chapter 25.. his treat becomes a disaster!!

83 1 0
                                    

big bike ni kyle>>

chapter 25.. His treat becomes a disaster!!

Pagdating namin sa QB wala pa sila Xen kaya hindi na muna sinabi ni mngr. Mac yung tungkol sa kasal kasi ayaw nya daw ng paulit-ulit.. gusto nya daw isang sabihan lang para daw hindi nakakapagod.. eh ang arte lang eh.. excited na nga ako malaman yung tungkol dun eh..

After so many years.. hindi joke lang 10 minutes  lang dumating na yung tatlo.. at pamaya-maya dumating na rin sila Tiff..

“Ano ok na ba? kumpleto na ba?” –tanong agad ni mngr. Mac pagkapasok nya sa private room namin..

“Hindi pa! wala pa ko dito!” –Xen

“Loko ka talaga.. wag kang sasama sa Saturday!” –mngr. Mac

“Ito naman hindi na mabiro.. joke lang yun.. sige na tatahimik na lang ako” –sabi nya sabay dukot ng chocolates sa bag nya..

“Alam nyo naman kung sino ang ikakasal diba? Sila Jeremy at Meryl.. Since Wednesday pa lang naman ngayon, kaya nyo pa namang mag ayos ng mga gamit na gagamitin nyo para sa Saturday right? bale Friday tayo ng gabi aalis dito para hindi hassle sa byahe at hindi rin kayo pagod pag dating sa reception nila.. Sinabi ko na ngayon para kung gusto nyong mamili ng mga gamit para sa weekends hindi kayo kulangin sa oras sa Friday.. kaylangan 8pm nandito na kayo ok? yung van ko na lang yung dalin natin para isa lang yung sasakyan na dala natin” –panimula ni mngr. Mac

“San bang lugar sila ikakasal?” –tanong ni Andrei

“Sa private resort nila sa Zambales.. sabi ni Jeremy we can stay there kaya daw wag na daw tayo magpa-book sa hotel” –mngr. Mac

“Ahmm? Pwede po bang sumama?” –Menchu

“Oo naman.. kasama naman kayo sa usapan diba? At nasa grupo na kayo kaya pwede kayo sumama” –mngr. Mac

Napangiti naman sila Menchu.. pero si Cheena hindi kumibo mukang may iniisip.. baka iniisip nito yung boyfriend nyang hindi pa nya napapakilala samin dahil lagi daw kasing busy..

“Ah mngr. Mac! May tanong po ako” –Cheena.. at nagkatinginan kami nila Menchu.. ayan na mukang alam na namin yung tatanungin nya..

“Po? Do you have something to ask?” –mngr. Mac

“Pwede po ba magsama ng isa pa? makapal na po kung makapal.. pero yun lang po kasi yung magiging time namin sa isa’t-isa.. para rin po mapakilala ko na sa inyong lahat yung boyfriend ko” –Cheena..

“At talagang pinag didiinan nya talaga yung word na boyfriend ah” –matawa-tawang sabi ni Tiff

Inirapan lang sya ni Cheena

“Oo naman isang villa naman yung naka-reserve satin dun kaya ok lang na magsama kayo” –mngr. Mac..

“May tanong pa ba kayo?” –dagdag pa nya at umiling kami..

“Oh sige maiwan ko muna kayo at marami-rami na rin yung mga tao sa labas” –sabi nya at umalis na sya..

“Anong eksena at diniinan mo yung boyfriend kanina?” –tanong agad ni Menchu kay Cheena

“Baka kasi isipin ng isa jan nagsisinungaling akong may boyfriend talaga ako” –Cheena

“Oh? Inaano na naman ba kita? Nananahimik ako dito tapos ako na naman nakita mo? Kakaiba ka rin eh” –Kurt

“Ikaw ba?” –Cheena

“psh ewan ko sayo halikan kita jan eh” –Kurt

O.O

Keeping your secret, loving you crazy..(ON HOLD)Where stories live. Discover now