HNKC! 1

298 4 41
                                    

Waaaaah! Lakad takbo na ako. Jusko! Late nanaman ako sa klase ni Sir Kalbo! Baka ibagsak na ako nun sa--

"Aray!" Agad kong nilingon ang hampas lupang bumato ng bola sa ulo ko at kulang ang isang malutong na mura ng makilala ko ang salarin--

"Paulo Estrada?! Ano nanaman bang problema mo?"

"Hahahahaha. Panget mo talaga Lou" sabi ng nag-iisang salot sa buhay ko--- Paulo Estrada o mas kilala sa tawag na, Paulo pa rin.

Siya ang donkey na walang ibang magawa sa buhay kundi ang manira ng buhay ng ibang tao. Papansin, mayabang, panget at higit sa lahat,

PA-FALL!

Sarap lang isupalpal sa mukha niya ang word na yan!

Bakit kaya ganon no? Kung kelan nakamove on kana sa crush mo saka ka naman niya papaasahin. Bwisit!

3 years. 3 years ko siyang crush. As in patay na patay ako sa kanya. Tapos ngayon niya lang ako papansinin? Hustisya men!

"Ilang beses ko bang sasabihin sayong Amarah ang itawag mo sakin!"

"Bakit ba? Amarah Louise naman pangalan mo ah"

Tama naman siya. Amarah Louise Saldua ang pangalan ko. At yung 'Lou' naman ay pinaikling 'Louise' lang.

Pero ayoko parin ng 'Lou'! Naaalala ko lang yung mga kalokohang ginawa ko nung grade 9 hanggang grade 11 ako.

'PauLou' kaya ang tawag ko dati sa loveteam namin. Oo na, ako na baduy. Eh sa crush na crush ko siya dati eh. Pero nakamove on nako ah. Ayoko lang talaga ng 'Lou'. Ano ako si 'LuHan'?

"Tsk. Panget mo" Sabi ko nalang saka kinuha yung bola sa tapat ko, ito yung bolang binato niya kanina sa ulo ko eh. Ngayon ulo mo naman Estrada!

"Araaaaay!"

Tumakbo na ako bago niya pa ako magantihan. Wala na akong oras makipag asaran sa kanya no. Aba late nako! Kung siya walang klase, ako meron. English pa! Ayoko pa naman sa English chuchu! Daming alam. Kaya nga dito ako nag-aaral sa Pilipinas dahil allergic ako sa English. Hay nako pag ako talaga hindi nakatiis, lilipat nako sa EXO Planet!

"Patay ka sakin Lou!" Rinig ko pang sigaw niya bago ako makaakyat sa second floor.

Habol ko pa ang hininga ko ng makarating ako sa tapat ng classroom namin. Kupow! Tahimik na. Paniguradong nandito na si Sir Kalbo. T_____T

Pikit mata kong binuksan ang pinto.

'Lord, kayo ng bahala sakin. Amen.'

$#U+@ñ&¡n@

Bat walang tao?

"Hahaha. Ang tanga mo talaga Lou" nagpintig ang tenga ko ng marinig ang boses niya. Parang dati lang, gustong gusto ko marinig ang boses niya. Ngayon pakiramdam ko dudugo na ang tenga ko pag narinig ko pa ang boses niya! Sino siya?

"Mas tanga ka Paulo Estrada"

Bwisit. Wala na ba talaga siyang ibang alam gawin kundi sirain ang araw ko?

"Pfft. Ang panget mo lalo pag nakakunot ang noo mo" inirapan ko lang siya saka nilagpasan.

Pupunta nalang akong faculty para itanong kay Ma'am Jen (adviser namin) kung saang planeta dinala ni Sir Kalbo ang classmates ko. Baka pumunta na silang EXO Planet. Aba, hindi ako papayag magpaiwan kasama tong Paulo na to no! Mas gugustuhin ko pang tumira sa posporo kesa makasama ang lalaking--

"San ka pupunta? Nasa AVR ang lahat ng grade 12" agad kong inalis ang kamay niya sa kaliwang balikat ko.

Kung dati niya pa sana niya to ginawa baka mamatay na'ko sa kilig, pero ngayon? Ngayon na hindi ko na siya crush, Yuck! >_____<

"Bakit ba ang sungit mo sakin? Lalo ka tuloy pumapanget" sabi niya saka ulit ako inakbayan. Aalisin ko na sana ulit ang kamay niya ng--

O_____O

≧﹏﹏≦

Baliw talaga to! Bakit niya ba ko niyayakap?

"Pag tinanggal mo pa ang kamay ko sayo, yayakapin ulit kita" kunot-noo ko lang siyang tiningnan at walang habas na tinanggal ang kamay niya. Yuck~ germs--

≧﹏﹏﹏≦

Putek! Niyakap nga ulit ako ni tanga! Bwisit na lalaki to! Kinikilig na ako! Pero hindi ko na siya crush ha. Kinikilig lang ako.

"Diba sabi ko sayo, wag mong tatanggalin ang kamay ko?" Bulong niya habang nakayakap parin. Gusto ko siyang itulak palayo pero ayaw sumunod ng katawan ko.

'Ano ba body? Uso gumalaw'

"Fine. Hindi na kita aakbayan" sabi niya saka kumalas sa pagkakayakap at tiningnan ako sa mata. "Just don't let go of my hand"

"Hold me tight, ok?" Ngayon ko lang napansing magka-intertwined na pala ang mga kamay namin. Hokage to ah! Bakit kasi hindi niya ako hinohokage nung mga panahong crush ko pa siya eh? Wala na tuloy spark. Joke! Wala naman talaga kaming spark.

Mag-iisang buwan na din pala niya tong ginagawa sakin. Simula ng magpasukan ngayong year palagi niya na akong tsinatyansingan pero madalas inaasar. Ewan ko ba dito sa Paulo na to, napaka-bipolar.

"Kyaaaaah! Si kuya Paulo na pala saka si ate Amarah!"

"Omo! Bagay talaga sila"

"Sabi ko na nga ba sila magkakatuluyan eh"

"May forever talaga ngayong 21"

"Oo. Magbe-break naman sila sa 23"

"Bakit sila magbe-bake?"

"Bobo. Magbe-break, hindi magbe-bake"

"Baek? Kyaaaaah! Baekhyun (^∇^)"

"Bakit ang tatanga niyo?!"

"Kyaaaaah~ ang cute ni kuya Paulo at ate Amarah!"

Ingay. -_____-

Pati pala sa real life may ganitong situation no? Kala ko sa wattpad lang to nangyayari eh. Yung tipong dadaan kayo tapos kung makapag-kwentuhan yung mga tao sa gilid parang wala kayo.

Ito namang kasama ko, ngiting aso nanaman. If I know kinikilig lang siya kasi HHWW kami. Joke! Ikaw Amarah ha. Uma-assuming goals ka.

"Why are you late?"

Hindi Na Kita Crush! [ON HOLD😿💔]Where stories live. Discover now