Said I Love You, But I Lied - Chapter 23

Mulai dari awal
                                    

Bakit nya ginawa yon?

Ganon ba sila kaclose?

At kaanu-ano nya ang babaeng yon?

May naramdaman akong sumipa sa dibdib ko. Shit! Nagseselos ba ako? Wala naman akong dapat ipagselos di ba? Dahil wala namang kami eh. Wala talaga.

Kahit anong tanggi ko, andon pa rin yong sakit na bigla kong naramdaman sa dibdib ko. Ganon na ganon rin ang naramdaman ko ng makita ko silang naghahalikan ni Ivy noon sa labas ng opisina nya. Nasasaktan na naman ako kahit ayoko. Apektado pa rin ako. Bakit ganito?

Bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko, agad akong naglakad papunta sa rest room. Nasulyapan ko pa si Dennis na tumingin sa akin, at may nakita akong lungkot sa kanyang mga mata. Lungkot nga ba?

Imahinasyon mo lang ‘yon. Hindi ikaw ang ipinunta nya dito. Hindi ikaw ang tinawag nyang Baby. Huwang kang assuming. Huwag kang umasa. Kaya ka nasasaktan eh. Sabi na naman ng makulit na tinig sa loob ng ulo ko.

Pagdating sa loob ng rest room, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Umiyak ako ng umiyak. Buti na lang walang tao sa loob ng mga oras na yon, kaya malaya kong nailabas lahat ng sakit sa dibdib ko.

Akala ko naubos ng lahat ang luha ko. Akala ko hindi na ko masasaktan. Akala ko hindi na ako maapektuhan. Akala ko lang pala. Akala lang pala.

Kaya heto ako ngayon at parang tanga na umaatungal na parang baboy. Nakakahiya. Tinalo ko pa ang babaeng nahuli sa akto ang boyfriend nyang nambababae. Mas malala pa nga ata ako.

Ano bang meron sa kanya at nagagawa nya ang ganito sa akin? Kaya nya akong saktan ng walang kaeffort-effort. Hindi tulad ko na kailangan pang may contract para lang makaganti sa kanya.

Saglit akong natigilan ng maalala ko ang tungkol sa contract. Hindi dapat ako umiiyak ngayon. Hindi dapat ako nasasaktan ngayon. Dapat sya ang nasa katayuan ko. Dapat sya ang umiiyak. Dapat sya ang nasasaktan.

Nanatili pa ako ng ilang minuto sa loob ng rest room, at ng masiguro kong okey na ako at wala ng bakas ng aking kagagahan, lumabas na ko ng rest room. Chin up kung chin up. Tama na ang kaiiyak. Nakakahaggard.

Nadatnan kung nagtatawanan ang mga kasama ko. Bigla silang natahimik.

“O bakit?” deadma kong tanong saka naupo. Lahat sila nakatingin sa akin. Lalo na si Jaypee wagas kung makatitig.

“Saan ka galing?” maarteng tanong ni Mikki.

“Sa rest room. Gusto nyong malaman kung ano ang ginawa ko don?” tudyo ko sa kanila. Nakaplaster na ang pang-asar na ngiti sa aking mga labi.

“Yuck!” –Khaye

 “Kadiri ka!” –Mikki

“Ang aarte nyo ha. Bakit kayo ba hindi nyo ginagawa yon?”

“Yuck Toni. Kadiri ka. Tumigil ka nga. Nasa public place kaya tayo.”

“Yuck Toni. Kadiri ka. Tumigil ka nga. Nasa public place kaya tayo.” Inulit ko lang ang sinabi ni Khaye. Ginaya ko rin ang maarte nyang pagsasalita. Doon na kami nagtawanan. Biglang nawala ang tensyon sa paligid. Bumalik na kami sa dati. Ako pa. Magaling kaya ako magdala. Pwede nga kong mag-artista ayaw ko lang eh.

Nang magkasawaan sa kwentuhan, nag-aya si Mikki na manood ng movie. Si Jaypee naman bumalik na sa opisina. Umalis kami ng coffee shop na hindi ko man lang nilingon si Dennis saka ang babaeng kasama nya.

Hindi na ako papadala sa anumang emosyon. Tama na ang kaartehan. Totoong buhay ito. Tanga ka kung gugustuhin mong paulit-ulit na nasasaktan. At ayokong maging tanga.

Naenjoy namin ang palabas. Tawa kami ng tawa kahit hindi nakakatawa ang eksena. Napapatingin nga sa akin ang ibang tao sa loob ng sinehan. Siguro iniisip nila mga baliw kami. Wala eh, ganyan kami mantrip.

Hanggang makalabas kami ng sinehan, walang nag-usisa sa dalawa kong kasama kung anu ang ginawa ko sa loob ng rest room.

‘Yung eksena kanina paglabas ko ng rest room alam kong sinadya rin nila yon para mawala ng tuluyan ang tensyon sa paligid. Alam kong iniisip din nila na baka makahalata si Jaypee. At nagtagumpay namin kami. Di na muli pang nag-usisa si Jaypee. Para ngang hindi namin nakita si Dennis doon.

‘’Daan muna tayong bookstore. May bibilhin lang akong libro.’’

“Daan muna tayo sa bakeshop. Nakalimutan kong magtake-out ng cake.”

Huminto  ako sa paglalakad at tumingin sa dalawang kasama ko. Talagang sabay pa silang nagsalita? Pero bakit ganyan ang mga hitsura nila? Parang may gusto silang taguan na ewan. Basang-basa ko na ang ugali ng magpinsan.

Tumingin ako sa escalator kung saan kami dadaan upang bumaba sa second floor ng mall. Andon si Dennis saka yong babaeng kasama nya kanina sa coffee shop. Paakyat naman sila.  Kaya naman pala gusto akong iligaw ng dalawang ito. Makakasalubong namin sila.

“Let’s go.”Nagpatiuna na ako sa paglakad pauna, pero pinigilan ako ni Mikki sa braso.

“Anton.” Nasa boses nya ang concern. Muli kong tiningnan si Dennis saka ang babaeng kasama nya. Hindi pa nila kami napapansin dahil busy sila sa pagtatawanan. Nakaakbay  si Dennis sa babae, at yong babae naman tuwang-tuwa sa kung anong sinasabi ni Dennis.

Andon pa rin yong sakit. Eh ano naman? Ikakamatay ko ba ito?

“Tara na. Magdidilim na.” Aya ko sa dalawa pero hindi man lang sila natinag. Hawak pa rin ni Mikki ang kanang braso ko.  At ilang sandali lang naramdaman kong humawak si Khaye sa kaliwang braso ko. Ano ito, tag of war? ‘Yung totoo maglalaro ba kami?

“Anton.” Mahinang sambit ni Khaye.

Hindi ko sya pinansin. Naglakad pa rin ako kahit nakahawak ang magpinsan sa magkabilang braso ko. Mukha na kaming tanga. Pero mas magmumukha akong tanga kung iiwasan ko sila, dahil nakita na kami ni Dennis. At nakatingin na sya ngayon sa amin, o mas tamang sabihin na sa akin.

“Ano ba kayo. Kaya ko. Huwag nga kayong nega dyan. Kayo lang ang nagpapagulo eh.” Humarap ako sa kanila saka ngumiti. Yung pang beam na ngiti para maconvince ko sila na okey lang ako.

“Talaga?” naninigurado pa si Khaye. Tumango ako bilang sagot.

Kahit para na kaming mga tanga, hinding-hindi ko iiwan ang dalawang ito. Lalo na’t  alam kung hinding hindi rin nila ako iiwan sa sitwasyong alanganin tulad nito.

“Okey sabi mo eh.” Biglang may hinugot na panyo si Mikki sa bulsa ng pantalon nya at mabilis nyang itinakip sa mga mata ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na ako nakapagreact. Naramdaman kong hila hila na nila ako. “Maglalaro tayo.”

“Uy teka lang. Wala akong makita. Baka madapa ako.”

“Huwag kang mag-alala. Kami ang magsisilbing mga mata mo. At sisiguraduhin naming hindi ka mapapahamak. Hinding-hindi ka madadapa.”

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Khaye. Para sa akin may ibang ibig sabihin ang sinabi nya. Hindi na lang ako nagreact at sumunod sa kanila. Malaki ang tiwala ko sa kanila at alam kong tutuparin nila ‘yon.

Hindi ako mapapahamak.

Hindi ako madadapa.

Hindi ako masasaktan.

Lulan na kami ng escalator ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Boses ni Dennis. Pero hindi ako sigurado kung tinawag nya ba talaga ako, dahil puro boses na ni Mikki at Khaye ang naririnig ko.

May tiwala ako sa kanila.

Hindi ako mapapahamak.

Hindi ako madadapa.

Hindi ako masasaktan.

Said I Love You, But I LiedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang