Panimula

51 7 0
                                    

Ito na siguro ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

Nagpapalakpakan ang mga tao sa loob ng silid. Kakikitaan sa kanilang mukha ang galak at saya para sa akin. Hindi pa rin kumukupas ang ngiti sa aking labi na tila ba'y mapupunit na ito sa sobrang kasiyahang aking nadarama.

Suot ang isang napakagandang kasuotan, puting belo na nagtatakip sa aking mukha ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa altar. Naroroon ang aking amang hari. Nangingilid ang luha nito at tila masaya para sa kanyang anak.

Nagtama ang aming tingin. Tila'y bumagal ang oras at pintig lamang ng aming puso ang naririnig. Lumalabo ang musikang lumalabas sa mga instrumento. Naroroon siya. Ang lalaking nagpapatibok ng aking puso. Ang taong nagligtas sa akin mula sa masamang bruha. Ang taong pinakamamahal ko.

Prinsipe Charlie.

Ngunit ano itong aking nakikita. Para bang kinakabahan ang prinsipe. Kakikitaan ng takot ang kanyang mga mata at ti ba'y napipilitan ang kanyang ngiti. Umanod ang kaba sa aking dibdib. Bakit kaya?

Ngunit humupa ang aking nadarama noo'y kinuha na niya ang aking kamay. Mahigpit ang kanyang paghawak na tila'y ayaw nitong bumitaw at nais panghawakan ang aking kamay habambuhay.

Humupa ang palakpakan at batian nang magsimula ang seremonyas.

"Ikaw, Prinsipe Charlie, tinatanggap mo ba si Prinsesa Snow bilang iyong kabiyak panghabambuhay?"

Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin. Napunit ang pagkakatingin nito sa hari at tumitig sa aking mga mata. Tama nga aking hinala. Tuluyang nilukob ng takot ang kanyang mga kayumangging mata. Bumuka ang bibig nito ngunit hindi nagsalita. Hindi ko mawari ang kung anong nangyayari sa kanya.

Bakit ayaw niyang sumagot?

Anong nangyayari?

Ayaw niya bang ikasal sa akin?

Inanod ng mga tanong ang aking isipan. Pagdududa at sakit ang aking nararamdaman sa aking puso.

Ilang minuto pa'y hindi pa rin nakakasagot ay rinig ko na ang bulungan ng mga taong dumalo. Ang prinsipe ay tahimik pa tin at bumaba ang tingin sa kanyang mga paa. Pawisan ang gilid ng ulo maging ang noo.

Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga, "May problema ba, mahal?"

Napapikit ito at dama ko ang mabibigat na hiningang lumalabas sa kanyang labi. Unti-unti'y sumibol muli ang kaba sa aking dibdib. Hindi ito makasagot. Wala akong narinig mula sa kanya.

Kapagkwa'y nararamdaman ko na ang dahan-dahang paghihiwalay ng aming mga palad. Nakita kong muli ang mga mata nitong binabalot pa rin ng takot at... sakit.

"P-Patawad, Snow. Pero hindi ko ito magagawa. Paalam."

Tumalikod ito at tumakbo. Iniwan niya ako. Hindi matanggao ng puso ang nangyayari. Kung mahal niya ako'y bakit ayaw niyang magpakasal? Bakit iniwan niya akong mag-isa sa gitna nitong altar? Umasa lang ba ako? Nasasaktan ang aking puso.

Ngunit alam ko, sa sarili kong mahal niya ako. Mahal ako ng prinsipe.

Hinabol ko siya. Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit? Lahat ng katanungang bumabagabag sa akin ngayon ay kailangan kong malaman. At alam kong siya, at siya lamang ang makakasagot ng lahat ng ito.

Nagtitiwala ako sa kanya.

Ngunit nang makalabas na ako sa simbaha'y tila nawala siya ng parang bula. Walang iniwang bakas. Hinihingal ako ngunit walang tigil ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Ang sakit na naramdaman ko'y mas lalong tumindi na tila anumang oras ay bibiyakin nito ang aking puso.

Wala na.

Iniwan na nga ako ng ng taong pinakamamahal ko. 

Hindi yata ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko kundi ang pinakamasakit.

The Snow White Effect #Wattys2017Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang