"Alam mo ikaw napakabolero mo po. Pero thankyou ah. Goodmorning!"

"Babe, mahal na mahal kita!" Di ko napigilan niyakap ko sya. Tapos binigay ko yung rose sakanya.

"Bakit ba kasi napakasweet mo ngayon?" Tanong nya sabay tago sa kilikili ko. Hahahaha!

"Mas mahal na mahal kita" sunod nyang sabi.

At ayun na nga. Parang ako naman yung namula kase kinilig ako tol! Hahaha. Dun ko lang naalala na lahat pala ng mga kaklase nya pinapanood kami. Omooooo!

Ilang sandali lang nagpaalam nadin ako sakanya kase dadating na yung prof nila at sobrang late ko nadin. Minessage ko lang sya.

To My Babe:

"Babe sabay tayo ng lunch ha? Sunduin kita sa room mo later. Mahal na mahal kita. Sobraaaaaaa!"




Tine's POV

Imba yung mga pangyayare ngayong umaga. Jusq! Feeling ko nga nananaginip ako e. Grabe kase magpakilig tong si JM. Haaaay. 😍

"Hoy girl. Matunaw yang rose kakatitig mo. Haba ng haaaaaaaair!" Pangaasar sakin ni Khate sabay kurot sa tagiliran ko.

"Oo nga naman. O tabi kayo baka maapakan nyo yung buhok ni Tine!!" Dagdag pa netong si Mae.

"Ano ba kayo. Iingay nyo. Makinig nalang tayo sa lesson okay? Focus!!" Saway ko sakanila, kahit sa totoo nyan ako mismo di makafocus. Ajuju!

LUNCH

Tine's POV

As promised sinundo nga ako ni JM sa room namin kase minessage nya ako kanina na sabay daw kaming kakain.

"Babe, dinner tayo mamaya sa bahay ha? Papakilala kita kay mommy kase sobrang excited na syang mameet ka." Sabi ni JM habang kumakain kami sa canteen.

"Mga anong oras ba babe? Kase nagkita kami ni coach kanina may training daw kami after school. Kelangan na kaseng mag double time sa training para sa district meet." Sagot ko. Halatang disappointed sya.

Ang wrong timing naman kase e. Ano ba yan. Lagot naman ako kay coach pag di ako umattend.

"Ah ganon ba babe? Sayang naman."

"Pero babe magpapaalam nalang ako kay coach ng maaga para makahabol ako. Okay ba yon?"

"Sige po, message mo ko agad para masundo kita okay? Para sure ako na safe ka."

Sana lang talaga payagan ako. Goodluck sakin mamaya.


After school deretso ako ng gym para magtraining.

Pagdating ko andon din yung mga volleyball men. Nagtataka ako kase wala namang nabanggit si JM na may training sila.

Wala pa naman yung iba kong kateam kaya pinuntahan ko si kuya Jhe na trainer nila since di pa naman sila nagsisimula.

"Kuya! May training pala kayo ngayon? Bakit wala si JM?" Tanong ko sakanya paglapit ko.

"Kase Tine lagi syang di umaattend ng training tapos ang tigas pa ng ulo nya." Sagot nya sakin.

"Tinanggal nyo ba sya?" Tanong ko ulit.

"Sya mismo di na sumipot, meron din ata silang di pagkakaintindihan ni Carlo." Sagot nya sabay tapik sa balikat ko.

"Ahh ganon ba? Sige. Thankyou kuya!" Matipid kong sagot at umalis na.

Palabas na sana ako ng gym at nakasalubong ko naman si Carlo.

Bestfriends (COMPLETED)Where stories live. Discover now