Operation: 'MJ' (5 to 8)

Start from the beginning
                                        

“Ang ibig sabihin ay talagang tinangkang patayin si Senate President?

“Gan’un nga lumalabas.”

Ngunot ang nuo at nakahawak sa babang lumayo si Ramir na tila nag-iisip. “Noong una ay ang Vice President...,” parang batang bulong nito sa sarili. “At ngayon naman ay si Senate President..., sino kaya ang susunod?”

Di kawasa’y muling lumapit sa kamang kinahihigaan ni Ben. “May sagot ka ba kung bakit nangyayari ang mga ito?” Tanong niya.

Binasa ni Ben ng laway ang tuyo niyang mga labi. “Ewan.., hindi ko alam.” Umiiling na badya ng pasyente. “Teka, baka bahagi ito ng sinasabi ni Lery ..., ang operation ‘mj’? Hindi kaya?”

“Maaari,” sang-ayon ni Ramir. “Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ang kahulugan ng ‘mj’. Ikaw.., may alam ka ba?”

Umiling si Ben. “Wala.., hindi ko alam!”

“Mahirap hulaan,” wika ni Ramir, “pero naniniwala akong malalaman din natin ang tungkol diyan. Teka, alam mo ba kung nadampot ng mga pulis ang driver ng truck?”

“Hindi..., nang matauhan ako ay sa ambulansiya na. Kaya wala akong alam kung nahuli o’ hindi.”

“Sige, magpahinga ka na. Pagtatapos na wika ni Ramir. “Pupunta na lamang ako sa presinto para malaman ang lahat.” At tumalikod ito para umalis.

Napag-alaman ni Ramir sa pulis na humawak ng kaso na ang dalawang lalaking sakay ng truck ay bumaba sa kanilang sasakyan at lumalakad na palayo sa pook ng sakuna. Marami ring testigo na nagpapatotoo na sinadya ng tsuper ng truck na ibangga iyon sa van na sinasakyan ng Pangulo ng Senado. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa malaman kung saan makikita ang tsuper at ang kasama nito.

Hiniling ni Ramir sa pulis Makati na humahawak ng kaso na bigyan sila ng kopya sa ginagawang imbistigasyon. Partikular na sinabi niya ang finger prints na makukuha sa truck na ibinangga sa van. Nangako naman ang pulis Makati na magpapadala sa kanya sa oras na matapos ang kanilang imbistigasyon.

Nang sumunod na araw, ay nalatha sa mga pahayagan, na ang totoong tsuper ng truck na bumangga sa van ng Senador, ay nagsumbong sa Baliwag Police na may apat na lalaking sapilitang kumuha sa kanyang minamaneho. Isinalaysay nito ang lahat ng nangyari samantalang sila’y nasa NLEX patungo sa Maynila.

“Samakatwid,” ani Maribeth kay Ramir na nagmamaneho ng kanilang sinasakyan, “ay talagang buo na sa kanilang kalooban na ang truck na iyon ang gamitin sa balak nilang pagpatay.”

“Ganoon nga lumalabas.” Sagot ng binata. “Ang hindi ko malaman ay kung paano nila nalamang si Senador ay naroon sa lugar na iyon sa oras ng bagaan?”

Tiningnan ng dalaga si Ramir. “Bakit hindi mo ba alam na nag-advertise ang restaurant sa dyaryo tungkol sa kanilang pagbubukas? Ilang araw din ‘yung lumabas sa lahat halos ng pahayagan At nalagay doon na si Senate President ang puputol ng ribbon?”

Tumango-tango ang detektib sa narinig na tinuran ng katipan. “Kaya marahil naiplano ang dapat gawin.”

“At siguro’y may tao silang nag-report nang umalis ang Senador at kung saan ito nagdaan.” Dugtong ng dalaga.

“Marahil nga ay gan’un ang nangyari.” Amin ni Det. Lt. Ramir at kinabig ang manubela para iparada ang kotse. “Dito na lang tayo kumain. Okay lang ba saiyo?”

“Kahit saan.” Maikling sagot ng dalaga at naghanda ng bumaba.

Nang makabalik sa kanyang tanggapan si Det. Lt. Ramir dela Serna ay nagpakuha siya ng dictionary sa kanyang sekretarya. Nang maiabot ang kanyang hiningi ay binuksan niya iyon sa letter ‘M’ at isa-isang binasa ang kahulugan ng bawat salitang doon ay nakatala. Gayon din ang ginawa niya sa letter ‘J’. Ang napili niyang mga salita ay ang mga sumusunod:

Operation:  'MJ'  ni Virgilio AlvarezWhere stories live. Discover now