"Jibbson," tawag ko para umalis na siya sa ibabaw ko. Bumalik ang tingin niya sa aking mata at hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko doon. Linapit niya ng linapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

"Kalimutan mo na si Jared. Akin ka nalang, Venice." Malamlam ang mga tinging sabi niya sakin na literal kong kinanganga.

HANGGANG ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Daig ko pa ang nastartruck ng sobra. Si Jibbson Ramirez? Ang kababata ko na matalik ko ding kaibigan may GUSTO SAKIN? I can't believe it!

"May, okay ka lang?" Takang tanong ni Nic habang kumakain siya ng burger.

"Ha?" Taka kong tanong at napalingon sa gawi niya. Linunok niya yung kaniyang pagkain bago nagsalita.

"Kanina ka pa namin tinatanong pero nakatulala ka lang diyan at para bang ang lalim ng iniisip mo. Tell me nga, binubully ka ba ng mga taga class A?" Mabilis akong umiling. Alam ko maraming ayaw sakin ng mga taga class A pero hindi naman ganoon katindi na nagagawa nila akong bullyhin.

"Eh, anong problema mo para mapatulala ka diyan? Hindi mo pa nagagalaw yung egg sandwich mo." Nginuso niya yung hawak hawak kong pagkain na ngayon ko nga lang napansin na hawak hawak ko pala.

"Ano kasi..," napatigil ako. Hindi naman siguro masama kong sasabihin ko sa kanila kung anong nangyari kahapon, diba? Mga kaibigan ko naman sila at alam kong matutulungan nila ako.

Napatingin silang dalawa sakin. "Si Jibbson kasi umamin siya sakin kahapon." Mahina kong sabi.Napatili si Nicole samantalang nagulat naman si Jessica pero ngumiti din siya pagkatapos niyang makabawi sa gulat.

"You mean, umamin na siyang gusto ka niya?" Masayang sabi ni Nicole.

Tumango ako. "Tapos? Anong sinagot mo?" Tanong ni Jess.

Umiling ako. "Wala eh." Napakamot sa noo kong sabi. "Hindi ko kasi alam kung anong isasagot sa sinabi niya." Dagdag ko pa.

"Alam ko na. Nagpapatulong ka samin ni Jess kung anong isasagot mo kay Jibbson kaya yinaya mo kami no?" Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa tumango na ako bilang pagsang-ayon kay Nicole.

Tinitigan niya akong mabuti na para bang gusto niyang mabasa ang isip ko. "So, anong pwede kong isagot sa kaniya?" Magkahalong lito at gulo kong tanong.

Napabuntong hininga si Jess. "Wait, cr lang ako. Hindi ko na mapigilan." Aniya bago lumakad na paalis. Naiwan kami ni Nic.

"May, anong tingin mo kay Jibbson?" Panimula ni Nicole.

"Kaibigan," mabilis kong sagot. Tumango-tango siya. "May gusto ka ba sa kaniya?" Nabigla ako sa tanong niyang iyon kaya napatigil ako. May gusto ba ako kay Jibbson? Sa tingin ko wala naman. Talagang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya.

Umiiling ako. "Wala, Nic." Mahina kong tugon.

Tumango tango ulit siya. "Anong sabi niya pagkatapos niyang umamin sayo?" Para siyang detective kung makaenterview.

"M-Maghihintay daw siya ng sagot ko."

"Kung gusto ka niyang ligawan papayagan mo ba siya?" Tanong ulit ni Nic habang hindi inaalis ang tingin saking mukha.

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now