Chapter 51: Clash

Magsimula sa umpisa
                                    

I'm not resisting. I just went with the flow nang hindi ko alam. Kusa nalang gumalaw ang katawan ko.

"Why are you doing this Kiyan?" tanong ko at lumayo ng konti sa kanya.

Bigla nalang syang napahawak sa noo nya at mukhang ngayon nya lang narealize ang kanyang ginawa.

"I-I'm sorry." he apologized.

Di ko alam pero masaya ako. Parang gusto kong tumakbo papalapit sa kanya at yakapin sya. Pero hindi pwede dahil pareho lang kaming masasaktan. Nalilito na ako sa nararamdaman ko.

Is it because nakita ko sina Paxton at Alysia kanina na nagyayakapan?

Or dahil ba opposite ko sya kaya ganito mag react ang katawan ko kapag nandyan sya?

Or is this already my personal feelings towards him?

"I screwed up." he sighed in defeat.

Kumunot naman ang noo ko. Anong sinasabi nya?

Muli nya akong tinignan at laking gulat ko nang bigla syang ngumiti. Oo, si Kiyan Hayashi ngumiti na naman. Ngumiti na naman sya habang kasama ako.

"Di ko na naman napigilan ang sarili ko. Nahalikan na naman kita." sabi nya at bigla syang ngumisi.

Di ako sanay na nagtatagalog sya at mas lalong di ako sanay na makita syang nakangiti o nakangisi manlang. But this is the real him, isn't it?

My face heated up at di ako makatingin ng diretso sa kanya. What we did was crazy.

"Nakakarami ka na ah." utas ko.

He chuckled silently. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Man, that voice. I could listen to it forever.

"Ihhhhh!"

"Ssshhh!"

Pareho kaming napatingin sa mataas na halaman dito sa garden sa likod ng dorm nang may biglang tumili.

Nanlaki ang mata ko only to find out na lahat pala ng Alpha ay nakatingin sa 'min at nakangiti. Pero ang nakakapagtaka ay lahat ng kamay nila nasa bibig ni Trevor.

"Ang ingay mo talagang bakla ka! Nabisto tuloy tayo!" sabi ni Ezra at hinampas sya.

"Ang hirap kaya magpigil ng kilig!" sambit ni Trevor.

"Tsk. Kahit na, ako parin ang nakauna kay Master." bulong ni Alzena dahilan upang mapatingin kaming lahat sa kanya na nanlalaki ang mata.

"Duhh. Familiar nya kaya ako. Pano namin masi-seal ang contract pag di ko sya hinalikan aber?" she flipped her hair sabay irap sa 'kin.

"Ang daya. Huhu master ang daya mo. Crush ko pa naman si Shea." iyak na sabi ni Ice.

"It's alright bro. I feel you." Fire comforted his twin.

Di nagsalita sina Vishna at Alison. Pareho silang nakaiwas ng tingin sa amin at di nagsasalita.

This is embarassing.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon