Operation: 'MJ' (5 to 8)

ابدأ من البداية
                                        

Bago pumasok sa kanyang opisina ay tinawag ng Tinyente si Rey na noon ay may ginagawa sa kanyang mesa. Magkasunod silang pumasok sa tanggapan ni Ramir.

Nang magkaharap ng nakaupo ang dalawa sa magkabilang panig ng mesa, ay saka nangusap si Ramir. “Gusto kong bumalik ka doon sa Oroqueta,” wika niya sa Sarhento, “kailangan ko ang mga finger prints ng mga tao doon. ‘Yun nakausap mo doon. Kung paano mo gagawin iyon ay ikaw ang bahala. Basta ibig kong makuha ang kanilang mga prints sa lalong madaling panahon. Alam kong maabilidad ka, kaya mo ‘yan!”

Ngumiti ang Sarhento. “’Yun lang ba?” Tanong niya.

Tumango ang Tinyente. “Oo, ‘yun lang!” Sagot niya. “The sooner the better.” Dugtong pa nito.

Tumayo ang Sarhento at lumabas ng silid. Tinungo ang upuan ni Sofia at humingi ng isang clear plastic folder bago tuluyang umalis. Kumuha ng isang larawan sa kahon ng kanyang mesa at saka nagtuloy sa parking area at kinuha ang kanyang kotse.

Minaneho ng Sarhento ang sasakyan hanggang makarating sa 73 Oroqueta Street. Bago lumabas ng kotse ay pinunasang mabuti ang magkabilang mukha ng plastic folder. Iniwan iyon sa loob ng sasakyan bago lumabas at kumatok sa personnel gate ng bakod.

Dalawang lalaki ang nakita ni Rey nang bumukas ang gate. Siguro’y isa iyon sa kanilang patakaran na laging dalawa ang magbubukas ng gate. Ganoon talaga ang dapat kung mayroong pinag-iingatan o’ itinatagong lihim na ayaw mabunyag. Ang dalawang lalaking iyon ang siya ring nagbukas nang una siyang nagtungo doon.

“Magandang hapon.” Bati ni Rey sa dalawa. “Natatandaan mo pa ba ako?” Tanong niya sa lalaking nauuna sa kanyang kasama.

Medyo nag-isip ang lalaki. “Hindi ba ikaw yaong mekaniko ng aircon?” Tanong nito.

Tumawa si Rey. “Ako nga,” wika niya, “nariyan ba si Max?” Tanong niya pagkatapos.

Ngumunot ang nuo ng dalawang lalaki. “Sinong Max?” Tanong ng nasa una. “Wala kaming Max dito.”

“Wala?” Ulit ng Sarhento. “Ito ang address na ibinigay sa akin. 73 Oroqueta Street, Sta Cruz. Gusto ko lang sanang sabihan na ang refrigerator na ipinagawa niya ay ayos na.”

“Pero wala kaming Max dito. Hindi namin siya kilala.” Anang pangalawang lalaki.

“Teka, baka nagkamali lang ako ng dinig, meron akong retrato doon sa kotse, kukunin ko lang.” Wika ni Rey at mabilis na tumalikod para kunin ang plastic folder na kinapapalooban ng retrato.

“Eto, oh.., tingnan ‘yo?” Wika niya at iniabot sa dalawang lalaki ang folder.

Tiningnan ng una ang retrato sa loob at saka ipinasa sa kanyang kasama. “Hindi..,” halos magkasabay na wika ng dalawa, “hindi dito nakatira ang Max na iyan. Sorry na lang!” At ibinalik ang folder kay Rey bago isinara ang bakal na gate.

Umalis si Det. Sgt Rey Ignacio na may ngiti sa kanyang mga labi.

Pagdating sa opisina ay iniabot kay Ramir ang folder. “Pag-ingatan mo iyan,” wika niya, “nariyan ang print ng dalawang lalaki sa 73 Oroqueta Street.”

“Talaga?” Takang nawika ng Tinyente. “Talagang maaasahan ka.” Anito sabay tayo. “Dadalhin ko ito kay Roger for verification.”

Sumabay si Rey sa paglabas ni Ramir at magkasama silang nagtungo sa laboratory. Ilang sandali ang lumipas ay napag-alaman nilang ang dalawang lalaki sa 73 Oroqueta ang bumangga sa van ng Senate President at ang naghalughog sa tahanan ni Maribeth.

“Sarhento, bukas ay kumuha ka ng warrant of arrest at arestuhin ang dalawang iyan. Maraming bagay ang kailangan nating malaman buhat sa kanila.” Ani Ramir matapos malamang ang finger prints ng dalawa ay tugma sa mga prints na nakuha sa truck at apartment ni Maribeth.

Operation:  'MJ'  ni Virgilio Alvarezحيث تعيش القصص. اكتشف الآن