From Jen:

"Baby sorry can't make it sa game mo nagaya kasi magout of town si daddy e."

Nakatingin lang ako sa screen ng phone nya. Binasa ko ulit yung message. Tapos binasa ko ng paulit ulit.

BABY???

Parang nanikip yung dibdib ko. Nagiinit nadin yung mata ko.

"Girl! Okay ka lang ba? Bat nakatulala ka dyan?" Tanong ni Mae.

"Ahh a-ano okay lang." Pautal kong sagot.

Parang nilamon ako ng curiosity ko. Alam kong mali pero gusto kong malaman kung totoo e. Natatakot akong may makita pero ayokong magmukhang tanga. Inopen ko yung messages nya. Nakita ko yung conversation nila nung Jen.

Nagailoveyou sila sa isa't isa. Nagtatawagan sila ng baby. Nabasa ko din na magkasama nga sila kahapon kase nagthankyou si JM sa panonood ni Jen ng training nila.

Nagcheck din ako ng call logs, at puro yung Jen ang laman. May mga pictures din sila sa gallery ng phone nya. Tinignan ko yun date. Yun yung mga araw na nagpapaalam sya sakin na may group projects sila.

Parang literal na sinasaksak yung puso ko ngayon. Ang sakit kase e. Sobra. 😭

Di nako nakapagfocus sa game nila.

"Best! Bat ang tahimik mo naman? Kanina pa tingin ng tingin si JM dito pero parang lumilipad naman yung isip mo." Tanong ni Khate.

Tinignan ko lang sya tas biglang niyakap. Ayokong magkwento, gusto ko lang ng taong mayayakap ngayon. Ang sakit lang kase.

"Uy ano bang nangyayare sayo? Okay ka lang ba?" Pangungulit nya.

Tumango lang ako habang yakap yakap sya.

Nanalo sila. Pagbaba namin sinalubong nya ako kaagad at niyakap.

"Babe! Panalo kami! Sabi na sayo swerte yung kiss ko sa cheeks mo." Nakangiti nyang sabi.

"Congrats babe." Tipid kong bati.

Masaya ako na nanalo sila. Pero di ko magawang maging masaya sa mga oras na to dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Gusto ko syang tanungin tungkol kay Jen, kung ano bang namamagitan sakanila pero takot akong malaman yung totoo. Na mas piliin nya yon kesa sakin.

Mahal ko sya, pero ang sakit sakit pala.

"Babe?? Okay ka lang ba? Bakit parang matamlay ka?" Pagaalala nya habang hawak yung mukha ko.

Tinignan ko sya sa mata.

"Mahal kita." Bigla ko nalang nasabi tapos niyakap ko sya.

Niyakap nadin nya ako. Sobrang higpit.

After game meron daw silang victory party, nagpaalam ako kay papa pero di nya ko pinayagan. Puro daw kase lalake don chaka inuman.

Okay lang din naman na di ako nakasama, wala kasi ako sa mood ngayon. Gusto ko nalang munang mapagisa para magisip.

Kokomprontahin ko pa ba sya o hahayaan ko nalang?

Sa kakaisip nakatulog na pala ako ng di ko namamalayan.

Paggising ko umaga na. Mabilis lang akong naligo tas nagbihis, kain then umalis na.

Pagdating ko sa school nakasalubong ko yung anak-anakan ko na si Rane.

"Mommy!" Bati nya.

"Nak, kamusta? Namiss kita!" Pangangamusta ko.

"Okay lang naman po. My, may sasabihin sana ako e. Pero promise mo muna wag kang magagalit ha?"

"Ano yon?" Curious kong tanong.

"Kase my nakita ko si daddy sa gym. Ano kase e. Ahhhhh...." Paputol putol nyang sabe.

Yung daddy na sinasabi nya si JM.

"Ano ngaaaaa?" Pangungulit ko.

"Nakita ko kasi sya sa gym, may kasamang babae. Magkahawak pa sila ng kamay. Pero my di ako sigurado kung ano nya yon ha?"

"Nakita ka ba nya?" Tanong ko.

"Hindi po." Tapos niyakap nya ako.

"Nak okay lang si mommy okay?"

"My ayusin nyo ni daddy yan ha? Talk to him first to confirm everything. Love you my mauuna na po ako." Paglalambing nya sakin.

Bat ganon? Ang aga pero ang init. Lalo na sa mata. Sabi ko pa naman ayoko na muna ng bad vibes ngayon pero kakasimula palang ng araw ko ganito na kaagad.

Pagpasok ko sa classroom lutang yung isip ko.

Kinakamusta ako nila Khate at Mae pero tinatanguhan ko lang sila. Ayoko munang kumausap ng kahit na sino ngayon.

Wala akong message na nareceive ngayon galing kay JM magmula pa kagabe.

Ayoko syang pagisipan ng kung ano ano dahil may tiwala ako sakanya, pero siguro sapat naman na to para kausapin ko sya.


DISTRIC MEET

Andito na yung family ko pero may isang tao akong inaantay na expect kong manonood.

Minessage ko sya kagabe pero wala akong reply na nareceive. Ano na bang nangyayare sakanya?

Habang nasa parade tahimik lang ako. May gumulo ng buhok ko, pagtingin ko si Carlo pala.

"Tahimik kana naman. Ano ka ba, kelangan mong magfocus para sa team nyo." Paalala nya.

"Alam ko naman yon." Tipid kong sagot.

"Ikaw na pala si Miss sungit ngayon. Nagaway kayo?"

"Carlo please wag na muna natin syang pagusapan."

Tinignan nalang nya ako tas umalis na. Haaay. Buti naman.

Pagtapos ng parade nagpray muna ako. Tinanggal ko na muna lahat ng problema at iniisip ko ngayon. Kelangan ako ng team ko kaya hindi ko sila pwedeng biguin. Last chance ko na to para maglaro dala dala yung school namin.

Next game na kami. At oo, inaantay ko padin sya. Pero sinet aside ko nalang nung kami na ang maglalaro.

First game namin panalo, pero nung battle for championship natalo kami.

And as usual umiyak nanaman po ako. Hahaha! Di kasi ako iyakin e. Honestly ayoko ng natatalo lalo na kung alam ko na kaya naman naming ipanalo. Pero wala e. May nananalo may natatalo.

Good news naman kasi nascout kami sa school na nagchampion. Maglalaro kami for Municipal meet. Natapos yung district meet na walang JM na dumating. Nakakalungkot lang.

Anyways, pati volleyball men namin natalo at tulad namin may nascout din sakanila. Same school lang kami ng pagttrainingan. Nabalitaan ko din na kasali don si Carlo.

Haaaaaaay, mabuti nalang atleast meron akong kaclose na kasama.



-Kettlekorn❣️

Bestfriends (COMPLETED)Where stories live. Discover now