Operation: 'MJ' (9 to 12)

Start from the beginning
                                        

Napatingin si Ramir sa dalaga. “Naipanganak ka na ba noon?” Tanong niya na tumatawa. “Paano mo nalaman ang tungkol doon?”

Umirap si Maribeth. “Bakit.., hindi mo ba alam na marunong akong magbasa?”

Niyakap ni Ramir ang inakala niyang nagtampung dalaga. “Huwag ka ng magalit,” aniya, at ginawaran ito ng halik sa nuo, “biro lang iyon!”

Tumawa si Maribeth at saka gumanti ng halik. Pero hindi sa nuo. Hinagkan niya si Ramir sa mga labi nito. Yaon ang naging dahilan kung bakit hinarap siya ng binata para muling magniig ang kanilang mga labi.

Halos magkasabay na dumating sa kanilang tanggapan ng umagang iyon si Ramir at Rey. Magkasabay silang naglalakd sa pasilyong patungo sa opisina.

“Alam mo bang nakalabas na ang dalawa nating bihag?” Tanong ni Rey.

“Alam kong napiyansahan na sila,” sagot ni Ramir, “ang hindi ko alam ay kung saan na sila naroon ngayon.”

“Walang nakaaalam.” Ani Rey. “Sa palagay mo ba ay sisipot sila sa husgado sa sandaling litisin na ang kanilang kaso?” Tanong nito.

Inakbayan ni Ramir ang kausap. “Hindi ko alam! Pero huwag kang mabahala, mayroon silang affidavit na nagsasabing ang mga ginawa nila ay utos ng kanilang boss na si Alipio Coronel. Kaya di man sila sumipot o’ tuluyan ng maglaho, ay mayroon tayong hawak na magpapatunay na si Alipio ang master mind.”

Hindi na kumibo pa si Rey. Naghiwalay sila nang marating ang mesa ng Sarhento at magpatuloy si Ramir sa paglakad patungo sa kanyang silid.

Malakas na katok sa pinto ng kanilang silid ang ikinagulat ni Nomer at Antonio. Tumayo si Nomer at binuksan ang nakapinid na pinto. Bumulaga sa kanya ang nakatayong si Alipio.

“Bakit nagla-lock pa kayo ng pinto?” Tanong nito sa dalawa. “Tayo lamang ang narito at walang paraan para makapasok ang hindi natin kaalyado.., bakit, wala ba kayong tiwala sa amin?”

Nagkamot ng ulo si Nomer. “Sorry,” wika niya, “talagang hindi namin alam na nasa lock position pala ang seradura nang aming isara ang pinto. Hindi na mauulit.” Pahabol niyang sabi.

“Talagang hindi na mauulit.” Ani Alipio. “Halika ‘yo. Mayroon akong ipagagawa sa inyo sa labas.”

Tumayo si Antonio sa kanyang pagkakaupo at mapayapa sila ni Nomer na sumunod kay Alipio. Mula sa labas ng bahay ay lumakad sila hanggang marating ang bandang dulo ng loteng malapit sa bakod na pader. Iniutos ni Alipio sa isa niyang tauhan na kumuha ng isang piko at isang pala. Pagbalik ng inutusang si Kardo, ay iniabot ang kinuha sa dalawang kasama ng kanyang boss.

Bagamat sinagian ng pagtataka ay kinuha ni Nomer at Antonio ang piko at palang iniabot sa kanila.

“Ano ang gagawin namin dito?” Matapos abutin ang piko ay tanong ni Antonio kay Alipio.

“Gusto kong maghukay kayo para sa gagawin kong baunan ng basura. Kailangang maging mga isang metro ang lapad at mga dalawang metro ang haba. Ang lalim siguro ay mga isang metro at kalahati. Itambak ninyo lamang sa malapit ang pinaghukayan para madaling maitabon sa basurang itatapon.” Utos ni Alipio at saka bumalik sa likod ng bahay kung saan may mga silyang mauupuan.

Naupo si Alipio kasama ang alagad na si Kardo sa malilim na dako sa likod ng bahay kung saan tanaw ang ginagawang paghuhukay ni Nomer at Antonio.

Matapos ang ilang sandali ay nagsalita si Kardo. “Boss,” wika nito, “ano bang talaga ang hinuhukay nu’ng dalawa doon?”

Tumawa si Alipio. “Anupa kundi ang kanilang libingan.”

“Papatayin mo sila?” Takang tanong ng alagad.

Operation:  'MJ'  ni Virgilio AlvarezWhere stories live. Discover now