At habang nagkakatuwaan sila at nag iinuman, naisip ko, bakit nga ba andito ako at tinitiis ang kalandian ng pinsan ko?Bakit nga ba pumayag akong pumunta dito, kahit alam kong di ako nag eenjoy?  Hindi naman ako insecure sa kanya at mas lalong di ako uto uto.

Then I answered my own question. Dahil gusto kong ipamukha kay Marianne na hindi lahat ng lalaki ay pwede niyang tuksuhin at agawin. Kaya inis na inis ako kay Jayson nung nakipaglandian siya kay Marianne. Hindi dahil sa nagseselos ako kundi dahil sa ayaw ko nang maulit ang nangyari bago pa dumating si Emerson sa buhay ko. Yes. Inagaw niya sa akin ang boyfriend ko since college. Apat na taon kami nung lalaking yun. Pero itong si Marianne, walang pakundangan. Nilalandi niya ang ex-bf ko  in front of me. At hindi ako makareklamo kasi ayaw kong mapagsabihang insecure at walang tiwala sa sariling boyfriend.  At yun ang pagkakamali ko. Dapat pala dati pa lang sinabi ko na kung gaano kalandi itong si Marianne. Hindi na pala ako dapat nagpigil pa. Ang nangyari tuloy, yung apat na taon na iniukol ko sa lalaking yun ay nawala lahat dahil nakita ko na lang silang naghahalikan sa parking ng mall. At hindi lang basta halikan, Kulang na lang kainin nila ang mukha ng isa’t isa. Kaya ayun, I break up with they guy. Naging sila ni Marianne and after a month, they broke up too. Wala na akogn pakialam kung ano ang naging issue nila ng ex ko. Ang gusto ko lang ay mapatunayan kay Marianne na nakamove on na ako at hindi ganun ka lethal ang kalandian niya. Kaya kung kailangang itali ko itong si Jayson sa akin, gagawin ko.

“Seriously? You stalked him when you were still in high school Hannah?” Napatingin ako kay Marianne na nasa gilid ko. Then I looked at Jayson  na nakangiti. Apparently, kinukwento na pala niya kung paano kami nagkakilala.

“Yes I did. He is a heartrobe way back in high school. Kaliwa’t kanan ang gf niyan. Everyone had a crush on him and definitely, I am not immune to his charms pero siya mukhang hindi ako napapansin kaya I resorted into stalking him.” Nakatingin ako kay Jayson habang sinasabi ko yun at nakita ko siyang ngumiti.

“I never thought that you have the guts of doing that Hannah. I mean, hindi ko kayang mang stalk ng guy just for the sake of being noticed.That was just…cheap.” Tapos tumawa siya ng pagak. Umismid ako.

“Compared to stealing one’s boyfriend? Stalking is still considered tame.” Napanganga naman si Marianne dahil sa sinabi ko. Ohhh.. maybe, hindi niya inakalang sasabihin ko sa harap ng mga kaibigan niya ang mga bagay na iyon. Hindi ata niya napansin na hindi na ako katulad  ng dati na hinahayaan lang siya. 

At obvious na obvious na nagulat siya sa sinabi ko kaya iniba niya ang usapan. Tapos nagkayayaan na mag night swimming. Yung iba naiwan sa bonfire, yung iba, naligo na sa dagat. Niyaya ako ni jayson na maligo pero dahil hindi ako prepared nagpaalam muna ako na magbibihis.  Pagkabihis ko, bumaba na agad ako at baka kung ano na ang ginagawa ni Marianne sa kay Jayson. Pero bago ako pumunta ng dagat dumaan muna ako sa shower.

“Is it true that you stole your cousin’s boyfriend Marianne?” Napatigil ako sa pagpasok sa shower room nung marinig ko ang boses ng mga kaibigan ni Marianne.

“Well, it was not my fault. It is her fault.” Mayabang na sabi nito. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. At ako pa ang may kasalanan? Ang kapal ng  mukha ha!

“You are a bitch! And you invited her here with her fiance. What are you planning to do?” Narinig ko ang hagikgik ni Marianne.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon