TIGHT-LIPPED/ chap. 14

Start from the beginning
                                    

“Anak ni Mang Fabian iyon,” sabi sa akin ni Segmun habang pumapasok sa bukas na pinto. “Si Caloy. Desi-otso pa lang iyon.”

“Mukha nga.”

“Wag mong papatulan iyon.”

O__________O “Naka-drugs ka?”

“Grabe makangiti sa’yo ang lokong  ‘yun eh. Tatay niya, kasundo ko, pero iyang si Caloy, ewan. Malayo ang loob ko diyan.”

Tumango-tango na lang ako. Mahirap makipagtalo kasi maraming tao at nasa lamay pa kami.

Sinabi ni Segmun na nakikiramay siya kay Nanay Dolores at ganun din naman ako tsaka nakipagkamay sa babae. Nasa late fifties na siya, sa tingin ko.

“Maupo ka muna diyan,” paalam sa akin ni Segmun saka inakay si Nanay Dolores sa tabi ng kabaong ni Mang Fabian. Mukhang seryoso ang pag-uusap nila nang biglang may umupo sa tabi ko.

“Biscuit?”

Nilingon ko siya- si Caloy na may dalang isang pinggan ng biscuit.

“Thanks,” sabi ko tsaka kumuha ng isang piraso.

“Ah, eh, Caloy nga pala ulit,” ngiti sa akin ni Caloy saka naglahad ng kamay.

Maputi si Caloy, mukhang hindi tulad ng mga trabahador ni Segmun na mga lalaki sa hacienda na kung hindi maitim ay mga moreno naman.

Nakipag-hand shake na lang ako sa kanya.

“Lavinia.”

“Lavinia,” echo niya.

“Hmm, mukhang hindi ka nagtra-trabaho sa hacienda ah?”

Tumawa ng konti si Caloy. May dimples siya. Advantage din niya ang pagiging maputi para ma-consider na may hitsura.

“Tumutulong lang ng kaunti,” tawa niya, “pinag-aaral kasi ako ni Don Simon.”

“Don Simon…”

“Tatay ni Senorito Segmun,” pagkasabi nun ay para siyang nagulat saka ako tinuro, “Ahaaaaaaaa. Teka, hindi ka pa napapakilala ni Senorito Segmun sa tatay niya?”

Umiling ako.

“Family Reunion ng mga Libral sa susundo na semana, mukhang ipapakilala ka na ah.”

“Oo nga eh,” pakikisakay ko na lang. Pero baka iyon na nga ang gawin ni Segmun dahil sa mga sinabi niya sa akin sa kotse…

O______________O

Sa kotse (kotse)

Let it burn…

>///////////< grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr! Erase! Erase! Ayokong mag-isip ng DIRTY sa lamay na ito!!

“Ah eh, college ka na siguro,” sabi ko sa kanya.

“Oo. Electrical Engineering.”

“That’s good,” ngiti ko tsaka kumuha ulit ng isa pang biscuit. “Pagbubutihan mo ang pag-aaral.”

“Ibig sabihin ba nito, magkaibigan na tayo?”

Tumango ako. “Oo naman, Caloy.”

Tumawa siya. “Since friends na naman tayo, pwedeng magtanong?”

“Hmmm, basta disenteng tanong.”

Nilapag ni Caloy ang pinggan ng biscuit sa lamesita sa harap namin at hinarap ulit ako.

“Kelan ka pa naging syota ni Senorito Segmun?”

“Tsismoso ka hah?” palo ko sa braso niya.

Napailing lang si Caloy at tumawa ulit. Yung tawa niya, hindi masyadong malakas na matatawag na halakhak. Marahil iyon ay dahil may parte niya na nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng kanyang ama.

“Nagtatanong lang eh.”

“Kay Segmun mo na lang itanong,” ngiti ko.

“Tsssss. Mabigat ang loob sa’kin nun.”

O______O

“Grabe makangiti sa’yo ang lokong  ‘yun eh. Tatay niya, kasundo ko, pero iyang si Caloy, ewan. Malayo ang loob ko diyan.”

So, hindi lang dahil sa selos kaya nasabi iyon ni Segmun? Talagang mabigat na ang loob niya sa Caloy na ito noon pa. Pero bakit naman? Mukhang mabait naman itong si Caloy. Friendly pa nga eh. At nararamdaman din pala nito na mabigat ang loob sa kanya ni Segmun.

“Bakit naman magiging mabigat ang loob sayo ni Segmun?”

“Ewan,” kibit-balikat niya. “Pero wala akong pakelam. Sana lang ay huwag munang mamatay si Don Simon. Pag nagkataon, si Segmun ang makakakuha ng lahat ng ari-arian niya. Panigurado, hindi ko mapagpapatuloy ang pag-aaral ko dahil sa mabigat ang loob niyang si Senorito sa akin.”

Binalingan ko ng tingin si Segmun na kausap si Nanay Dolores.

Pero nakatitig na lang si Nanay Dolores sa bangkay ng kanyang asawa sa kabaong nitong puti.

At si Segmun naman ay nakatitig lang sa akin ng matalim.

Parang nagbabanta.

Nagagalit.

Ewan.

Pero hindi ako natatakot.

Hindi ako natatakot sa galit niya kahit noon pa.

Kaya lang, tulad ng dati.

Nalulungkot ako pag ganun.

Parang may lumalamukos sa papel kong puso.

“Ah, magpapahangin muna ako sa labas,” paalam ko kay Caloy.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, lumabas na ako ng kubo.

Binati ko ng magandang gabi ang mga nakakasalubong kong mga tao. May mga naglalaro ng tirimbi kaya tumaya na rin ako sa kahit anong number. Malas nga lang, wala akong natatamaan. XD

Pag-angat ko ng tingin ay parang may naaninag akong tao sa mga puno ng niyog kaya hindi na muna ako tumaya at pinuntahan iyon. Nang papalapit na ako ay nilingon ko ang kubo, medyo malayo-layo na rin ako dahil madilim na sa kinatatayuan ko. Nilingon ko ulit ang tatahakin kong daan at nahuli ang kung sinumang tao na may dalang flashlight at tumatakbong palayo.

“Teka lang!” tawag ko tsaka tumakbo para habulin ang lalaki nang may humila sa akin pabalik.

Tight-Lipped (COMPLETE)Where stories live. Discover now