Operation: 'MJ' (21 to end)

32 0 0
                                        

21

Naroon na ang kanyang mga kasama nang dumating si Ramir. Sinalubong siya ni Rey at nang makalapit sila sa bilog na mesang kinauupuan ng karamihan sa mga pulis sa kanilang dibisyon, ay sabay-sabay na nagsigawan ang mga iyon.

“Mabuhay ang ikakasal!”

Itinaas ni Ramir ang kanyang kamay at isinenyas na huwag silang maingay. “Huwag ninyong isigaw!” Wika niya at tumingin sa palibot. “Baka tuloy malaman ng lahat..,ay hindi na ako magkaroon ng pagkakataon sa ibang chicks.”

Nagkatawanan ang kanyang kasamahan.

“Ano kaya’t makarating iyan kay Maribeth,” wika ni Rey, “ano kaya ang kanyang sasabihin?”

“Anupa, eh di aakalain niyang lasing ako!” Sagot ni Ramir at saka tumawa.

“Bigyan siya ng maiinom,” ani Roland sa mga kasama, “para malasing nga siyang talaga.”

“Tama!” At inabutan ni Dante ng basong may lamang alak ang kanyang Tiyente.

Nang hawak na ni Ramir ang baso ay itinaas ni Rey ang sa kanya at saka sa malakas na tinig ay winika. “Mga kasama..., mag-toast tayo para sa nalalapit niyang kasal. Sana’y magdulot ito sa kanya ng ligaya at maraming mga anak!”

“Maraming mga anak..! Ulit ng ilan.

Tinungga nilang lahat ang laman ng kani-kanilang baso. Si Ramir lamang ang tanging nag-iwan ng may kalahati sa kanyang baso.

“Bakit hindi mo inubos?” Tanong ni Benji. “Ayaw mo bang magkaanak ng marami?”

Tumawa si Ramir. “Dalawa lang ang gusto ko. Baka kasi walang maitustos.”

Tawanan sila sa narinig. Nagpatuloy ang kanilang pagsasaya hanggang sa kalaliman ng gabi. Halos lasing ang lahat nang sila ay maghiwa-hiwalay.

Isang lalaki ang dumalaw sa kulungan ni Alipio. Mahigit kalahating oras din silang nag-usap. Ang kanilang paksa ay pawang tungkol sa nakaraang nakatutuwa. At sa dakong huli ng kanilang pagpupulong ay isang bagay ang kanilang nabuo.

“Tandaan mo,” bilin ni Alipio sa kanyang dalaw, “lagi mong kokontakin si Attorney, sa kanya mo malalaman kung kailan isasagawa ang hatol.”

“Huwag kang mag-alala,” paniniyak ng dalaw, “gagawin kong lahat ang bilin mo.”

“Aasahan ko.” Pagtatapos na wika ni Alipio sabay tayo at kinamayan ang panauhin. “Wala ka sanang malimutan.” Dugtong nito habang hawak ang kamay ng kausap.

Ngumiti lamang at tumango ang lalaki bago tumalikod. Inihatid ni Alipio ito ng tingin hanggang sa makalabas ng pinto bago lumakad pabalik sa kanyang selda.

Pumasok siya sa kanyang kulungan at naupo sa kamang bakal. Masaya siya na tila ba walang problema. Ang pagdalaw na iyon ang matagal na niyang hinihintay. Ang akala nga niya ay nalimutan na siya ng dating mga kasama. Ang pagdating ng lalaki ang naging patotoo na siya ay ibinibilang pa rin ng dating kasamahan na isa sa kanila.

Isang bagay lamang ang gumugulo sa kanyang isipan. Paano kaya kung malaman ng kaibigang siya ang pumatay kay Antonio at Nomer? Gawin pa kaya niya ang kanilang napag-usapan? Kilala niya ang kaibigan, galit ito sa sino mang dumadaldal mailigtas lamang ang sarili. Siguro’y dapat na maipagtapat niya ang namag-itan sa kanila ni Antonio at Nomer na naging dahilan kung bakit niya inutas ang dalawa. Oo, ‘yon marahil, ang dapat niyang gawin.

Si Ramir ang nangasiwa sa lahat ng kakailanganin sa kanilang kasal, tulad ng marriage application at pag-imprenta ng imbitasyon. Nang matapos niya iyon ay magkasama silang nagtungo sa mga simbahang kanilang napili.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Operation:  'MJ'  ni Virgilio AlvarezWhere stories live. Discover now