Operation: 'MJ' (9 to 12)

Start from the beginning
                                        

“At tiyak na walang nakaaalam kung saan siya nagpunta?” Patanong na wika ni Ramir.

“Tama ka.” May kibit pa ng balikat na wika ng Sarhento. “Sa palagay ko”y totoo naman ang sinabi ng katulong na hindi niya alam kung saan pumunta si Alipio. Siguro ay dapat nating alamin ang mga lugar na pinupuntahan nito ng madalas. Baka doon natin siya matagpuan.”

“May katwiran ka. Walang ibang property dito ang mga Salistre. Maaaring umupa siya ng apartment o’ nagtungo sa probinsya.” Tumayo si Ramir, kinuha ang armas sa kahon ng mesa at matapos mailagay iyon sa suksukan ay saka nagpatuloy. “Sige tanungin mo ang dalawa nating bihag tungkol sa sinabi mo. Ako ay makikipag-usap kay Speaker.”

“Tungkol saan?”

“Itatanong ko kung may narinig na siya tungkol sa ‘operation mj’.”

Ipinarada ni Alipio ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang gusali sa Roxas Boulevard. Bumaba siya at matapos i-lock ang kotse ay tumawid sa kalsada hanggang marating ang pader na salpukan ng alon. Naupo siya sa ibabaw ng semento. Doon siya naghintay hanggang sa dumating ang kanyang Tita.

“Kangina ka pa ba dito.” Narinig ni Alipio mula sa kanyang likuran.

Kilala niya ang tinig na yaon kung kaya’t hindi na niya kinailangan pang lumingon. “Ilang sandali pa lamang.” Wika niya. “Pero ano ba ang pag-uusapan natin?” Dugtong niyang tanong.

Naupo si Solidad sa tabi ng kanyang pamangkin. “Hindi ko mawari kung paanong natunton ng mga pulis ang dalawa mong tauhan. Tiyak na may nagawa silang pagkakamali.”

“’Yun ba ang ipinarito natin dito?” Sa halip ay tanong ni Alipio.

“Tama ka,” madiing wika ni Solidad. “Gusto kong malaman kung ano ang nagawa nilang pagkakamali para hindi na maulit sa susunod.”

“Hindi ko matiyak kung ano.” Paliwanag ni Alipio. “Siguro’y nakuha ang kanilang finger prints sa truck. Hindi naman sila kasi gumagamit ng guwantes dahil alam nilang wala silang record sa pulisya.”

“Alam kong wala silang record, pero ang mga pulis ay maraming paraan. Wala bang sino man na dumadalaw doon sa bahay?”

“May naikwento sa akin ang katulong na may kausap daw ‘yung dalawa nung isang araw. Tila may itinatanong daw sa dalawa. May ipinakita pa nga raw na retrato ‘yung lalaki.”

Nagbuntunghininga si Solidad. “’Yun siguro ang naging dahilan. Doon sa retrato nakuha ang kanilang mga finger prints na pinagparisan doon sa nakuha sa truck. Dapat na iligpit ang dalawang iyon. Baka kung hindi ay tayo ang malagot.”

“Sa palagay mo ay dapat nating gawin ‘yon?” Tanong ni Alipio.

Tinitigan ni Solidad ang kanyang pamangkin. “Mahina ang kokote ng dalawa mong tauhan. Piyansahan mo at saka dalhin sa hindi sila makikita ng otoridad. Kung ayaw mo silang patayin.., kailangan ay maitago sila ng hindi matatagpuan ng mga pulis.”

Tumayo si Alipio. “Sige, ilalabas ko sila at itatago. Pero ang gusto kong malaman ay kung tuloy pa rin ang ating operasyon. Alam kong si numero tres ay hindi na kailangan bigyan pansin dahil inutil na siya ngayon. Pero si numero dos ay nariyan pa, kailangan na ba natin siyang patahimikin?”

“Oo naman, kailangan nating gawin iyon sa lalong madaling panahon.” Pabulong na wika ni Solidad. “Maikli ang panahon, ilang buwan na lang ang natitira. Kailangan na nating kumilos.”

“Malapit na ang independence day.” Ani Alipio. “At alam kong sa plasa Miranda magsasalita si dos. Doon siguro dapat maganap ang huling bagay na dapat nating gawin, ano sa palagay mo?”

Operation:  'MJ'  ni Virgilio AlvarezWhere stories live. Discover now