Operation: 'MJ' (21 to end)

Depuis le début
                                        

Muling sumulyap si Kardo sa kanyang relo. “Kailangan na nga akong umalis. Dumating sana ako doon ng mas maaga kaysa pag-alis ng barko.”

“Kumain ka muna.” Anang asawa ni Kardo. “Mabuti na ang may laman ang tiyan.”

“Sige, maghain ka habang ako’y nagbibihis.”

Matapos kumain ay lumakad si Kardo. Sakay ng jeep ay tinahak ang highway paluwas ng Maynila. Sa kanyang kalkula ay darating siya ng bandang alas dos ng hapon. Tamang-tama sa usapan nila noong Bombay na kanyang suki.

Ito ang araw na itinakda para hatulan si Alipio sa inamin niyang kasalanan sa husgado. 

Marami ng tao sa loob at labas ng korteng hahatol. Naroon na rin ang van ng mga pulis na sinakyan ni Alipio at ng tatlo niyang bantay. Hinihintay nila ang pagdating ng huwes at pagtawag sa kanila.

Nang dumating ang tawag ay inihatid ng tatlong bantay si Alipio sa loob ng korte. Nasa kaliwa’t kanan ni Alipio ang dalawang bantay. Ang ikatlo ay siyang nagbubukas at nagsasara ng bawat pintong kanilang pasukan hanggang marating ang sala ng huwes na hahatol.

Sa loob ng husgado, matapos ibigay si Alipio sa kanyang abugado, ang tatlong pulis ay nagsitayo sa di kalayuan sa kanilang binabantayan. Nang nasa lugar na ang lahat ay saka lamang tumayo ang iskribyente.

“People of the Philippines versus Alipio Coronel,” anang iskribyente, “for murder and frustrated murder. Respondent plead guity on these charges last court session. The court scheduled the verdict to be read today.” At saka ito naupo.

“Before I read the verdict,” anang hukom, “is there any thing the prosecution wants to say?” At tinapunan nito ng tingin ang piskal na nakaupo sa dakong kaliwa niya.

“None, your honor.” Maliwanag na sagot ng piskal.

“What about you, Mr. Dependant?”

Tumayo ang manananggol ni Alipio. “Your honor,” simula niya, “as my client admitted guilt on the charges, I am hoping that the court have considered this in reaching it’s decision.”

“Yes we have!” Anang Hukom. “If there is no more comment, the clerk may now read the decision of the court.”

Tumayo ang clerk of court.

Samantalang nagaganap ang mga bagay na iyon sa loob ng husgado, sa ibaba naman, kung saan naroon ang van na naghatid at sasakyan pabalik ni Alipio, ay may dalawang lalaki na mula sa City Hall na lumapit sa sasakyan. Dahil sa may nakitang ID ng pulis na nakakwintas sa dalawa, ay nakangiti pang sumalubong ang tsuper ng van.

Laking gulat ng tsuper nang bigla siyang tutukan ng isa sa dalawa at iutos na pumasok siya sa van. Sa loob ay hinubaran siya at isinuot ng isa ang kanyang damit. Pagkatapos noon ay naramdaman na lamang niya ang malakas na palo sa kanyang ulo.

Nang mawalan ng malay ang tsuper ay hinila ng dalawa sa malapit sa pader ng gusali at tinakpan iyon ng mga dahong nakakalat. Bumalik sila sa van. Ang isa ay pumasok sa likuran ng van at ang isang nagsuot sa damit ng tsuper ay nagpaiwan sa labas.

Binasa ng clerk of court ang hatol. “The dependant, for admitting the guilt for murder and frustrated murder as charged, is hereby sentenced to life inprisonment with hard labor and to indemnify the heir the amount of P100,000.00 for each victim.”

Matapos marinig ang hatol ay inihanda na si Alipio para ibalik sa kulungan. Sa kabila ng hatol na tinanggap ay walang nakitang pagbabago sa kanyang anyo. Kinamayan nito ang kanyang abugado at nakangiting nagpasalamat. Tumalikod ito at walang tutol na sumunod sa naunang bantay.

Nang sumapit sila sa van ay sumakay ang tsuper sa unahan. Ang tatlong bantay naman, kasama si Alipio ay nagtungo sa likuran ng sasakyan. Tumayo sila sa tapat ng pinto. Nang buksan iyon ay nagulat ang tatlong pulis na nagbabantay kay Alipio. Sa harap nila ay nakatutok ang baril ng isang di kilalang lalaki.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Mar 18, 2014 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Operation:  'MJ'  ni Virgilio AlvarezOù les histoires vivent. Découvrez maintenant