Nang maiwan sila sa kanilang silid ay kapwa sila naupo sa kama. Umiiling si Antonio sa naging kapalaran nila.
“Bakit natin sinapit ang ganito?” Tanong ni Antonio sa kanyang kasama.
“Hindi ko alam.” Sagot naman ni Nomer. “Ikaw ang may kakilala kay Alipio, hindi ba? Hindi mo ba alam na kung magkamali tayo ay ganito ang sasapitin natin?”
“Hindi siya ganyan noon. Baka dahil sa kanyang Tiyahin. Hindi ko alam. Oh baka naman dahil sa kaselanan ng ating gawain.”
“Tama ka!” Sambit ni Nomer. “Talagang maselan ang tangkang pagpatay sa Pangulo ng Senado. Hindi lang iyon, natatandaan mo ba ang gumagawa ng lighter? Di ba’t may drama pang kasama ang ginawang pagpatay noon ni Alipio? Natatakot sila marahil na isigaw natin ang ating nalalaman kaya tayo ikinukulong ng ganito.”
“Oo nga,” sang-ayon naman ni Antonio, “may katwiran ka. Kailangan sigurong tumakas tayo hanggang may panahon.”
“’Yun ang gagawin natin. Kailangang malaman natin kung saan tayo maaaring lumabas at kung paano dapat gawin iyon.”
Tumango si Antonio.
Sa kanyang silid ay naroon si Alipio. Nasa harap niya ang isang tape recorder na patuloy na umiikot habang nag-uusap ang dalawa sa kabilang silid. Batid niya ang balak ng dalawa dahil sa earphone na nakalagay sa kanyang taynga. Nagpakawala siya ng malalim na buntunghininga bago patayin ang recorder. Tumayo siya at lumabas ng kanyang silid.
10
Malaki ang opisina ng Speaker of the House. Pinaupo si Ramir ng Sekretarya ng Speaker at saka pumasok sa kaugnay na tanggapan. Lumabas ito makaraan ang ilang sandali at hinarap ang detektib. “Maaari na kayong pumasok,” wika nito, “naghihintay na si Speaker.”
“Thanks,” ani Ramir saka tumayo at pumasok sa tanggapan ng Speaker.
Nakasandal ang Speaker sa kanyang upuan nang pumasok si Ramir. Itinuro nito ang isang upuan sa harap ng kanyang mesa bago nagsalita. “Det. Lt. Ramir dela Serna, di ba?”
“Tama po kayo.” Ani Ramir naman habang nauupo sa itinurong silya. “Salamat po sa pagbibigay ninyo sa aking request.”
Ngumiti ang Speaker. “You are a Filipino and a voter, di ba?” Nagbibirong wika nito. “No reason why I would deny your request.” At saka tumawa.
Tumawa rin ang Tinyente. “Talaga palang palabiro kayo.” Wika niya.
“That’s one of my trait.” Nakatawa pa ring badya ng Speaker. “Pero ang ipinunta mo rito ay hindi tungkol diyan. Ano nga ba ang gusto mong malaman mula sa akin?”
Inayos ni Ramir ang kanyang pagkakaupo bago nagsalita. “May narinig na po ba kayo tungkol sa ‘operation mj’?” Tanong niya at minasdan ang ekspresyon ng mukha ng kaharap.
Wala siyang nakitang pagbabago sa mukha ng Speaker. ‘Yun kaya ay dahil sa wala itong alam tungkol doon o’ batid nitong tungkol doon ang sadya niya at naihanda ang sarili sa gan’ung mga tanong?
“Operation mj?” Ulit ng Speaker. “Wala.., wala akong alam at naririnig tungkol diyan. Ano ba ang ibig sabihin niyan?”
“Ang ‘operation mj’ po,” simula ni Ramir, “ayon sa hawak naming ebidensya ay kaugnay ng tangkang pagpatay sa Senate President Emilio Canete. Naniniwala din po kami na ang pagkakatambang na ikinamatay ng negosyanteng amerikano ay ukol sa ating Vice President Nomer Lanuza.”
“Teka.., teka..,” pigil sa pagsasalita ni Ramir. “Ang ibig bang sabihin nito ay narito ka dahil naniniwala kang ako ang susunod sa tangkang pagpatay na nangyayari?”
YOU ARE READING
Operation: 'MJ' ni Virgilio Alvarez
ActionAng kwentong ito ay may kinalaman sa pagpatay sa mataas na pinuno ng pamahalaan. Si Pepe, isang repair man ng lighter, na nag-imbento sa tinatawag niyang 'listening device' ang nakarinig ng tungkol sa assassination plot na iyon. Hindi naniwala si...
Operation: 'MJ' (9 to 12)
Start from the beginning
