Operation: 'MJ' (5 to 8)

Start from the beginning
                                        

“Alam mo ba kung ano ang ginagawa niya dito?” Muli niyang tanong.

“Kinuha niya ang resulta ng kanyang pinaiksamen.” Tugon ng kanyang manggagamot.

Mula sa laboratoryo, matapos ang pagsusuring ginawa ng kanyang duktor, ay nagtungo si Solidad sa Malacanan Palace para dalawin ang kanyang kaibigang si Rosita, ang First Lady Doon niya muling nakita si Dr. Atienza na papalabas sa opisina ng Pangulo. Hindi niya pinansin yaon, nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating ang kinaroroonan ng First Lady.

Nag-uusap sila nang pumasok ang sekretarya ni Rosita at sabihing naroon si Dr. Atienza. Humingi ng paumanhin sa kanya ang First Lady at saka sinabi sa sekretaryang papasukin ang duktor.

“Good morning,” bati ng duktor na may kasamang ngiti at bahagyang pagyuko, “hindi ako magtatagal, ibibigay ko lang sa iyo ito.” At iniabot sa First Lady ang dala niyang brown envelop.

“Ano ito?” Tanong ni Rosita.

“’Yan ang test result,” anang manggagamot, “sabi ng Pangulo ay ibigay ko sa iyo.”

“Salamat.” At ipinatong ni Rosita ang envelop sa kaharap na mesa.

Tumalikod ang duktor matapos makapagpaalam at para lumabas ng silid. Tumayo naman ang First Lady at sinundan ang manggagamot. Nag-usap sila sa labas ng pinto. Hindi matanto ni Solidad kung bakit nag-aanasan ang dalawa na tila ayaw iparinig sa kanya ang kanilang pinag-uusapan. Bagay na naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng interes na malaman kung ang envelop na ibinigay ng duktor ay may kinalaman sa anasang nagaganap.

Nang bumalik ang Unang Ginang, ay hindi nagpahalata si Solidad na mayroon siyang hinalang may ipinaglilihim sa kanya ito, ipinagpatuloy nila ang pag-uusap na naputol nang dumating ang duktor. Ang paksa ng kanilang usapan ay laging nakatutok sa kanilang gawain, ang kawanggawa na pinamumunuan ng First Lady.

Ang kanilang pag-uusap ay muling nahinto dahil sa muling pagpasok ng sekretarya. “May tawag kayo sa telepono,” sabi nito, “dito ba ninyo sasagutin o’ sa inyong silid?”

“Doon na sa silid ko,” sagot ng Unang Ginang at saka humarap kay Solidad, “sandali lang ha, sasagutin ko lang ang tawag.”

Tumango si Solidad.

Tumayo ang First Lady at pumasok sa kanyang silid kasunod ang kanyang sekretarya. Nang mawala sa paningin ni Solidad ang dalawa ay kinuha nito ang brown envelop sa ibabaw ng mesa. Binuksan iyon at mabilis na binasa ang resulta ng medical examination. Matapos basahin ay ibinalik ang sobre sa kanyang pinagkunan.

Nang bumalik si Rosita ay matagal pa silang nag-usap bago nagpaalam si Solidad.

Umuwi si Solidad na sa isip ay naroon pa rin ang nabasang laman ng medical examination ng Pangulo. Walang nakaaalam ng tungkol doon. At batid ni Solidad kung bakit dapat ilihim ang bagay na iyon. Hindi maaaring malaman ng publiko na may mabigat na karamdaman ang Pangulo ng bansa. Maghahatid ito ng maraming kuro-kuro at maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa ekonomya ng bansa.

Pero naaayon ito sa kanyang pangarap na balang araw ay maging Unang Ginang ng Pilipinas. Ang tanging hadlang lamang ay ang pwesto ng kanyang asawa na sa kasalukuyan ay Speaker of the House lamang. Pang-apat ito sa linya ng magmamana sa pagka-Pangulo sakaling mawala ang Presidente. May paraan ba para matupad ang kanyang pangarap ngayong may katiyakang mawawala ang Pangulo?

Kinuha ni Solidad ang kanyang cellphone. “Alipio?” Wika niya nang marinig ang sagot ng tinawagan. “Pumarito ka, mayroon tayong mahalagang pag-uusapan.” Hindi na hinintay na sumagot ang kausap, basta pinatay ang koneksyon at saka sumandal sa kanyang upuan.

Mahigit isang oras ang lumipas bago nakarating si Alipio. Isinalaysay ni Solidad sa pamangkin ang natuklasan at karugtong noon ay sinabi ang kanyang pangarap na maging Unang Ginang ng bansa.

Operation:  'MJ'  ni Virgilio AlvarezWhere stories live. Discover now