Tiningnan ko siya sa mata. Nakita kong dalawa pang babae ang tumayo at lumapit sa amin. What's the big deal? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang pagka-OA ng mga estudyante dito sa mga pangalang Ark, Jiro, Zirk, at lalong-lalo na ang pangalang Jave Santillan.

"Bakit? Anong problema?" tanong ko.

"You dare mention their names when you're just a mere freshman? Lakas ng loob!"

"Absent ka yata kahapon, Agatha." singit ng isa pang estudyanteng maganda rin at mamahalin ang porma mula ulo hanggang paa. "Hindi mo ba siya kilala? She's the famous bad boy's princess, natural pwede niyang banggitin ang pangalan ng mga close friends niya.."

Shock ang nakita ko sa mukha ni Agatha.

"Hello, Sofia, my name is Elle." Nakipagkamay pa sa akin ang bagong dating na babae. Kahit ramdam ko ang kaplastikan niya, go lang. Kaysa naman magkaroon pa ng gulo.

"Pwede kang maupo sa tabi namin sa first row kung gusto mo.." sabi nitong parang karangalan ang tumabi sa grupo nila sa first row.

"Thank you Elle, pero ok na ako dito."

Tumango ito, halatang nalukot ang mukha. Sorry, hindi ako sanay makipagplastikan. Humagikhik si Kayla nang iwanan kami ng dalawa.

"Buti hindi ka pumayag."

"Ayoko sa first row." sagot ko sa kanya. "Ang totoo, ayoko sa kanila, amoy na amoy ko ang kaplastikan Kayla..." bulong ko sa tainga niya.

"Tama. Gusto ka lang nilang gamitin para mapalapit sila sa mga rexes. Marami pang mga ganyang estudyanteng darating, mag-iingat ka sa kanila, karamihan sa mga estudyante dito traydor.."

Napailing nalang ako. Binalik ko ang atensyon sa laptop, maghahanap ako ng org na pwedeng salihan. Hanggang sa nakita ko ang mukha ni Jiro sa Advance Science and Technology section, siya yata ang head doon, nalungkot ako kasi hindi ako masyadong matalino sa Science. Gusto ko pa man ding makasama si Jiro. Si Ark nalang, saan kaya siya dito?

Nakita ko siya sa kabilang section ng website. Rock and Music Club kung saan isa siya sa mga sikat na vocalists ng school. Sabagay, magaling kumanta si Ark nararapat lamang siya sa club na yun. Natutuwa ako dahil ang gwapo niya sa mga pictures niya habang kumakanta. Lakas maka KPop ni Ark ah.

Hmmm. Pangatlo kong nakita si Zirk Alcantara. Isa sa mga rexes ng school, dominate niya buong sports section, halos mukha niya lahat ang nakabalandra doon, hindi ko rin naman sila masisisi. Zirk was such a charmer in hardcourt, napanood ko na siyang maglaro.

Napabuntong hininga ako. Lahat ng mga kakilala ko may club na, at ang masama hindi ako pwede sa club nila. Teka, wala yata si Paniki, ano kayang sinalihan nun? Bullying Club siguro, specialty niya yun eh.

"Ikaw Kayla, anong org mo?"

"Sumali ako sa drama and dance club. Gusto mo doon ka na rin, masaya doon, medyo may mga maldita ka nga lang na makakasama pero kasama mo naman ako, at least dalawa tayo."

Tumango tango ako. Haay. Drama? Dance? Hindi ko nga alam kung may talent ba akong ganun, ang alam ko kasi parehong kaliwa ang paa ko. Pero kung hihiwalay naman ako kay Kayla,saan naman ako sasali? Siguro pansamantala habang wala pa akong maisip na salihan, sasama na muna ako kay Kayla.

"Sige, sama nalang ako sayo." sagot ko kay Kayla.

"Talaga?? Sige, may audition mamayang 4pm sa theater pumunta tayo!"

Shocks. May audition? Namroblema tuloy ako, parang gusto kong bawiin pero nakakahiya naman kay Kayla mukhang excited na siya ng sobra.





Buong maghapon kaming hindi nagkita ni Jave, hindi niya man lang ako binisita sa classroom ko, nakakainis talaga ang Paniking iyon. Kasama ko na si Kayla ngayon sa malaking theater house ng Westside. Nakapila ang mga gustong sumali sa club. Pang labin apat si Kayla, pang labin lima naman ako. Habang nauupos ang linya mas lalong tumataas ang kaba ko. Ang lahat ng mga nauna sa amin ay magagaling.

May limang panel of judges. Tatlong professor at dalawang senior students, nakakakaba dahil sila ang magdedecide kung anong klaseng presentation ang gagawin sa malaking entablado. Kung konti lang ang tao, ok lang sana, pero marami-rami ang audience, kapag pumalpak ako mapapahiya ako ng sobra.

Gusto ko na talagang magback out.

Lahat ng sumalang sa stage nakapasa, walang itulak kabigin sa mga talent nila. Bukod pa doon ang gaganda nila talo pa nila ang ilan sa mga local artist ng Pilipinas. Nang tawagin na ang pangalan ni Kayla, nangatog ang tuhod ko, ang dibdib ko parang sasabog na. Hindi ko na kaya, magbaback out nalang talaga ako, magpapaliwanag nalang siguro ako kay Kayla, maiintindihan naman niya siguro.

Pero nang hahakbang na ako paalis ng pila, nagkagulo ang mga studyante, nagtakbuhan papunta sa pinto para salubungin ang celebrity rex nila, si Zirk at ang barkada nito. Anong ginagawa niya sa drama and dance club audition??

Mas lalo akong hindi napakali nang lapitan niya ako. "I didn' know you're into drama and dance pala?"

"Trial lang naman ito, sinamahan ko lang talaga si Kayla. Alam ko hindi ako makakapasa. Ikaw, anong ginagawa mo dito? Nagdala ka pa ng mga fans mo, mas marami pa tuloy ang tao."

Tinawanan niya lang ang pagsusungit ko. "Nabalitaan kong sasali ka kaya sasali na rin ako."

"May club ka na."

"Bakit, sinong may sabing hindi pwedeng dalawa club ko?"

Umikot ang mata ko. "Bahala ka."

"Ms. Sofia Althea Perez"

Narinig kong tawag ng isang Professor. Kabado akong umakyat ng stage, anong gagawin ko? Halos hindi na ako makahinga sa kaba, tapos biglang isa pang batch ng mga studyante ang dumating, naantala ang performance ko dahil muling nagkagulo.

Kaya naman pala, dalawa pang mayayabang sa school ang dumating. Sina Ark at Jiro. Naupo ang dalawa sa front seat. Nakatawa sa akin si Jiro, samantalang nakakindat naman si Ark. Nang tumingin ako sa kabilang dako naroon naman si Zirk na nakangisi sa akin.

Mga leche 'tong mga 'to naghakot talaga ng maraming tao.

Nang makuha ko ang papel na nagsasaad ng performance na gagawin ko, may naalala ako. Wala bang balak si Jave na puntahan ako? Hindi ba niya nabalitaan kina Ark at Jiro na may audition ako ngayon? Haayy, nakakaasar talaga siya.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now