Napatigil ako. Papayagan ko ba siya? Ewan ko. Hindi ko alam.

"Hindi ko alam."

Napakunot noo siya at bumuntong hininga. "May, kung ako sayo pag-isipan mo munang mabuti ang sinabi ni Jibbson. Wag mo muna siyang kausapin hanggat hindi ka pa talaga sigurado sa isasagot sa kaniya. Wag kang padalos dalos. Alam kong makakapaghintay din si Jibbson. Pero ngayon, mag-isip ka muna ng mabuti." Seryoso niyang sabi.

"Ayoko siyang saktan, Nic." Mahina kong tugon. Totoo iyon. Ayokong ireject si Jibbson dahil alam ko ang feeling ng mareject, masakit. Kaibigan ko siya at hindi ko maatim na saktan siya.

"Siguro naman maiintidihan niya kung ano mang maging desisyon mo." Ani Nicole. Hidni na ako nagsalita pagkatapos niyang sabihin iyon.

Nagtime na rin pero hindi pa din bumabalik si Jessica kaya naman kinuha na ni Nicole ang kaniyang bag para puntahan siya. Hindi na din ako nakasama kay Nic sa pagsunod kay Jess dahil dumiretso na ako ng laboratory room kung saan kanina pa pala ako inaantay nina Chantal at Jared.

"What took you so long?" Iritang sambit ni Chantal pagkasuot ko ng puting uniporme na pang scientist. Para daw feel na feel namin ang gagawin naming experiment.

"Sorry, natagalan ako sa pagkain." Sabi ko. Umarko ang kilay niya at tumaas. Naipagpasalamat ko na nagsalita na si Ma'am Valdez ng procedures ng experiment na gagawin namin kaya nakuha niya ang attention ng lahat at hindi ako napagsabihan ni Chantal.

"Now, bring out your materials," sabi ni Ma'am Valdez. Nakaayos na lahat ng materials sa bawat table namin. "Where's the frog?" Mataray na sabi ni Chantal sakin. Napakislot ako at tinungo ko ang aking bag para kunin doon ang lalagyanan ng palaka.

Pero nakakailang halungkat na ako ng bag ko hindi ko pa din makita ang pinaglagyan ko ng noon. Sure ako nandito lang iyon, eh. Hindi ako pwedeng magkamali. Inilagay ko iyon sa bag ko kanina.

"Asan na? Nakalimutan mo? My gosh Venice! You're so irresponsible!" Inis na sambit sakin ni Chantal. Gusto ko tuloy mapaiyak nang hindi ko talaga makita yung pinaglagyan ko ng palaka. Asan na ba kasi iyon?

"Problem?" Ani Jared na lumapit na din sa tabi ni Chantal.

"Ay naku, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi ko na sana siya sinasama sa grupo natin." Nakasimangot na sabi ni Chantal habang nakacross armed pa.

Gusto ko nalang maglaho sa paningin nilang dalawa. "Calm down," mahinang sabi ni Jared kay Chantal. "Nakalimutan mo ba talaga?" Tanong niya sakin.

"Nakalimutan ko nga ata. Sorry." Gusto kong maiyak sa halo halo kong nararamdaman. Disappointment sa sarili, inis at hiya.

"Ts! So irresponsible." Bulong ni Chantal. Yumuko nalang ako nang magsitinginan sakin ang mga kaklase kong nakarinig sa kaniya. Tumulo ang luha ko sa mata. Ang tanga mo kasi, Venice! Sa lahat ng pwedeng makalimutan iyon pang kailangan sa experiment.

"Excuse me, Ma'am!" Anang boses na kumatok sa pintuan.

"Yes?" Sabi ni Ma'am Valdez.

"May I excuse, Venice Martinez?" Napatingin ako sa pinto ng sabihin ng kung sino ang pangalan ko at nakita ko si Jibbson na prenteng nakatayo doon habang nakatitig na sakin.
"Why?" Napataas nag kilay ni Ma'am Valdez.

"Ibibigay ko lang po ito sa kaniya," aniya sa magalang na tono at pinakita ang pinaglagyan ko ng palaka ko na kung saan lumulundag lundag pa ang laman noon. "Naiwan niya po kasi."

Tumango si Ma'am Valdez kaya napalakad ako papunta kay Jibbson. Nakita ko siyang napangisi sakin. Gusto ko tuloy siyang yakapin sa galak dahil sinave niya ako ngayon.

"Anong nangyari sayo? Bat ka umiiyak?" Aniya at hinila ako ng kunti para makalabas kami ng laboratory. Hinawakan niya ang aking mukha at pinahid ng kaniyang thumb finger ang luha ko saking mga mata.

"Naluha ako sa saya. Salamat." Sabi ko. Ngumiti ako sa kaniya.

"Akala ko binubully ka na naman ni Chaka," sagot niya. Nalito naman ako.

"Sinong Chaka?" Takang tanong ko.

Ngumuso siya sa loob at nakita ko si Chantal na kausap ni Jared at para bang nag-aaway sila.

"Chantal ang pangalan nun," pagtatama ko sa sinabi niya. Nagkibit-balikat lang siya. "Wala akong pakialam," inabot niya sakin ang palaka. Gusto ko pa sanang itanong kung papano niya nakuha ito pero tinawag na ako ni Jared.

"Hanggang kelan n'yo balak mag-usap? We need the frog now," masungit niyang sabi. Nagpaalam tuloy ako kaagad kay Jibbson pero mabilis niya akong hinatak bago ko pa man siya talikuran at hinalikan niya ako sa noo. Nagtaka ako sa ginawa niya. Ngumisi siya sakin. "Bayad sa pagdala ko ng palaka mo," aniya at umalis na.

Napailing nalang ako bago tumalikod at nakita kong nakatayo pa pala doon si Jared. Mataman lang siyang nakatitig sakin.

"Ahm, pasok na ako." Sabi ko bago nauna nang pumasok sa kaniya sa loob ng laboratory daladala ang palaka. Ang sarap sigurong isampal ito sa pagmumukha ni Chantal no?

✨✨✨


MariaAyagil💕

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now