TIGHT-LIPPED/ chap.15

Start from the beginning
                                    

Iyon pala, may tama na siya ng bala.

 

 

Habang si Macario naman ay tumakbo lang palayo sa amin. Marahil, iyon ay para habulin siya ng mga kalaban at lumayo ang mga ito sa amin ni Fabian.

 

“F-Fabian!” bulong na tawag ko sa pangalan niya tsaka ko kinapa ang nabitawang flashlight at naupo para itutok iyon sa kanya.

 

At nakita ko ang duguang ulo ni Fabian.

Tuluyan nang umiyak si Nanay Dolores saka nilingon ang bangkay ng asawa niya sa kabaong.

Napailing na lang ako. Pati sila nadadamay sa gulong ito.

Saktong pag-iling ko ay nabaling ang paningin ko sa kinauupuan ni Lavinia.

Nakatawa siya nang paluin ang braso ni Caloy.

GRRRRRRRR. Sinusubok yata ng mga ito ang pasensya ko. At harap-harapan pa nila akong pinagseselos.

Selos? HAH! Look, who’s talking. I was NEVER jealous.

Nakipatingin sa akin si Lavinia at nakipagtitigan.

Natakot ba siya?

Hindi.

Nanlalaban ang tingin niya sa matalim kong titig sa kanya.

Nagpaalam na siya kay Caloy at lumabas nang kubo.

“Sige, Nanay Dolores,” paalam ko sa kanya saka siya tinapik-tapik sa balikat. “Pupuntahan ko muna si Lavinia. P-Pasensya na sa kinahinatnan ni Mang Fabian.”

Hindi pa rin tumigil sa pag-iyak si Nanay Dolores at iniwan ko na siya. Bago pa makatayo si Caloy para sundan si Lavinia, hinarang ko na siya.

“Hoy, Caloy,” angil ko, “talagang sa harapan ko pa kung pumorma ka kay Lavinia. Baka nalilimutan mo ang posisyon ko sa haciendang ito.”

Tinitigan lang ako ng masama ni Caloy. “Nakikipagkaibigan lang naman ako sa nobya ninyo, Senorito.”

“Nakikipagkaibigan? At pagkatapos? Manliligaw? At susulsulan mo na iwanan niya ako, ganun?”

“Alam niyo, Senorito, kung hindi niyo ako kayang irespeto sa harap ng bangkay ng aking ama, mapayapa na lang kayong umalis dito.”

“HAH.” Napailing ako. “Huwag kang magpaka-makata, Caloy. Sinasabihan lang kita. Alam ko ang ginawa mo sa nobya ni Martin kaya naging bastardo  ang kapatid kong iyon.”

Napangisi lang si Caloy. “Bakit hindi mo na lang tanggapin iyon? Tutal, bastardo din naman talaga noon ang kuya niya.”

“Nag-gagaguhan ba tayo rito?”

Timpi. Konting timpi pa.

“Ikaw ang nauna, Senorito. Huwag kang mapagbintang, baka iwanan ka talaga ni Lavinia dahil sa pag-uugali mong ganyan.”

“Aba’t-“

Uumbagan ko na sana siya pero inalala ko na lang si Lavinia. Baka umuwi na iyon ng mansyon at iniwan na ako rito. Dumeretso na lang ako palabas ng kubo at baka sumama bigla ang imahe ko sa mga trabahador ko na nandito.

Hinanap ko ng paningin ko si Lavinia nang makita ko siya na paalis mula sa mga tao na nakapaligid sa palaruan ng tirimbi. Sinundan ko siya at pinanood muna ang mga galaw niya.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa mga puno ng niyog. Sa malayo, natanaw ko kung ano ang marahil ay nakikita niya- isang bulto ng tao na may hawak na flashlight. Dahil sa nasisinagan ng ilaw ng flashlight ang bandang binti niya, nahalata ko sa hugis nun sa loob ng pantalon na lalaki ang nakamasid sa likod ng isang puno ng niyog. Saktong nakapagtago ako sa likuran ng halamang San Francisco nina Aling Dolores nang lumingon sa gawi ko si Lavinia. Nung paglingon niya, nakita ko na umalis mula sa likod ng payat na puno ng niyog ang lalaki at tumakbo. Siya namang lingon ni Lavinia at nakita ang tumatakbong lalaki.

“Teka lang!” tawag ni Lavinia saka tumakbo.

Agad naman akong tumakbo para habulin siya at hilain pabalik sa akin.

“AAAAH—“

“Si Segmun to!”

Naputol ang tangka niyang pagsigaw nang sabihin ko iyon. Agad niyang inalis ang kamay ko sa braso niya tsaka siya humarap sa akin.

“Segmun!” nilingon niya ang mga puno ng niyog. Wala na ang lalaking hinahabol niya.

“Asar ka! Nawala na tuloy siya!”

“Sinong siya?”

Natigilan si Lavinia tsaka nagkibit-balikat. “Eh… Ewan ko. Natanaw ko kasi siyang nakatago lang at nakamasid kaya lalapitan ko sana para kilalanin…”

“Tanga ka ba? Eh pa’no kung mamamatay tao iyon na nag-aabang ng papatayin niya? Eh ‘di namatay ka na?”

“Aba!” pamewang niya. “So, tina-tanga mo na ako ngayon?”

Nasapo ko na lang ang ulo ko.

“Nakuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu! Lavinia!”

“At kung papatayin niya ako, eh ‘di sana hindi siya tumakbo palayo sa akin.”

“Tumakbo lang siya, dahil nakita niya na nakasunod ako sayo!”

O____________O

“Di ba, sabi ko sayo, doon ka lang sa upuan? Bakit ka lumabas?”

“Sinong hindi lalabas pag may nakatitig sayo ng MASAMA?”

“HAH!” iling ko “Kasalanan ko pa, hah? Kasalanan ko? Di ba, sabi ko sayo, huwag mong papatulan ang Caloy na iyon?”

Tinitigan niya ako sa mga mata at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ang tingin niya sa akin, parang nananantya.

“Patol? Nakikipagkaibigan lang sa akin yung tao. At bakit ba kasi galit na galit ka sa Caloy na iyon?”

“Simula nang una ko siyang makilala, alam ko na walang magandang gagawin ang Caloy na iyan!At tama nga ako!” angil ko sa kanya tsaka ko pinilit na pakalmahin ang sarili kaya nanaig ang kaunting katahimikan.

“Bakit? Anong ginawa sayo ni Caloy, Segmun?”

“Umuwi na lang tayo,” anyaya ko sa kanya tsaka ako nagpatiunang lumakad papunta sa pinaradahan namin ng kotse.

_________________________

Pasensya na. Ngayon lang ulit nagkaroon ng time na magdagdag chapter. :))

I hope you’ll finish the story before you ask questions ha? Kasi this is also supposed to be a romance-MYSTERY novel. Not the kind of MYSTERY na may PARANORMAL. But the Mystery kind ala Sherlock Holmes Detective Stories. :)) HAHA. That’s about it. You can call it SUSPENSE. Basta may ganun. XD

Tight-Lipped (COMPLETE)Where stories live. Discover now