Operation: 'MJ' (9 to 12)

Start from the beginning
                                        

“Dapat lang!” Sagot ni Alipio. “Gusto nilang tumakas, wala na silang tiwala sa atin, kaya kailangang iligpit na sila. Ganyan ang dapat gawin sa mga taong kumokontra sa aking kagustuhan.”

May takot na nahimik si Kardo. Naisip niya ang kanyang kalagayan. Pinasok niya ang trabaho sa ilalim ng pamamahala ni Alipio dahil sa pangangailangan ng kanyang asawa at dalawang anak. Ang ipinahiwatig sa kanya at sa ibang kasama ay ang pagbabantay lamang sa bahay na iyon bilang gwardya. Hindi niya alam na kasama pala sa gawain nila ang paglabag sa batas.

Napuna iyon ni Alipio kaya tumitig ito sa kausap at saka nagbadya. “Bakit?” Tanong nito, “nagdadalawang isip ka ba sa iyong nalaman?”

Umiling si Kardo dahil sa pangambang makasama siya sa gagawin sa dalawang naghuhukay. “Hindi po, wala akong iniisip na ganoon.., okay lang po sa akin kung ano ang inyong balak.”

“Tandaan mo,” bilang babala ay wika ni Alipio, “ang anumang makita mo dito ay mananatiling lihim. Kung hindi mo magagawa ay sabihin mo na hanggang maaga.”

“Masusunod po ang inyong kagustuhan.” Pangakong binitiwan ni Kardo.

“Mabuti kung ganoon.”

Makalipas ang may dalawang oras ay huminto sa kanilang ginagawa si Nomer at Antonio. Dahil doon ay tumayo si Alipio sa kanyang pagkakaupo at, kasama si Kardo, ay lumapit sa hinukay ng dalawa.

Tinanaw ni Alipio ang hukay. Nakangiti itong nagsalita. “Maayos ang inyong pagkakahukay,” puri niya sa dalawa, “dapat sigurong bigyan ko kayo ng pabuya sa inyong ginawa.”

Sa narinig na iyon ay nalagay sa isipan ni Kardo na ito na ang huling sandali sa buhay ng dalawa. Kaya inihanda niya ang sarili sa susunod na mangyayari.

“Pabuya!” Ulit na sabi ni Alipio. “Alam ko na,” dugtong nito, “pabibigyan ko kayo ng masarap na merienda. Ano ba ang gusto ninyo, malamig o’ mainit?”

Napatingin si Antonio kay Nomer. Larawan ng saya ang kanyang anyo. “Ikaw Nomer,” tanong niya sa kasama, “ano ang gusto mo?”

“Kahit ano, okay sa akin.”

“Dahil sa matinding pagod,” ani Antonio naman, “mas mainam sigurong malamig ang miriendahin natin.”

“Malamig kung malamig ang gusto ninyo.” Wika ni Alipio at niyaya sila sa loob ng bahay.

Nagulat si Kardo. Hindi niya mawari kung ano’t tila nagbago ang isipan ni Alipio. Natuwa siya dahil sa halip na matuloy ang inaasahan niyang pagpatay sa dalawa ay nabigyan pa ang mga ito ng malamig na mirienda.

Sa kusina ay inatasan ni Alipio si Kardo na ilabas ang ice cream mula sa freezer at kunin ang cinamon bread sa fridge. Ginawa niya iyon at inihain sa dalawa. Nagulat nga siya nang maupo rin si Alipio at tinawag siyang saluhan sila sa pagkain.

Matapos ang mirienda ay naupo pa silang apat at nagkwentuhan. Marahil ay mahigit ding isang oras sila sa kusina bago nagyaya si Alipiong bumalik sa labas.

“Pakidala ninyo ang basura diyan.” Wika niya kay Nomer at Antonio. “Gusto kong itapon ‘yon sa hukay.”

Maagap namang tumalima ang dalawa. Bitbit ang basurahan ay sumunod sila kay Alipio na nakikipag-usap kay Kardo.

Pagsapit sa hukay at habang ibinubuhos ng dalawa ang lamang basura ng waste bin sa hukay ay ikinakabit naman ni Alipio ang silencer sa kanyang baril. Nanlaki ang mga mata ng dalawa nang itaas nila ang mga mata at makita ang ginagawang paglalagay ng silencer.

“Ano ang ginagawa mo?” Nakadilat ang mga matang usisa ni Nomer.

Hindi sumagot si Alipio. Kinalabit niya ang gatilyo ng hawak na baril at kasunod noon ay umiktad si Antonio. Napaatras si Nomer, pero isang hakbang lamang dahil nang muling kalabitin ang gatilyo ng baril ay paluhod na natumba ito. Isa pang putok ang sumunod na tuluyan ng tumapos sa buhay ni Nomer.

Operation:  'MJ'  ni Virgilio AlvarezWhere stories live. Discover now