Chapter 3: Family

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagbesohan kami at paalis na sana si Marjorie pero nagusisa pa si Manang Bea.

"Uy, di mo papakainin yung kasama mo?" medyo mataray niyang tanong.

"Hindi na po. Uuwi din po kasi ako sa amin ngayon, doon nalang po ako magdi-dinner." tipid na sagot ni Marjorie bago umalis.

Pumunta na si Marjorie sa sasakyan na dala ni Kuya Osep. Binuksan nila ang bintana at kumaway sa akin si Marjorie habang si Kuya Osep naman ay nagpakita ng hilaw na ngisi.

"Bye, Marj, Kuya Osep!" kaway ko sa kanila habang nakasandal sa front door.

Sinara ko na ulit ang front door at humarap sa dalawa kong lalaking kapatid na nasa high school pa.

"Yo, Ate!" bati ni Sivel, ang Grade 12 kong kapatid.

Lumapit siya papunta sa akin at hinigpit ako sa isang matalik na yakap.

Nakangiti naman ang isa ko pang kapatid na si Jake na naka-gesture ng mag-hug pero naka-upo parin sa malaki naming sofa.

Tsss. Ang tamad talaga ng isang 'to.

Lumapit ako sakanya at yinakap niya din ako ng saglit bago bumaling ulit sa kaka-text sa kaniyang phone.

"It's been a while, Ate." sabi sakin ni Jake na busy parin sa cellphone niya.

Nakaupo ako sa sofa ngayon at nasa gitna pagitan kina Sivel at Jake.

"Yeah.. nasaan pala sina Mama?" tanong ko.

"Kanina ka pa hinihintay 'nun e, nasa taas lang sila dalawa ni Daddy. I dunno. May kausap?" sagot ni Sivel.

I think there's quite an age gap between me and my siblings? I'm 22 right now. Sivel is 18 while Jake, who is on Grade 10 right now is 16. Sila ang mas malapit na age pero noong bata pa kami, palagi kaming naga-away ni Sivel at si Jake naman ay palagi ko pang pinoprotektahan dahil inaaway din ni Sivel.

Hmmm. Hanggang ngayon pa naman ay mapang-asar si Sivel. Ang yabang niya. Mas inosente at maamo ang kaniyang mestizong mukha kaysa kay Jake na medyo maangas ang mestizo features pero never naging maamo ang kaniyang budhi! Yung mga mata kasi ni Sivel ay parang palaging nakangiti habang ang kay Jake naman ay parang palaging intense. Speaking of which, I heard a rumor about him.

"Oi Sivel, anong naririnig ko tungkol sa'yo ha?" usisa ko saking kapatid na nanood ng laro ng mga babaeng nagte-tennis sa TV. Sa ganito palang, labas na labas na ang totoo niyang kulay.

"Tsss. Ano na naman yan, Ate?" kunwareng pagbabahala niya.

"Do you really want me to shout it para marinig nina Manang and Mommy? 'Cause I will." sabi ko sakanya sabay pakita ng evil smirk ko.

"SIVEL APPARENTLY SLEPT WI-" sigaw ko sa malakas na boses.

Nakita kong iritado si Sivel at nilagay ang kaniyang kamay sa aking bunganga para hindi ko matuloy yung sinasabi ko.

"Ate, shut the fuck up! Geez!" naiinis na sabi ni Sivel.

"So it is true, hmm?" tukso ko sakanya.

"Well, what do you think?" nag-taas siya ng kilay sa akin.

"Oh my God, Sivel! She's already 24 and she has a long-time boyfriend, for fuck's sake." gulat na sabi ko sakanya.

Foolish SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon