Chapter 48 - Horny

Magsimula sa umpisa
                                    

"H-hindi m---" Hindi ko na natuloy ng mapagtanto ko na hindi niya kilala si Alisha.

Hindi niya alam ang tungkol kay Alisha.

Hindi niya makukuha sa'kin si Alisha. 

"Alisha?" Ulit niya.

Pumikit ako at nagkunwaring sumakit bigla ang ulo ko kaya mabilis siyang lumapit sa akin upang alalayan ako, Jax carried me bridal style habang umaakyat siya, papunta doon sa pamilyar na malaking kwarto.

Nang na'sa loob na kami ay dahan-dahan niya akong inihiga sa kama. "I'm sorry Megane... alam kong hindi dapat kita pinag-aalala." Kita ko ang concern sa mata nito habang inaalis niya 'yong mga buhok na nagkalat sapisngi ko. Yumuko siya ng dahan-dahan at hinalikan ako ng mabilis sa labi. "I am sorry..." Hindi ko alam, hindi ako sigurado kung luha ba iyong nakita ko na mabilis na dumaloy sa pisngi ni Jax dahil mabilis siyang tumalikod papunta sa may pintuan.

"I-ill be back.... don't leave me again meg.... please." Para akong tinuturok sa puso ng matutulis na bagay ng marinig ko ang boses ni Jax, sa unang beses, walang galit na halo ang tono niya.

He's hurt.... he's hurt just like I am. Scared and paranoid.

Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko na ilabas lahat ng sakit. Walang katapusan ang mga luha ko habang masakit kong sinasabunutan ang sarili ko.

All this time.

All this time, kung iisipin kahit kailan ay hindi ako iniwan ni Jax. Never. Pero ako? Ilang beses ko na 'yong ginawa sa kanya? I can't even count anymore.

Paano ko nagawang saktan ang nag-iisang taong minahal ko?

Paano?



*****

Nang bumalik si Jax makalipas ang siguro ay isang oras ay parehas kaming maayos na. Iyong tipong akala mo talaga ay walang nangyari kanina, 'yong hindi niya sinabi na buntis ako at ang bata lang naman talaga ang gusto niya sa akin.

He smiled at naramdaman kong parang malulusaw ako sa matamis nitong ngiti. 

Iyan.

Iyang ngiting 'yan ang dahilan kung bakit buntis ako ngayon.

'Don't be stupid at 'wag magpahulog ulit sa fuck boy Megane.' Paalala ko sa sarili ko.

"Hindi mo kinain?" Tanong niya ng makaupo na siya sa malaking kamay na kinakaupuan ko rin, nakatingin siya sa bed-side table, sa pinatong niyang tray kanina pa na nakalimutan kong tignan.

"I forgot." 

"Sorry." Ngumiti ako dito. Wala naman siyang kasalanan, it's always my fault, seriously.

"How did you found out, you know, that I am pregnant?" Alam ko ang katawan ko, nararamdaman ko naman na rin talaga ang kaso, natatakot lang ako na kumpirmahin kaya wala akong ginagawa.

"Noong dinala kita kahapon sa Hospital ni mama siya mismo 'yong tumingin sa'yo. Inuwi kita agad noong nalaman ko ang resulta." Napatingin lang ako sa itim na itim na mata niya dahil hindi ko naman talaga alam ang sasabihin.

"Megane we really need to talk."

"We're talking now."

Napatawa siya ng mahina. "I mean, seriously."

"I am listening Jax just tell me what you want to tell me."

"I want you to quit your jobs, at least until the baby is born, kita mo 'yong nangyari kahapon? 'Yong trabaho mo kasi Megane alis ka ng alis from this place to another place--- Don't get me wrong I don't want to tell you what to do but I really want to tell you what you should do." Hindi ko mapigilan ang tawa ko sa sinabi niya, nang malamang napagtanto niya rin ang sinabi niya ay natawa na rin siya.

"Ayaw mo sa'king sabihin 'yong gusto kong gawin pero gusto mong sabihin 'yong dapat kong gawin? Does that even makes sense Jax?" Nawala ang ngiti ni Jax at mas nilapitan pa ako, umakyat na siya sa kama hanggang sa hawak kamay niya na lang ako.

Itinaas niya ang kaliwa niyang kamay at dahan-dahang hinaplos ang isa sa mga pisngi ko. "I love your laugh... I was scared just now, kahit ngiti ay hindi mo magawa noong ngumiti ako kanina. I t-thought you already hated me." 

Kung kaya ko lang Jax, matagal ko ng ginawa.

Inalis ko ang hawak ni Jax sa kamay ko at nakita iyong kaunting sakit na rumehistro sa mukha niya na inalis niya rin agad. "L-let's listen to what  you should say." Wika ko.

"Kung papayag ka, ayoko sanang napapagod ka habang dinadala mo iyong bata kahit na hanggang sa ipanganak mo lang siya." 

"Tanggap mo iyong baby?" 

Nagulat ito sa tanong ko pero agad ding nakasagot. "Are you serious? one-hundred fucking percent Megane."

"E iyong mommy ng baby tanggap mo rin?" Dinilaan ko ang ibabang labi ko at kinindatan siya.

Hindi ko na kilala ang sarili ko.

Ganito ba talaga kapag buntis?

Simula pa lang kanina, noong unang beses ko siyang makita ng pumasok siya at isa lang ang nagingibabaw na emosyon.

"I want your dick inside me Jax."





Vote and Comments are appreciated by the author. Also, don't forget to follow me~  

A/N: Ang sabaw inaantok na kasi ako hehe pero for the first time hindi na bitin ang ending! Haha! Anyways, may facebook na po ako for Wattpad use hehe tatlo na ang friends ko doon from Watty. Shout-out sainyo ^^ "Aesthetic Marxel" po ang name :D Nakakatuwa talaga 'yong engagement ng mga nagbabasa! Grabe ang dami ng nagco-comment at votes~ Sobrang thankful ko tulad ng dati <3 Pati sa mga nagbasa nang unang kabanata ng "Lrysword Academy" kilala ko kayo ^^ thanksss. Sa mga gusto po magpa-dedicate next chappy pasabi na lang sa comment :D

Toxic Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon