First Song

959 79 18
                                    

Now Playing: Missing Me by RJ Helton

Naranasan mo na bang magmahal nang sobra? 'Yong pagmamahal na . . . sa lahat ng ginagawa mo, siya ang pumapasok sa isip mo? Na siya na ang nakikita mong kasama mo sa future? 'Yong sobrang pagmamahal na mas gugustuhin mo pang mamatay kaysa ang mawala siya sa buhay mo?

Sa sobrang pagmamahal mo, ibinigay mo ang lahat sa kanya—oras, pagmamahal, at effort. Inalagaan mo rin siya nang husto. Ilang taon kayong nagsama. Akala mo nga pang-forever na dahil nagplano na rin kayong magpakasal.

Pero paano kung sa mismong araw na dapat ay masaya ka, noon ka pa niya naisipang iwanan? At ang masakit pa, hindi mo alam kung bakit ka niya iniwan.

Para siyang malaking bula. Namangha ka noong una mo siyang makita dahil palaki siya nang palaki. Pero sa sobrang laki niya, bigla na lang siyang pumutok at hindi mo na alam kung saan napunta.

The Broken PlaylistWhere stories live. Discover now