Chapter 49 - The girl he love

66K 686 41
                                    


"W-what?" Gulat na tanong ni Jax na hindi makapaniwala. 

Mabilis kong naramdaman ang mukha ko na nag-init ng mapagtanto kong naisatinig ko pala ang matagal ko ng iniisip.

Nahihiya kong nginitian si Jax at napakamot na lang sa batok ko. "W-wala."

Ilang minuto ang lumipas na walang nagsasalita sa amin, tanging ang mga mata lang namin ang nag-uusap na paminsan-minsan ay pumipilik.

Nang-akala ko ay wala na talaga siyang balak magsalita ay nagkamali ako. "I want you Megane." Medyo nag-parte ang bibig ko sa sinabi nito pero mabilis ko rin iyong isinara. "Do you want me too?" Dagdag nito.

Hindi na ako nagsinungaling pa. "Yes."

"It's hard for me to do this M-Megane but I'll forgive you.... can we get back together?" Hindi ko maitatanggi iyong takot na nakikita ko sa mata niya, pero para saan? Takot sa akin? Takot na baka hindi ko siya muling tanggapin?

Pero bakit?

Alam naman niya siguro kung gaano ako ka-desperada sa kanya 'diba? Imposibleng hindi niya alam... lahat ng gusto niya ay ginagawa ko.

Kinagat ko ang ibaba kong labi. "T-tayo.... ulit, tulad ng dati?" Please tell me yes, please Jax. Oh god. I love you so fucking much.

Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi. "I'm not just doing this because of the baby Megane. Umuwi ako dito sa Pilipinas para humingi ng tawad.... k-kahit na alam kong nagkamali ka h-hindi tama 'yong ginawa ko sa'yo. Hindi ko man lang naisip na baka mommy mo ang may g-gusto no'n. I can't believe myself too, kilala kita, kilala kita pero bakit all this time naniwala ako sa galit ko? A-alam kong hindi mo gusto 'yong desisyon."

Desisyon?

Si mommy? Anong pinagsasabi ni Jax?

I'm confused

Hindi ko maiwasan ang pagsakit ng puso ko na para bang kinikirot ng makita ko ang mukha ni Jax, bakit ganyan kalungkot ang dalawang mata niya? Bakit sobrang nasasaktan siya? Wala naman siyang kasalanan... hindi niya dapat pinapahirapan ang sarili niya. 

Wala akong ibang magawa kundi kagatin ang ibabang labi ko, samantalang siya ay unti-unti inilalapit ngayon ang mapupula niyang labi sa noo ko.

Ilang sandali kaming tumagal ng ganoon, walang nagsasalita at pinapakiramdaman lang namin ang isa't-isa habang nakadikit pa rin ang labi niya sa noo ko, nang tuluyan na siyang humiwalay ay doon ko pa lang napansin ang luha na tumutulo na pala sa malalim nitong mata.

Sa mga mata niya na isang beses ko pa lang nakitang umiyak.

Ano bang ginawa ko?

I'm so soft for this.

I can handle my own pain but I can't handle Jax's pain.

Hindi ko siya kayang makitang umiiyak.

Ganito rin ba ang nararamdaman niya tuwing umiiyak ako sa harapan niya? Bakit ganito? Bakit kailangan na makita ang mahal mo na umiiyak?

Ginawa ko na lang ang tanging pumapasok sa isip ko at ayon ay ang mabilis siyang halikan.

Hindi tulad ng dati naming pagdikit ng labi ang nangyari. Bagong pakiramdam ito. Punong-puno ito ng pagmamahal na hindi ko maisip kung saan bigla nanggaling, sandali lang ang pagkagulat ni Jax sa paglapit ko sa kanya at kalaunan ay siya na ang namuno sa paggabay ng aming mga gutom na labi. Mainit parehas ang aming pagpapalitan ng halik---kasing init ng matagal na naming nararamdaman sa isa't isa na hindi namin inalalabas, ngayon ay tila naguusap kami sa pagpapalitan ng halik. Walang nararamdaman na itanatago at tila kaming dalawa lang ang tao sa mundo.

Toxic Love [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz