Chapter 1: Princess???

90 1 0
                                    

Chapter 1

Ako nga pala si Liane but you can call me Lei. :)

Noong bata pa ako, sa Japan ako nakatira. Pero noong naging 5 years old na ako, lumipat kami sa Pilipinas. Naalala ko nga na palagi kong namimisspell ang Philippines eh. "Filipenas" ang spelling ko noon dati. Tinatanong ko naman yung mommy ko kung tama, tinatawanan niya lang ako. Nalaman ko lang and tamang spelling noong nagsimula na akong mag-aral sa Pilipinas. 

Noong Grade 1 ako, nahihiya lahat makipag-usap sakin kasi ayaw raw nilang ma nose bleed kapag nagsalita ako ng english. FilAm daw ako. Alien ang tawag sakin. Half American at half Filipino. Pero may nakausap naman ako. Tinuruan nila akong magsalita ng tagalog nang maayos at maiintindihan ng lahat. 

Nagkaroon akong best friend ang pangalan ay Kathyrn. Magaling siyang kumanta at sumayaw. Idol ko iyon dati. Pero, ang sama ko eh. Nagsimula na akong magselos sakanya. Sinusulat ko sa notebook ko na mayabang siya at ang sama ng ugali niya. Yung isa kong kaklase na lalaki, nakita yung mga sinulat ko at sinumbong niya kay Kathryn. Uniyak siya at sinabi na hindi na kami best friends. Paglipas ng ilang linggo, nagbati na kami pero may iba na siyang best friend. Yung pinakamatalino sa klase pa. Nice naman. 

Pagka grade 3 ko na, kaibigan ko na ang lahat sa klase. Noong grade 2 kasi, may natatakot pang kausapin ako. Magaling na akong magtagalog by that time. Yey!!!

Grade 4, pinili akong magrepresent sa school ko para sa APMI Prince and Princess. Noong umalis ako doon para magpraktis na, may nakilala akong gwapo doon. Ang pangalan niya Xavier. Paglipas ng ilang araw, pinagmamasdan ko lang siya. Hindi niya naman ako napapansin. Palagi kasi naman siyang nagpipicture doon sa partner niya. Yung partner ko naman, hindi ko kinakausap. 

One time, absent kasi yung partner ko. kaya ang pinartner sakin si Xavier. Siyempre naman, kinilig ako noh. Pero may skill kasi ako. Walang nakakahalata kung may crush ako sa isang tao o wala. Kaya nga kapag sinasabi ko kung sino ang crush ko sa kaibigan ko, palagi siyang nagugulat eh. Hahah... :)

Okay. Magkapartner na kami. Una, kailangan naming maghawak kamay papunta sa front tapos maghihiwalay kami. Pagbalik namin sa isa't isa... hehe... pose tapos balik na salikod. Hindi na dapat magkahawak ang kamay namin. Pero pagbalik namin, hinawakan niya ang kamay ko. Kailangan naming mag-ulit dahil doon. Nagblush ako noon. Ang pula ng mukha ko. Kinilig naman kasi. Pero inisip ko naman na hindi niya naman ako gusto. Nakalimutan niya lang talaga na dapat hindi magkahawak ang kamay namin. I understand you man. *sniff*

Mabilis lumipas ang panahon na magkasama kami (sa mga praktis lang naman). Nanalo ako at yung partner ko rin, nanalo. Kami ang APMI Prince and Princess noong year na yun. Ang saya ko noon. Paglabas namin ng LCC, pumunta kami sa van namin. Katabi pala ng van namin ang kotse ni Xavier. So lucky! Nagpicture kami na magkatabi. Pero yun na yun. Wala na kaming ibang contact ever since.

Pagbalik ko naman sa eskwelahan namin, sinabihan ako ng kaklase ko na ako yung muse ng school. Paano yun nangyari? Pinili pala nila akong maging muse nila nung nasa naga ako. Ano ba yan.

geez... seriously? Every single time?!Where stories live. Discover now