Operation: 'MJ' (5 to 8)

Start from the beginning
                                        

              Macabre – gruesome; suggesting death.

              Magic – art of controlling events by supernatural forces.

              Major – greater or more important than two (parts, etc.)

              Martial – associated with war; suspension of several laws.

              Jab – a quick blow; force a pointed weapon, an elbow to anyone.

             Job – piece of work; one who earns money by doing bits of work.

            Judgement – give a decision after trial; judging a person.

Ang sumunod niyang ginawa ay pagkabitin ang dalawang salita ayon sa mga letrang ‘mj’. At ganito ang kinalabasang mga kumbinasyon. Macabre jab; macabre job; macabre judgement; magic jab; magic job; magic judgement; major jab; major job; major judgement; martial jab; martial job at martial judgement.

Nang masdan niya ang mga iyon, ay wala siyang makitang indikasyon na maaaring magsabi o’ magturo sa kanya ng ibig sabihin ng ‘operation ‘mj’. Walang liwanag siyang nakita sa mga salitang napili niya. Maaaring mali siya sa kanyang ginawa. Pero paano niya mababatid kung ano ang dapat gawin? Kailangan marahil na gamitin niya ang isang kasabihang ulit-ulit na naririnig sa kanyang ama; ‘magtanong-tanong kahit na ikaw ay marunong’.

Noon din ay tinawagan niya si Det. Sgt Rey Ignacio sa intercom at sinabihang makipagkita sa kanya. Nang pumasok at makaupo na ang Sarhento ay saka nagsalita si Ramir.

“Pinatawag kita dahil gusto kong tulungan mo ako sa kasong may kinalaman sa pagkakapatay kay Lery at kapitbahay niyang si Pepe.” Paliwanag ng Tinyente.

“Anong tulong ang ibig mong gawin ko?” Sagot na patanong ng Sarhento.

“Alam mo ang tungkol sa kasong ito, hindi ba?” At nang tumango si Rey ay saka nagpatuloy si Ramir. “Alam mo rin ang tangkang pagpatay kay Vice President at itong huli ay ang tungkol sa nangyari kay Senate President Canete.”

Muling tumango ang kaharap na Sarhento. Noon ipinakita ng Tinyente sa Sarhento ang inilista niyang kumbinasyon ng letrang ‘mj’ at sinabing sa kabila noon ay hindi pa rin niya maisip ang tunay na kahulugan noon.

“Naniniwala akong ang lahat ng pangyayaring ito ay nagaganap sa ilalim ng ‘operation mj’ na narinig sa dalawang lalaking nag-uusap sa loob ng isang kotseng may plakang otso, na alam nating may kaugnayan sa isang kongresista.”

“Gan’un nga lumalabas.” Sang-ayon ni Det. Sgt Rey Ignacio.

“May palagay akong, kung malalaman natin ang kahulugan ng mga letrang ‘mj’ ay magkakaroon tayo ng idiya kung ano ang operasyong ito.” Sumandal si Ramir matapos magsalita. “Ano sa palagay mo?”

“Maaaring tama ka sa iyong sinabi.” Wika ng Sarhento. “Wala bang kahit sino ang merong idiya kung ano ang kahulugan ng ‘mj’?”

Tumawa si Ramir dahil naalala niya ang sinabi ni Maribeth tungkol doon. “Sabi ni Maribeth,” wika niya habang tumatawa, “ay Michael Jackson daw.”

Natawa rin ang Sarhento. “Kung gan’un ay pwede ring Michael Jordan” Wika niya.

Lalong lumakas ang tawa ni Ramir sa narinig.

“Bayaan mo’t pag-iisipan ko.” Matapos ang tawanan ay turing ng Sarhento. “Sa ngayon ay wala pa akong naiisip.” At saka ito tumayo at sinaluduhan ang Tinyenteng hanggang sa mga sandaling iyon ay tumatawa.

Operation:  'MJ'  ni Virgilio AlvarezWhere stories live. Discover now