1. Pangungulila

23 7 0
                                    

Araw.Linggo. Buwan. Maging taon.

Walang nakakaalam kung nasaan ang prinsipe. Hindi ko maramdaman ang presensya niya sa bayan. Nasaan na kaya siya? Bakit kailangan pa niyang lumayo sa akin? Mahal pa ba ako ng prinsipe?

Iba't-ibang araw, ganoon ang tumatakbo sa aking isipan. Nasasaktan pa rin ako ngunit ayaw tumigil ang puso sa pagmamahal sa kanya. Araw-araw ay naiisip ko siya, tila bumabalik ang aming masasayang ala-ala. Wala naman kaming naging problema magmula nang mawala ang mangkukulam na minsa'y inibig ng aking ama. Masaya na kaming nagsasama ngunit bakit? Anong nangyari't iniwan niya lamang akong nag-iisa.

Gabi-gabi'y lumuha ang aking mga mata sa pangungulila sa kanya. Napakasakit pala ng pag-iwan ng isang taong naging bahagi na ng iyong buhay. Ang taong naging dahilan ng pag-ngiti at pagtawa mo.

Naramdaman ko ang paghagod ng isang kamay sa aking likuran.

"Snow, anak..." Saad ng tinig ng amang hari.

Umaagos ang luha sa aking mga mata, "Bakit niya ito nagawa sa akin, ama? May mali ba sa akin? May pagkukulang? Hindi na ba niya ako mahal, ama?" Niyakap ako ng mahigpit ng hari.

Hinahagod nito ang mahaba at itim kong buhok. Alam kong nasasaktan siya sa kanyang nasasaksihan. Ayaw na ayaw ng haring umiiyak ako. Ngunit anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng masasaganang luha sa aking mukha.

"Anak, siguro nama'y mayroon siyang dahilan upang gawin iyon. Alam ko namang mahal na mahal ka ng lalaking iyon." Saad nito.

Napakabait ng aking ama. Hindi siya nagtatanim ng sama ng loob sa kahit kanino kung meron man ay mabilis pa rin nitong pinapatawad. Ganoon kabait ang hari kaya naman maswerte ang lahat ng mga tao rito na siya ang naging pununo ng kaharian.

"Anong dahilan, ama? Wala na ang masamang mangkukulam. Masaya na kami. Bubuo ng pamilya ng magkasama at mamuhay ng payapa. Pero bakit niya ako sinaktan? Pinangakuan niya akong hinding-hindi ako sasaktan. Pero bakit?" Lintanya ko.

Tahimik lamang siya at nakikinig sa mga hagulgol ko. Ang kanyang haplos ay maingat at maalaga. Hinalikan niya ang aking ulo at pinatatahan ako. Ramdam ko ang pagmamahal na aking ama. Ang kanyang kabaitan. Ang sarap sa pakiramdam ang nasa bisig ng aking ama.

"A-Ama, nais kong makita ang prinsipe..." lumabas na lamang sa aking bibig ang mga salitang iyon.

"Sige. Ipapahanap k—" pinutol ko ang kanyang sasabihin.

"Gusto kong ako mismo ang maghanap sa kanya, ama. Paki-usap.."

"Pero, Snow.. Masyadong mapanganib. Mga mababangis na hayop at salamangka..." Ang tono niya'y nag-aalala.

Ngumiti ako.

"Ama, kaya kong iligtas ang aking sarili. Alam kong makipaglaban sa kahit anong mababangis na hayop. Malakas ako, ama. At isa pa, nais kong malaman kung bakit nagkaganito kami ng aking mahal. Gusto kong malaman ang lahat ng paliwanag niya."

Huminga ng malalim ang amang hari.

"Malaki na nga ang aking anak. Alam na niya ang kanyang ginagawa. O siya, sige. Pinapayagan na kita. Para sa iyo anak, para sa pag-ibig mo. Ibalik mo siya at nang mabigyan pa ako ng mga apo." Ngumiti siya.

"Maraming salamat." Pinamulahan ako ng pisngi.

"At oo nga pala," naglakad siya patungo sa pintuan, "Pababantayan na lamang kita sa mga kaibigan kong dwende. Nakatira sila sa sentro ng kagubatan. Huwag kang mag-alala, mababait sila."

Huminga ako at tumango.

Hahanapin kita, mahal. Pangako.

The Snow White Effect #Wattys2017Where stories live. Discover now