Binuksan ko ang cp ko at naglaro ng Candy Crush. Naaliw ako kakalaro . Pindot dito, pindot doon hanggang sa di ko namalayang tumatawag si Jeff at napindot ko ang answer button. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Patay! Nagpanic ang lamang loob ko. Hindi ko alam kung papatayin ko ba ang call o kakausapin ko siya -_-


"Oh? Ano kailangan mo" cold kung pambungad sa kanya.

"Can we talk?" Tanong ni Jeff sa kabilan linya.

"No. Nagrereview ako now. Bye" bago ko pa maend ang call ay narinig ko siyang nagsalita.

"Wait Mia! Please. Lets talk later after your review.. Pleasee" pagmamakaawa niya. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"No, May pupuntahan ako. Please. Give me space muna. Bye" mahina kong sabi sa kanya sabay end ng call.

Hooo. Sorry Jeff, but Alex was right. I need to have time for myself. I need space for the meantime. I took a deep breathe at ramdam ko na naman ang pagvibrate ng cp ko. Tumatawag na naman si Jeff. Hindi ko na ito sinagot pa. Hanggang sa paulit ulit siyang tumatawag. I try my best na iignore siya hanggang sa tumigil ang pagvibrate at after several minutes ay hindi na ulit siya nakatawag. Nakahinga ako ng maluwag.


I thought sumuko na siya pero nagvibrate ulit ang phone ko. This time, agad ko itong sinagot.


"I said I NEED SPACE! PLEASE JEFF, INTINDIHIN MO MUNA AKO" inis kong sabi sa kabilang linya.


"Easy dear. Hindi ako si Jeff" sabi ng boses sa kabilang linya na ikinalaki ng mata ko. What the! Tiningnan ko ang name ng caller pero unregistered number.


"Who are you? And sorry for yelling at you. Akala ko kasi ikaw yong kilala ko" apologetic kong sabi. Shems! Nakakahiya.

"It's me. Colt" sabi ng lalaki sa kabilang linya. Nagpang.abot ang kilay ko sa pagkalito

"Where did you get my number?" Mariin kong tanong sa kanya. Bwisit naman oh! Bigla akong napabusangot.

"San paba? Edi sa cp mo. And by the way. Don't pout. You look beautiful when you smile" sabi niya na ikinagulat ko. How did he know na I'm pouting? Agad akong napatingin sa paligid ko at laking gulat ko nang makita ko si Colt sa pinto ng room na kinaroroonan ko at ang hayop ay nakangisi pa sabay wagayway ng kamay niya na hawak hawak ang cp.

Inirapan ko lang siya at pinatay ko na ang call at napatingin sa kabilang side which is ang window. Bakit kaya nandito ang lalaking ito? Stalker ko ba siya? Hmmmm.

"Goodmorning future teachers. Sorry I'm late" napaupo ako ng maayos nang magsalita ang instructor namin. Napatingin ako sa pinto at wala na roon si Colt. Napanatag naman ang loob ko .

After ng prayer ay nagsimula na ang instructor sa pagrereview sa amin. The whole time ay nakinig ako ng mabuti. Nagfocus ako sa prof na nass gitna at nag jotdown notes din ako sa mga important details na magagamit ko.

Hanggang sa natapos ang 3 hrs session namin sa pagrereview. Nag.ayos na ako ng gamit at tumayo.

"Where to go? Do you have plans?" Napalundag ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ng tenga ko. Nanindig bigla ang lahat ng buhok ko sa katawan. At nakita ko si Colt sa likuran ko. Nakangisi na naman ang loko!


"A.anong ginagawa mo rito? Ba't ba bigla ka nalang sumusulpot? Stalker ba kita?" Inis kong sabi sa kanya

"Me? Stalker? Mo? Ha ha. Bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng magreview rito?" Pang.iinis niyang sagot.

"As far as I know, review ito for incoming LET. Short for Licensure Examination for Teachers . Don't tell me, educ student ka?" Maang kong tanong sa kanya. Nakita ko siyang nagsmirk at lumapit sa akin na ikinaatras ko naman.

"Yes. I'm Colt. Fresh graduate with a course of BSEd major in Mathematics" pagmamayabang niyang sagot na ikinagulat ko.

"Ok. Whatever. sige, alis na ako" walang ganang sabi ko sa kanya.

Agad akong tumalikod at napasigaw ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko sabay tumakbo ng mabilis. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Get in" utos niya sa akin after niyang buksan ang pinto ng kotse niya. Tiningnan ko lang siya ng masama

"At bakit naman ako sasakay diyan aber? At saan mo ako dadalhin?" Tanong ko at umatras ng bahagya palayo sa kotse niya.


"Bayad sa pagtulong ko sayo noon. Samahan mo ako sa mall. " sagot niya at pilit akong ipinasok sa loob ng kotse niya.
Aish! Okay, sasamahan ko siya just this once para quits na kami.

Mukhang hindi naman siya masamng tao at mukhang wala naman siyang gagawing masama sa akin kaya gora nalang ako. Way na rin ito para kahit saglit ay mawala sa isip ko si Jeff.

-------

A/N: Hello! Sorry for the late UD dahil pasukan na kasi ulit. Medyo naging busy. At sorry sorry kung bitin. Next chapter yong continuation nito :)

Enjoy~ 😘😘

-Takame_xox-

HIS STRIPPER (COMPLETED)Where stories live. Discover now