Operation: 'MJ' (5 to 8)

Start from the beginning
                                        

Tila nanlambot na inilahad ni Ramir ang dalawa niyang palad. Kasabay ng isang nakatutuyang ngiti ay nagwika. “Wala tayong masabi kundi Michael Jackson at Michael Jordan..., mayroon pa tiyak na ibang kahulugan ang mj...! ‘Yun ang kailangan nating malaman para masabi kung ano ang operation mj.”

Muling lumakad si Det. Sgt Rey Ignacio. Sa pagkakataong ito ay upang hilahin ang pisarang nasa isang tabi ng silid-tanggapan ni Ramir. Inihinto iyon sa harap ng Tinyente. “Ang mabuti pa ay isulat natin dito ang mga nangyari,” aniya at sinimulan ang pagsulat.

       Operation ‘MJ’

Sa restaurant, pinatay si Det. Lery habang kausap si Ben de Castro. Paksa ng usapan ay tungkol sa narinig sa spy machine ni Pepe, na napatay sa Rizal Ave. dahil sa narinig na balak na pagpatay sa mataas na pinuno ng pamahalaan.

Ang pag-ambush sa sasakyan ng Pangalawang Pangulo na ikinamatay ng kaibigang Amerikano. May kinalaman kaya ito sa operation mj?

Ang pag-ambush na ito sa Pangalawang Pangulo ang nag-udyok para kapanayamin ang Pangulo na naging dahilan naman ng pag-ransack sa apartment ni Maribeth.

Ang tangkang pagpatay kay Senate President Canete.

Ang pagkakahuli kina Antonio Lukas at Nomer Hipolito, na siyang nagtangka sa buhay ng Senate President.

Ang pagsasabi na ang hinahanap nila sa interview ni Maribeth sa Pangulo ay may kinalaman sa kalusugan nito.

“Ayan ng lahat ang mga pangyayaring may kinalaman sa ‘operation mj’” Wika ni Rey. “Mayroon pa ba tayong maidaragdag diyan?”

“Sa palagay ko’y nariyan ng lahat.” Tumatangong wika ni Ramir. Lumakad itong paikot habang bumubulong.

“Ano ba’t bulong ka ng bulong diyan?” Puna ni Rey sa nakitang ginagawa ng Tinyente. “Bakit hindi mo ilakas ang nasa isip mo.., baka makatulong ako.”

“Iniisip ko lang kung ano’t kailangang pagtangkaang patayin ang Pangalawang Pangulo at pagkatapos ang ang Senate President?” Wika ni Ramir at saka naupo sa kanyang silya. “Hindi ko mahulaan kung anong motibo mayroon ang taong gagawa nito.”

“Mahirap ngang isipin.” Amin ng Sarhento. “Bakit nga kaya balak patayin ang Vice President at Senate President?”

Biglang tumayo si Ramir sa kanyang pagkakaupo. “Alam ko na! Alam ko na!” Pasigaw nitong wika. “Kailangang malaman natin kung maysakit ang Pangulo.”

Nandilat si Det Sgt Rey Ignacio. “Bakit? Ano ang alam mo na?” Tanong niya kay Ramir.

Pumihit si Ramir. “Hindi mo ba nakikita? Ang hinahanap nila ay tanong tungkol sa kalusugan ng Pangulo sa interview ni Maribeth. Na nangangahulugan na kung malaman natin kung may sakit ang Pangulo ay baka malaman na rin natin kung ano ang tungkol sa operation mj.”

Nagkamot ng ulo si Rey. “Teka lang.., teka lang. Pwede bang liwanagin mo ang ibig mong sabihin?”

Bumalik sa kanyang upuan si Ramir. At mula doon ay ipinaliwanag niya kay Rey Ignacio ang ibig niyang sabihin. “Tinangkang patayin si Vice President at si Senate President. At gagawin lamang ito kung ang Pangulo ay may sakit na hindi na gagaling. Terminal sickness.., maaaring cancer na nasa stage four. Kailangang alamin natin kung siya nga ay may sakit.”

“Michael Jordan nga.” Malakas na bulong ni Det Sgt Rey Ignacio.

“Anong Michael Jordan ang sinasabi mo?” May pagtatakang tanong ni Ramir.

“Ang jersey ni Michael Jordan ay 23,” pabulong ring wika ng Sarhento, “dos ang Vice President at tres naman ang Senate President.”

Napanganga si Det Lt Ramir dela Serna. “Samakatwid,” wika niya, “ay si Speaker ang may kagagawan ng lahat ng ito?!”

Operation:  'MJ'  ni Virgilio AlvarezWhere stories live. Discover now