Kabanata 2: Ang Christmas Tree

224 6 2
                                    

****


Tapos na ang shift ni Aling Lalaine sa Spa na pinagta trabahuhan. Isa sya sa mga pinaka magaling na masahista doon. Swerte rin etong araw na ito, maraming naging kliyente. Pero hindi pa sya uuwi, may at-home service kase sya ngayon na hindi naman kalayuan. Nagpaalam na sya sa kanyang boss at mga ka trabaho.

Mabait at galante ang kanyang naging kliyente sa at-home service. Bukod sa binigyan sya ng malaking tip, binigyan din sya ng pamasahe pauwi. Habang pauwi na sya ay naalala nya ang pinapabili ni Joshua. Nasira ang dati nilang Christmas tree, mumurahin kase ito at may kalumaan na. Hindi sya bumili ng bago. Marahil dala rin ng matinding lungkot. Nawalan ng trabaho ang kanyang mister at napilitan na mag hanap buhay sa Saudi. Hindi pa ito nagpapadala, kaya naman kayod kabayo sya.

Habang naglalakad pauwi si Aling Lalaine, may nadaanan siyang garage sale. Ito ay nasa harapan ng isang malaking mansyon na may karatulang for sale. Isang matandang babae ang nagbabantay dito. Halo-halong gamit ito, may plantsa, mga lumang laruan, mga mamahaling pinggan at... Isang Christmas tree. Laking gulat ni Aling Lalaine sa kanyang nakita, tila ba nabasa ng mansyon ang gusto niyang bilhin sa mga oras na ito.

"Magkanu po sa Christmas tree?" Tanong ni Aling Lalaine.

"P100 na lng po mam." Sagot ng matanda.

Hindi makapaniwala si Aling Lalaine sa kanyang swerte. Masyadong mura. Tantsa nya dito ay P20,000.00. Eto yung nakikita nya sa SM Department Store na hanggang tingin lang. Malaki ito, malinis at mukhang bago. Tinignan nya ang mga palamuting nakasabit dito, napansin nya na kawangis ng pusa ang mga ito at gawa sa tanso. Tinanong nya ang matanda kung mahilig ba sa pusa yung may-ari.

"Ay hindi ko alam mam, hindi ko kilala yung may-ari mismo, ako lang yung pinagbenta ng mga ito. Kamag-anak ko yung caretaker." Paliwanag ng matanda. "Tsaka yung mga pusa na yan mam hindi natatanggal, parang naka mighty bond, ewan ko ba sa may-ari. Wala rin pong star sa tuktok."

Sinubukan tanggalin ni Aling Lalaine ang isa sa mga tansong pusa ngunit ayaw nitong matanggal sa pagkakasabit. Inisip nya'y pwede naman sigurong guntingin yung makapal na dahon ng Christmas tree kung sakaling gusto nilang palitan ang palamuti. "Sige kunin ko na!" Masayang sambilat ni Aling Lalaine.

****

Tuwang-tuwa si Joshua at Jayson. Bagamat wala ang kanilang ama, nagkaroon ng buhay ang kanilang munting tahanan ng dahil sa puno. Si Peter, bagamat magkasalubong ang kilay sapagkat sya ang nahirapang magpasok nito sa bahay ay biglang umaliwalas ang mukha ng makita na ang Christmas tree na parte na ng sala.

Kinuha ni Jayson ang kanyang cellphone at niletratuhan ito. "I send ko kay Papa."

Napangiti si Aling Lalaine. Mababaw lang ang kaligayahan ng kanilang pamilya. Maliit na salo-salo lang sa KFC masaya na sila. At ang tanging nagpapasaya lang kay Aling Lalaine ay makitang masaya ang kanyang mag-ama.

"Kumain na kayo dito, hindi yan aalis dyan." Pag-aaya ng kanilang ina sa hapag kainan.

Masaya ang mag-anak. Ngunit hindi nila alam ang naka bantang panganib sa kanilang pamilya.

ITUTULOY...

Author's Note: Maraming Salamat Po Sa Pagbabasa!

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

COPYRIGHT © 2017 TANYA NATAZSHA ® ALL RIGHTS RESERVED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Sa Likod Ng Christmas TreeWhere stories live. Discover now