Para hindi na ko masaktan pa.

     Pumunta ako sa may upuan ni Steff. “Steff,” tawag ko sa kanya.

     “Ow?”

     “Pwede bang palit muna tayo? Tabi muna kami ni Annie.”

     Tumaas ‘yung kilay niya. “Bakit?”

     “Galit pa rin kami ni Jessie e.”

     “Sus!” Nag-wave siya ng kamay. “Maaayos niyo rin yan.”

     Hinawakan ko siya sa braso at nagmakaawa. “Sige na? Please? Sasama naman ako sayo mamaya kina Kevin.”

     “Naku, nangonsensya pa! Sige na! Sige na!” Kinuha niya ‘yung bag niya at saka tumayo.

     Ngumiti ako sa kanya. “Thank you.”

     “Tsk. Basta sasama ka, ha?” paninigurado ni Steff.

     “Yes, ma’am!” Sumaludo ako sa kanya.

ж ж ж

Jessie’s POV

Pagpasok ko ng room, hindi si Luna ang dinatnan ko doon sa table namin kundi si Steff.

     Nagtaka ako kaya lumapit ako sa kanya. “Um, mali yata ‘yung naupuan mo,” sabi ko sa kanya.

     Ngumiti lang siya sakin. “No. It’s my seat now.” Tinapik pa niya ‘yung table.

     Umupo ako sa tabi niya. “Ha? Nasaan si Luna?”

     Ngumuso siya sa may harapan. “Ayun oh.”

     Tumaas ‘yung kilay ko. “Ba’t nandoon siya?”

     “Nakipagpalit e.”

     “Bakit naman?”

     Nagkibit-balikat siya. “Aba, ewan.”

     “Tsk. Wala kang kwentang best friend. Hindi mo man lang alam ‘yung dahilan.”

     “Sa hindi ko alam e!” sigaw sa akin ni Steff.

     Nagtinginan ‘yung mga kaklase namin. Ang lakas din ng boses nito. Magkaibigan nga sila ni Luna. Narinig kong nagbulungan ‘yung iba.

     “Si Steff naman ngayon?”

     “Kahapon lang sila ni Luna ‘yung nag-aasaran tapos ngayon...”

     “Ouch! Tapos best friend pa niya!”

     Tumingin ako kay Luna pero nakaupo pa din siya doon, nakatalikod at parang walang pakialam sa nangyayari.

     Sumimangot si Steff at tumayo. “Hoy! Hindi totoo ‘yang sinasabi niyo! May Kevin na ko kaya ‘wag niyong lagyan ng malisya ‘to!”

     “Weh? Kayo ni Kevin Perillo?” tanong noong isa.

     “Oo naman! Tanong mo pa sa kanya!”

Tumahimik silang lahat kaya umupo na rin si Steff. Napakabagal ng araw ko ngayon. Ewan ko ba. Tinitingnan ko si Luna pero kahit isang saglit, hindi siya lumingon dito.

     Naaasar ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko asar na asar lang ako. Natapos ‘yung araw ko ng hindi siya nakakausap. Kinabukasan naman nnoong pumasok ako ay wala siya.

     Absent daw at may sakit sabi ni Steff.

     Gusto ko syang i-text pero wala nga pala ‘yungSIM ko sa akin. May bago na kasi kong SIM kaya wala akong number niya. Sinubukan kong hingin kay Steff pero ayaw naman niyang ibigay. Kapag naman pinipilit ko, nang-aasar pa kaya tinigilan ko na.

     Hindi ko naman mahingi kay Justin kasi... hindi naman ganoon kaganda ‘yung lagay namin.

     Wala rin daw number sina Kevin at Rio ni Luna. Ayoko namang pumunta ng Student Council room at wala naman akong ka-close doon.

     Mababaliw na ko.

     Kinabukasan, wala pa rin siya. May sakit pa rin daw. Gusto ko na sanang puntahan siya sa apartment kaso ano naman sasabihin ko? ‘Di ba? Baka mapahiya pa ko.

     Halos isang linggo na ‘yung nakakalipas pero wala pa rin siya. Ano na ba nangyari dun? Dahilan na ni Steff ngayon ay pumunta daw si Luna doon sa tita niya sa Nueva Ecija. Nagbakasyon daw muna siya doon at aalis na papuntang America ‘yung tita niya.

      Halos isang linggo din akong binulabog ng isipan ko. Hindi ako makatulog sa gabi kasi naiisip ko siya.

     Monday na ulit. Walang kabuhay buhay ‘yung linggo ko na ‘yon. Parang wala na nga akong ganang pumasok.

     Pero pagpasok ko ng room, nagulat ako noong makita ko si Luna doon sa may table namin. Napahinto ako doon sa may pintuan. As usual, parang hindi niya naramdaman ‘yung presence ko kasi nakatingin lang siya doon sa may bintana.

     Lumapit ako sa kanya pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang napipi ako na ewan.

     Umupo ako. Ang tahimik. Nakakabingi.

     “Um...” umpisa ko.

     Tumayo siyang bigla, binuksan ang pinto at saka lumabas.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Where stories live. Discover now