Operation: 'MJ' (5 to 8)

Bắt đầu từ đầu
                                        

Sa interrogation room dinala ang dalawa. Magkahiwalay at isa-isa silang tinanong ni Rey kaharap si Ramir.

Tanong : “Ano ang pangalan mo?”

Sagot : “Antonio Lukas po.”

Tanong : “Saan ka nakatira at ano ang trabaho mo?”

Sagot : “73 Oroqueta, Sta Cruz, Manila. Body guard po.”

Tanong : “Isa ka ba sa nakasakay sa truck na bumangga sa van ni Senate President . Canete?”

Hindi tumugon ang tinanong. Nanatili itong tahimik. Pinaalalahanan siya ni Rey na merong finger print na nakuha sa truck na nagpapatunay na isa siya sa pasahero noon ng maganap ang sakuna.

Sagot : “Kasama po ako.., pero hindi ako ang nagmamaneho.”

Tanong : “Kung hindi ikaw ay sino ang nagmamaneho?”

Sagot : “Si Nomer Hipolito po.”

Tanong : “Kinunan din namin ng finger prints ang apartment ni Miss Maribeth at ang . isa noon ay sa iyo, tama ba ‘yon?”

Sagot : “Tama po.”

Tanong : “Sino ang kasama mong naghalughog doon?”

Sagot : “Si Nomer Hipolito din po.”

Tanong : “Ano ang hinahanap ninyo sa apartment? May partikular na bagay bang gusto ninyong malaman?”

Sagot : “Ang utos po sa amin ay alamin kung ano ang itinanong sa interview.”

Tanong : “Nakita ba ninyo ang inyong hinahanap?”

Sagot : “Wala po doon ang pinahahanap sa amin.”

Tanong : “Ano ba ang pinahahanap sa inyo?”

Sagot : “Tanong po tungkol sa kalusugan ng Pangulo.”

Nagkatinginan si Rey at Ramir sa narinig na isinagot ng bihag. Pero hindi sila nagpahalata na nagkaroon ng ibang kahulugan sa kanila ang bagay na iyon. Nagpatuloy si Rey sa pagtatanong.

Tanong : “May nag-utos ba sa inyo para gawin ang pagbangga sa van at ang . . .. paghahalughog sa apartment ni Miss Maribeth?”

Sagot : “Opo.., si Alipio Coronel po.”

Tanong : “Saan nakatira ang Alipio Coronel na ito at sino siya?”

Sagot : “Sa 73 Oroqueta din po at siya ang aming boss ni Nomer.”

Tanong : “Alam mo ba kung bakit pinagagawa sa inyo ang bagay na iniutos sa inyo?”

Sagot : “Wala po kaming alam tungkol doon. Basta kung ano ang ipagawa ay . .. ginagawa namin ng walang tanong-tanong.”

Matapos ang tanungang iyon ay ipinalit naman si Nomer Hipolito. Parehong tanong ang ginawa na tumanggap din ng parehong kasagutan. Ito ang naging dahilan kung bakit pinaniwalaan nila na ang dalawa ay nagsasabi ng katotohanan. Nang bumalik sila sa kanilang tanggapan ay nagtanong si Ramir.

“Natatandaan mo ba ang isinagot ni Antonio sa tanong mo kung ano ang hinahanap nila sa panayam na ginawa ni Maribeth sa Presidente?” Tanong niya kay Rey.

“Nagulat din nga ako sa kanyang kasagutan,” wika ni Rey, “kaya nga napatingin ako sa iyo. Ano nga kaya ang tungkol sa kalusugan ng Pangulo ang gusto nilang malaman?”

Sandaling nag-isip si Ramir. “May kinalaman kaya ‘yon sa operation ‘mj’?” Tanong nito.

Lumakad si Rey ng ilang hakbang papalayo. Pumihit ito at hinarap si Ramir. “Mj..., mj!” Wika nito. “Alam kong ito ang susi..., pero ano ang ibig sabihin nito?”

Operation:  'MJ'  ni Virgilio AlvarezNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ