“Hindi po.., hindi po gan’un.” Umiiling pang tanggi ni Ramir. “Gusto ko lang pong malaman kung may narinig na kayo tungkol sa operation na ito.”:
“Wala, wala akong naririnig. Pero bakit mo itinatanong sa akin ‘yan. ‘Yan ba ay itinanong mo na rin sa ibang kongresista?”
Natigilan si Ramir sa narinig. Hindi niya masasabing naghihinala siya na may kinalaman dito ang Speaker, hindi niya kasi maaaring sabihin na may sakit ang Pangulo.
“Balak ko pong tanungin ang ibang kongresista tungkol dito. Kayo kasi ang kanilang pinuno kaya kayo ang nauna.” Paliwanag ni Ramir. “Kung wala kayong naririnig tungkol sa operasyong iyon ay magpapaalam na po ako.”
Tumayo si Ramir, tumalikod at humakbang patungo sa pinto ng silid. Mula doon ay pumihit siya para muling maharap sa sumusunod na Speaker. “Kilala ninyo po ba si Alipio Coronel?” Tanong niya.
“Alipio Coronel?” Ulit ni Speaker Gaspar Salitre. “Bakit mo naitanong?”
“Kasi po’y parang kilala siya ng dalawang lalaking naghalughog sa apartment ng isang reporter.” Sagot ng Tinyente.
“Ganoon ba?” Anang Speaker. “Si Alipio ay pamangkin ni Misis at siya ang nagbabantay sa aming bahay sa Oroqueta. Kung gusto mo siyang makausap ay ibibigay ko sa iyo ang kanyang address.”
“Hindi na po kailangan.” Paniniyak ni Ramir. “Kung kakailanganin namin siya sa anumang dahilan ay ipaaalam namin sa inyo.”
“Mabuti kung ganoon. Sige malaman ko lang kung kailangan ninyo siya.” At bumalik na sa kanyang upuan ang Speaker.
Inabot ni Ramir si Maribeth na nakaupo sa sala ng kanyang apartment hawak at binabasa ang nakasulat sa isang papel. Ni hindi nga nito nalamang dumating ang binata.
“Tila abala ka sa iyong binabasa, ah?” Anang binata bilang pagbati.
Inangat ni Maribeth ang kanyang paningin. “Nariyan ka na pala.” Nakangiti nitong wika at saka tumayo at yumakap kay Ramir. “Tinutunghayan ko kasi ang schedule ng Palasyo para sa Independence Day. Ako kasi ang na-assigned na komober sa talumpati ng Pangulo.”
“Gan’un ba?” Ani Ramir at kapwa sila naupo sa sofa. “Pwede bang makita ko ang schedule na ‘yan?” Tanong niya sa dalaga matapos maupo.
Iniabot ng dalaga ang hawak na papel. “Mayroon ka ring gustong malaman sa schedule?
Ngumiti si Ramir. “Ibig ko lang alamin kung saan magsasalita ang Vice President.” Wika niya.
Matapos kunin ni Ramir ang papel ay sumandal ang dalaga. “Sa palagay mo ba ay may masamang mangyayari doon?”
Ibinaling ng binata ang kanyang paningin sa dalaga. “Hindi ko alam,” wika niya, “pero pwedeng ituloy doon ang balak nila.., alam mo namang iba ang napatay sa unang pagtatangkang ginawa.”
Ibinalik ni Ramir ang kanyang isipan sa hawak na papel. Nanahimik naman ang dalaga sa upuan, hinayaan niyang basahin ng kasintahan ang listahan.
“Sa plaza Miranda pala siya magsasalita.” Narinig na bulong ni Ramir.
“Sa plaza Miranda nga sa Quiapo.” Ulit ng dalaga. “Kung doon babalakin ang pag-assasinate sa Vice President.., tiyak na mahihirapan sila. Wala akong alam na mataas na building doon. Puro two storey lamang ang nasa paligid ng simbahan.”
“Tama ka.” Sang-ayon ng binata. “Pero hindi lang naman riple ang ginagamit sa pagpatay. Malay natin baka bomba ang kanilang gamitin. Kaya nga inaalam ko kung saan siya magsasalita para mapangalagaan ang kanyang kaligtasan.”
“Oo nga, naalala ko na,” anang dalaga, “noon nga palang araw ay nangyari na doon sa isang miting ay may naghagis ng granada, hindi ko lang matandaan kung mayroong namatay o’ malubhang nasugatan.”
DU LIEST GERADE
Operation: 'MJ' ni Virgilio Alvarez
ActionAng kwentong ito ay may kinalaman sa pagpatay sa mataas na pinuno ng pamahalaan. Si Pepe, isang repair man ng lighter, na nag-imbento sa tinatawag niyang 'listening device' ang nakarinig ng tungkol sa assassination plot na iyon. Hindi naniwala si...
Operation: 'MJ' (9 to 12)
Beginne am Anfang
