Sinulyapan ni Pio ang kanyang relo. “Pitong minuto pa bago magsalita.” Bulong niya sa sarili. “Hindi ko mahihintay ang oras. Tiyak na darating ang mga iyon dito. Kailangang umalis ako hangga’t may oras.”
Tumalon si Pio pababa sa salansan ng mga tiles bitbit ang mahabang sandata. Mula doon ay dumako siya sa bandang likod ng gusali kung saan inilagay ang lubid na gagamitin sa kanyang pagtakas. Kinalag ang dulo ng lubid na nakatali sa isang poste at saka lumapit sa bintanang katapat ng kinasasabitan ng dalawang puliya. Mahigpit na humawak sa lubid at saka tumalon sa bintana. Mabilis ang kanyang pagbaba, kasing bilis ng pagtaas ng konkretong nakatali sa kabilang dulo ng lubid.
Hawak ang kanilang mga sandata ay sumakay sina Ramir, Rey, Roland at Rudy sa elevator ng gusali. Sa unang palapag ay bumaba si Roland at Rudy. Si Ramir at Rey naman ay bababa sa susunod na palapag para siyasatin kung naroon ang hinahanap na magbobote. Ganoon din ang ipinagbilin ni Rey sa tatlong grupong tutulong sa kanila, na dalawa sa bawa’t palapag ang maiiwan para maghalughog.
Bawa’t silid ay sinisilip ni Ramir at Rey para matiyak na hindi makaliligtas sa kanilang paningin ang hinahanap. Ilang silid na ang kanilang nabuksan pero wala silang nakikita pang tao. Isasara na lamang ni Rey ang pinto ng silid na siniyasat nang may makita siyang kung anong bumaba sa labas ng bintana. Tumakbo siya at nanungaw. Doon niya nakita ang isang taong may dalang riple na nakakapit sa lubid at mabilis na bumababa.
Patakbong bumalik si Rey. Tinawag niya si Ramir na noon ay palabas sa karatig na silid at sinabi ang kanyang nakita habang tumatakbo. Agad namang tinawagan ni Ramir ang ibang kasamahan at sinabi ang nakita ni Rey.
Pagdating sa ibaba ay binitiwan ni Pio ang lubid na nagdala sa kanya. At hindi nagtagal ay isang malakas na lagapak ang narinig nang ang konkretong nakatali sa kabilang dulo ng lubid ay bumagsak sa sementadong sahig. Sumakay si Pio sa motorsiklong naroon.
Napatingin ang tatlong grupo sa lugar na binaksakan ng konkreto nang marinig nila ang malakas na lagapak noon. Nakita nila ang pagsakay ng lalaking may mahabang riple sa motorsiklo. Nagbunot ng baril si Benji at nagpaputok ng warning shot. Nguni’t hindi rin huminto si Pio sa kanyang pagtakas. Kaya ilang sunod na putok ang ginawa ni Benji para patamaan ang gulong ng motor. Hindi siya nagtagumpay. Nakalayo si Pio.
Nang dumating ang pangkat ni Ramir at malamang nakatakas si Pio ay agad itong tumawag sa police patrol unit para maharang ang tumakas na salarin.
Noong umagang iyon, sa bahay na napaliligiran ng mataas na pader, ay abalang ibinababa ng ilang lalaki, kabilang si Kardo, ang isang sako ng bigas, mga dilata, karne ng baka at baboy at mga gulay na tutustos sa pang araw-araw na pangangailan ng mga taong naninirahan doon. Nang matapos ang pagdidiskarga ay patagong sumakay si Kardo sa van. Nagkubli siya gamit ang makapal na lonang nasa loob ng sasakyan.
Walang muwang na may pasahero siya, ay pinatakbo ng driber ang sasakyan palabas ng bakod hanggang makarating ito sa isang karindirya para mag-almusal. Bumaba ang driber, naupo sa mahabang bangko at humingi ng pagkain. Si Kardo naman, nang maramdamang bumaba ang tsuper ay sumilip sa lonang pinagtataguan. At dahil nabatid na walang sino mang nakakakita ay bumaba at patagong lumayo sa karindirya.
Umuwi siya sa kanila para sunduin ang asawa’t anak. Nagbiyahe silang mag-anak patungo sa probinsiya kung saan alam niyang hindi sila matatagpuan ni Alipio. Hindi mawala sa kanyang isipan ang dalawang lalaking inilibing matapos barilin sa loob ng bakuran ng bahay na pinanggalingan. Kaligtasan ng asawa’t anak ang nasa isipan kung kaya siya tumakas.
Nawala ang motorsiklong sinasakyan ni Pio. Walang nakakita kung saan ito sumuot. Ang mga check point na inilagay palabas ng Siyudad ay nabale-wala dahil ang tanging basehan ng mga pulis ay isang taong nakamutor na may dalang mahabang riple. Bagay na hindi maaaring gamitin para maiditine ang isang taong wala ng alin man sa dalawang bagay na iyon
JE LEEST
Operation: 'MJ' ni Virgilio Alvarez
ActieAng kwentong ito ay may kinalaman sa pagpatay sa mataas na pinuno ng pamahalaan. Si Pepe, isang repair man ng lighter, na nag-imbento sa tinatawag niyang 'listening device' ang nakarinig ng tungkol sa assassination plot na iyon. Hindi naniwala si...
Operation: 'MJ' (9 to 12)
Start bij het begin
