5th Letter

3.1K 74 0
                                    

Dear Mom,

Umuwi pa rin ako kahit pinagbawalan ako ng mga Doctor at nanghihina pa ako. Para lang makita ka, baka kasi mag-alala ka dahil hindi pa din ako umuuwi hanggang ngayon, lalo na't maaga lang ang ang uwi mo dahil biyernes. Sana hindi mo mapansin yung pangangayayat ko pati ang pamumutla ako. Kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kapag naitanong mo iyon. Baka madulas lang ako at masabi ko ang totoo.

Napapansin ko lang Mommy, sa bawat araw na lumilipas mas lalo kang lumalayo at mas hinahabaan mo ang oras mo sa pagta-trabaho kaysa sa akin.

Ayaw mo na ba akong makita mom?

                                             -Arianna

The Daughter's Letter (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon