Ngayon ko pa lamang napagtanto ang kanyang sugat. Ilang beses na kaming nagkakatagpuan sa gubat at palagi'y dumadanak ang dugo mula sa kanyang braso.

Nangunot ang aking noo nang matanggal ko ang nakabalot na benda sa kanyang braso. Isang tatak na tila nag-aanyong mansanas ang nakapinta roon. May hiwa ito na pahilis sa gitna ng prutas at nagmumula roon ang napakaraming dugo. Hindi malalim ngunit maraming dugo ang lumalabas.

Naririnig ko ang mga mumunting bulung-bulungan ng mga dwende. Hindi masyadong maliwanag sa tenga ngunit alam kong mayroon silang pinag-uusapan. Nilingon ko na lamang ang kaibigang maysakit. Mainit ang kanyang balat, tila sinusunog. Ang kanyang mukha'y nawawalang ng kulay. Mabibigat ang mga paghingang kanyang pinapakawalan habang patuloy ang daloy ng pawis sa kanyang dibdib.

Natigil ang aking kamay sa pagpupunas sa kanyang noo nang siya'y umungol. Tila ba'y nasasaktan sa bawat pagdampi ng aking kamay sa kanya. Malikot ang kanyang mga paa na tila hindi mapakali. Nakakunot ang kanyang noo na tila nag-aalala kahit ito'y nakapikit.

"Snow..." Napasinghap ako nang marinig mula sa kanyang mga labi ang aking pangalan.

Ako? Ako ba ang nilalaman ng kanyang panaginip? Anong nilalaman niyon at ganyan ang kanyang kinikilos? Isang bangungot?

"Takbo... Snow... Takbo..." Mahinang pagsaad niya sa mga salitang iyon.

Nagsilapitan ang mga dwende sa gilid ng kama. Pinalibutan nila si Eric. Tama nga aking hinala, binabangungot nga siya. Ngunit anong kinalaman ko sa kanyang bangungot? Bakit sambit niya ang aking ngalan na tila nag-aalala? Takbo? Mula saan? Mula kanino?

Dinagsa ang aking isipan ng naggigipitang mga tanong. Hindi ko malaman ang mga kasagutan. Bumilis ang pagtibok ng aking puso at bumababa ang aking paghinga. Bumibigat. May pasan-pasang dala.

"Bakit hindi muna kayo magpalit at kayo'y magpahinga muna, prinsesa?" Namulat ako sa realidad ng narinig ko ang tinig ni Doc.

Noon ko lamang nabatid na hindi pa pala ako nakapagpalit ng aking kasuotan. Dagli-dagli kaninang tinuon ko ang aking atensyon kay Eric at hindi na inalala ang aking sarili. Bumuntong-hininga na lamang ako't mabigat na hakbang ang aking tinahak sa sala. Pinabayaan ko na lamang silang mag-alaga kay Eric.

Bakit tila hindi na nilisan ng aking isipan ang kanyang sinabi kanina lamang?

"Bakit hindi na lamang ako, Snow?"

Umalingawngaw ang kanyang tinig sa aking utak. Paanong nangyaring sa kakaunting panahon pa lamang kaming nagkakakilala'y naramdaman na niya ang napakalakas na damdaming iyon? Paanong minahal niya ako sa kakaunting kaalamang natutunan niya ukol sa akin? At... At...

Bakit umiinit ang aking mukha't bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing naaalala iyon?

The Snow White Effect #Wattys2017Onde histórias criam vida. Descubra agora