Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at nag-iwas ng tingin.

“Ano pa nga ba? Edi niyakap mo lang naman ako nang niyakap kaya hindi ako nakatulog nang maayos. Ginawa mo akong unan.” 

“Talaga?!” Mas lalo akong namula. Yes!

“At nakangiti ka pa dyan ha?!” 

“Ha? H-hindi ano! he-he!” Tumalikod ako sa kanya at nagpigil ng sarili na huwag tumili. Kinikilig ako! Yes na yes talaga! Sana talaga hindi ako tulog nun, pero hindi bale na... Nayakap ko sya!

Nabalot na naman ang kwartong ito nang katahimikan. Kanina ko pa siyang gustong kausapin pero wala akong maisip na topic. At isa pa, baka sigawan niya ako. Hay, sana naman kausapin niya rin ako.

“Hey.” sabi nya. Wow! Ang bilis natulad ng wish ko! 

“B-bakit?”

Nakahiga ako sa kama at nakatingin lang sa kisame. Sya? Nakaupo sa sofa. Hinihintay lang nya buksan yung pinto. 

“About your hair...”

Napabangon ako at tumingin sa kanya. Hindi ko maintindihan ang mukha niya. Parang... parang naaawa siya sakin. Bakit kaya sya ganito? 

Hinawakan ko ang buhok ko, “Anong meron sa buhok ko? Pangit ba? Ayaw mo ba sa babaeng maikli ang buhok?”

“Tss...” Umiwas siya nang tingin, “Hindi ka ba nanghihinayang?”

“Hmmm. Ang haba nga nito dati eh kaso—” Oooops! Muntik ko nang masabi sa kanya! Syete! Kahit na alam kong wala siyang pakialam sa akin ay mas mabuti nang hindi niya alam.

“Kaso?”

“Ah, wala pala!” Tumawa na lang ako ng fake. Halata kaya?

“Sa susunod huwag ka nang makikipag pustahan nang dahil sa akin. Are we clear?” 

Paano nya nalaman?!

“Teka? Alam mo?!”

“Tss.”

Napatingin na lang kaming dalawa sa bumukas na pinto. Tumayo na si Nathan para lumabas kaya sumunod ako sa kanya. Nag-aabang pala samin sina Tristan, Arden at Nicole sa labas nito. Dito rin kaya natulog si Nicole?

Hinawakan ko ang dulo ng damit niya kaya tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa kamay kong nakahawak sa damit niya. Agad akong bumitaw dahil natakot ako sa titig niya.

“Uh, paano mo pala nalaman?” Bumuntong hininga lang siya at hindi na ako pinansin.

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon